Unexpected Soulmate Chapter 16

Start from the beginning
                                    

Sinamahan nga ako ni tita kung saan si Zion. Pinasuot niya pa ako ng ewan ko ba kung anong tawag dito, kailangan daw kasing isuot 'to kapag papasok sa room na iyon. Si Rhanz naman ay bumalik sa room ko para asikasuhin ang naiwan.

Pagkapasok ko palang sa kwarto ni Zion ay agad ng bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa nakita ko na siyang nakahiga sa kama na may nakakabit na maraming apparatus. Bumugso agad ang mga luha ko habang pinagmasdan ang katawan niyang parang lantang gulay.

'Cali, hindi ka pa patay. May pag-asa ka pang mabuhay. Kaya sana naman magpakita ka na. Ito na yung katawan mo oh..'

Patuloy parin sa pagpatak ng mga luha ko habang hinaplos-haplos ang buhok niya.

"Oy, gumising ka na nga diyan! Hindi mo ba ako kukumustahin? Na mimiss na kita Zion! Sobra na yang tulog mo e! Gumising ka na!" para akong tangang kinausap siya kahit alam ko namang hindi siya sasagot. Humihikbi ako habang nagpupunas ng sariling luha.

Mas naging maugong ang paghikbi ko nang makita ang isang butil ng luha na lumabas sa nakapikit niyang mata. Pati na rin si tita ay umiiyak na at agad pinahiran ang luha ni Zion.

'Alam mo.. nalilito na ako e. Tatawagin ba kitang Cali o Zion nalang. Nasanay na ako sa Cali e..'

'Cali, huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang misyon mo, tutulongan parin kita.'

Nabalik ako sa reyalidad nang may lumapit na isang magandang babae na hula ko ay magkasing-edad ko lang. Tingin pa lang at pananamit, alam ko ng maarte ito. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik-balik pa hanggang sa nagsawa siya.

"Tita, who is she?" nakataas ang isang kilay niya habang mataray na tumingin sakin.

"Siya si Precious, ang childhood bestfriend ni Zion. Siya yung palaging kinwento niya sayo." sagot ni tita habang nagpupunas ng sariling luha. Lumapit naman siya sakin. "Precious, siya Eunice.. girlfriend ni Zion."

Kaswal parin akong nakipagkamay sa kanya kahit parang piniga na ang puso ko sa sakit. Pilit ko rin siyang binigyan ng ngiti kahit alam ko na luha ang gustong lumabas.

Maarte niyang tinanggap ang kamay ko at sarkastikong ngumiti. "Well, nice to finally meet you." pilit na ngiti lang ang iginante ko.

Siya rin ang unang nagbitaw ng kamay namin. Lumapit siya kay Zion at hinalikan ito sa labi. Naiwas ko naman ang paningin ko dahil hindi ko magawang tingnan iyon bagkus may kapalit iyon na sakit sa damdamin ko.

"I'll be back honey.." bulong nito kay Zion at muling hinagkan. Pagkatapos nun, ang lumapit siya samin ni tita. "Tita, lalabas lang po muna ako. Bibigyan ko lang po ng oras ang 'bestfriend' niya na makasama si Zion." diniinan pa niya ang salitang bestfriend at mataray akong sinulyapan bago siya tuluyang lumabas.

Nag-iwas naman ako ng tingin kay tita at bumaling nalang ako kay Zion na siyang Cali ng buhay ko.

"Pasensya ka na doon kay Eunice. Ganoon talaga ang ugali no'n." nagpapaumanhing usal ni tita.

"Okay lang po, tita. Wala lang po sakin 'yon." sinserong ani ko naman.

Iginaya niya ako paupo sa couch na nasa gilid ng kama ni Zion. Huminga pa siya ng malalim at ngumiti sakin.

"Alam mo.. mula noong lumipat kami sa Laguna. Palagi nalang ikaw ang bukam-bibig ni Zion. Gusto ka na daw niyang makita kaya lang hindi siya pinayagan ng daddy niya na bumalik sa Maynila. Hanggang nag-high school na siya, ikaw pa rin ang gusto niyang makita.. Minsan pa nga sinabi niya sakin na baka daw nalimotan mo na siya. Sobrang na-miss ka na daw niya." habang sinasabi ni tita iyon ay nag-uunahan naman ang mga luha kong pumatak. Kahit anong pahid ko nito ay papatak at papatak parin. Nagbaba nalang ako ng tingin upang hindi masyadong mahawa si tita sa emosyon ko.

"Dati, ayaw talaga niya kay Eunice. Lumalabas ang pagkasungit niya kapag lumalapit sa kanya si Eunice. Pero dahil sa sobrang pagkagusto ni Eunice kay Zion ay hindi niya ito sinukuan. Kahit saan magpunta si Zion ay andoon din siya. Hanggang nahulog na din ang loob ng anak ko sa kanya. Pero.. kahit sila ang magkasama, ikaw pa rin ang bukam-bibig ng anak ko, ng bestfriend mo." bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay ko.

"Kaya ganoon nalang ang trato sayo ni Eunice dahil batid niyang kahit sila na ng anak ko, ikaw parin ang hinahanap nito." dagdag pa niya at pinahiran ang mga luha ko.

Mas lalong bumigat ang loob ko at mas nagbigay pa iyon ng sakit sa dibdib ko. Gusto ko ng makita si Zion, yung kaluluwa niya. Gusto ko siyang makausap at mayakap. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko siya nakalimotan gaya ng iniisip niya noon. Gusto kong malaman niya na walang oras na hindi siya iniisip at na-mimiss ko. Gusto kong sabihin sa kanya itong nararamdaman ko na higit pa sa kaibigan ang pagtibok ng puso ko sa kanya.

To be continued.......

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now