Unexpected Soulmate Chapter 16

Magsimula sa umpisa
                                    

Malaki na ba talaga ang pinagbago ko mula noong pagkabata ko hanggang ngayon? Naging mas maganda ba ako ngayon o naging pangit na?

'Aishh ewan ko sayo Precious, basta ang mahalaga ay nakikita mo na sila'!

"Oo ako nga.." mahinang sagot ko.

Tumaas pa ang kilay niya at itinuro ang sarili. "Hindi mo 'ko natatandaan?" tanong niya at iling lang ang sinagot ko.

"Ako yung pinsan ni Zion na ayaw mong papasukin noon sa bahay niyo kasi ayaw mo ng may kalarong iba maliban kay Zion.." nakapamulsang aniya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang maalala ko ang sinabi niya. Nakagat ko ang labi ko nang tiningnan ko siya.

"Ano? Naalala mo na ako?" may halong sarkasmong sabi niya at napangiwi naman ako.

"Eh ano naman? Past na iyon, di na pwedeng balikan.. Nakalimotan ko na nga e pinaalala mo pa." nakangusong sabi ko kaya tumawa naman siya ng nakakaloko.

"Really? E kung hindi ko pa pinaalala sayo, e hindi mo 'ko matandaan." pinaliit niya ang mga mata niya at pinagpantay ang paningin namin.

"Well, wala na akong pake." mataray na sabi ko.

Umayos siya ng tayo at pinagkrus ang braso habang diretsang nakatingin sakin. "What a small world nga naman e no? Ikaw pa ang natulongan ko." umiiling-iling na aniya.

"Don't worry, babayaran kita sa lahat ng nagastos mo." mataray kunwaring sambit ko.

"Hindi na.. Hindi naman labag sa kalooban ko ang tumulong e." nagmamalaking tanggi niya.

"Teka.. Ano bang nangyari?" biglang sabat ni tita at nagpalipat-lipat ng tingin samin.

Humarap naman sa kanya si Rhanz at kinwento ang nangyari sakin mula doon sa kalsada na nakita niya ako hanggang dito sa hospital. Bakas naman sa mukha ni tita ang pag-alala nang bumaling ito sakin.

"Bakit ka ba nahimatay, Precious?" nag-aalalang wika ni tita at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Eh kasi tita.. n-nag-away po kasi kami ni daddy. Dahil po sa tampo ko sa kanya ey nawalan ako ng ganang kumain at.. n-nagkulong ako sa kwarto ko mula umaga hanggang h-hapon." nakayukong sagot ko.

"At bakit ka naman napunta sa kalsada?"

"T-Tumakas po kasi ako.." nahihiya at nakangusong sagot ko ulit.

"At bakit ka naman tumakas?" tanong na naman ni tita. Grabe daig pa niya imbestigador ah?

"Pilit niya po kasing isama ako pauwi sa Maynila. Eh ayoko pa pong umuwi kasi po may gagawin pa akong importante dito."

Bumuntong-hininga si tita at hinawakan ang baba ko upang magpantay ang tingin namin. Nakangiti na siyang tumingin sakin.

"Precious, hindi mo dapat ginawa iyon. Paano nalang kung hindi ka nakita ni Rhanz o di kaya ay walang dumaan doon nung time na 'yun. Pero okay..naiintindihan kita dahil alam ko naman na may pagkastrikto ang daddy mo. Kung ayaw mo pang umuwi.. pwede ka namang manatili sa bahay namin. O di kaya dito."

"Ay 'wag na po tita, nakakahiya po." totoong nahihiyang sabi ko.

"Precious, hindi ka na iba sakin, samin. Alam ko din naman na gusto mo nang makita si Zion, diba? Sasamahan kita sa kanya. Kaya lang..nakakalungkot kasi hindi niyo magawang magkumostahan. Nasa ICU siya at ilang araw na siyang hindi pa gumigising. Sana nga e magising na siya para makita ka niyang muli." nawala ang kaninang ngiti na sumilay sa labi ni tita at napalitan iyon ng lungkot.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon