✔U.S Chapter 08

Start from the beginning
                                    

Sumeryoso naman ako kunwari. "Cali, promise ganito talaga ako. Sanay na ako na ganito ang kakainin ko sa umaga. Sa bahay nga minsan bread and bacon or egg. Minsan din ay cereal and milk. Minsan din ay ganoon, sandwich and coffee kaya huwag kang mag-alala, okay? Pero salamat sa concerned mo, I appreciate it naman," nakangiting ani ko pero suminghal  pa muna siya bago gumanti ng ngiti.

"Sigurado ka ha?" paninigurado pa niya at tumango-tango naman ako.

Pumunta agad kami sa pulis station. Nilakad lang namin ito dahil noong una ay akala ko malapit lang talaga ito sa lugar kung saan nangyari ang aksidente pero nagkakamali ako dahil sobrang layo pala kung lalakarin. Ang hagard ko na tuloy at parang gusto ko ng maligo dahil sa mga pawis na nagsilabasan sa katawan ko.

"Sa wakas!" bulalas ko nang makarating kami sa destinasyon namin.

"Sana sumakay na lang tayo no?" reklamo niya.

"Bakit? Napapagod ka?" taas kilay na tanong ko.

"Medyo," nakangiwing aniya kaya taka ko naman siyang tiningnan.

"Nakaramdam ka rin ng pagod?"

"Oo, lahat ay mararamdaman ko pa rin. Nakaramdam ako ng lungkot, saya, pagod, inis, pagkadismaya, takot at saka pagmamahal."

"Lahat ng iyon?" tanong ko ulit at tumango-tango naman siya.

"Lahat ng pwedeng maramdaman ng buhay ay nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano."

"Wow! Iba ka talaga no?" hinampas ko pa siya ngunit lumampas lang ang kamay ko.

"Kung mahahawakan mo ako, siguradong masakit iyong hampas mo."

"Hindi naman," nakangising sabi ko at nagpaumunang pumasok sa loob ng pulis station. Dumiretso ako sa mamang pulis na nakaupo sa mesa. Siya siguro iyong information desk dito.

"Good morning po!" bati ko rito.

"Good morning, ano pong atin ma'am?" tanong niya.

"Ahh, may itatanong lang po sana ako," medyo may pag-alinlangan pang sabi ko ngunit nilakasan ko na lang ang aking loob.

"Maupo po muna kayo ma'am." Sabay turo niya sa upuan na nasa harap ng mesa niya. "Ano po ba iyang itatanong niyo?"

"About po sa aksidenteng naganap noong isang araw, iyong malapit sa park?" sabi ko at kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo.

"Bakit po ma'am? Ano po bang gusto niyong malaman tungkol doon?"

"Dito po ba nakafile ang case niya?" diretsong tanong ko.

"Opo, ma'am."

Biglang nabuhayan ako ng malaking pag-asa dito sa dibdib ko. Dahil sa nararamdaman ko ay napatingin ako kay Cali ngunit ibinalik ko kaagad ang paningin ko rito sa mamang pulis.

"Pwede ko po bang malaman k-kung anong pangalan niya?"

"Bakit po ma'am? Hindi po kami basta-basta magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong may case file dito. Kaya pasensya
na po," sabi pa ng mamang pulis.

Pero hindi ako basta aatras, nandito na ako kaya dapat malaman ko na ang gusto kong malaman. Hindi ako papayag na uuwi na naman akong walang mapapala. Nilakad ko pa nga papunta dito tapos mauwi pa rin sa wala? Hindi 'to pwede, dapat malaman ko na kahit pangalan niya ngayon kasi ito na e. Ito na ang pwedeng makakasagot sa lahat ng tanong ko tungkol sa kanya.

"Kahit pangalan lang po niya sir." Nagpapaawa-face pa ako.

"Ma'am pasensya na po talaga, hindi po talaga pwede." Umiiling-iling pa siya.

Unexpected SoulmateWhere stories live. Discover now