✔US Chapter 04

Zacznij od początku
                                    

"Ang ingay mo!" sigaw rin ng kuya niya na nasa labas ng pinto at narinig pa namin ang pabagsak na pagsara ng pinto sa kabilang kwarto.

"Nagalit yata iyong kuya mo," usal ko habang nasa pinto parin ang paningin. "Pero teka, ba't ka nga pala sumigaw?"


"Ahh oo, diba tinanong mo ang sarili mo kung anong dahilan ng pagkamatay mo?" balik tanong niya sakin at tumango naman ako. "That's it! Kaninang umaga, may nabasa ako sa newspaper ni daddy. Car accident, ang headline sa news at nang tiningnan ko iyong picture ng naaksidente ay kamukhang-kamukha mo. H-hindi kaya ikaw 'yon?" aniya at naantig naman ang interes ko sa sinabi niya.

"Pwede ko bang makita 'yang sinasabi mong newspaper?" tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at umiling. "Tinapon na ni Daddy e. Aksidenteng natapunan kasi niya ng kape at ayun napunit. H-hindi na mabasa iyong mga nakasulat,"

"Iyon na sana e. So paano na naman ito?" namumublemang tanong ko. Parang nawalan na naman ako ng pag-asa. Napansin ko naman siyang nag-iisip at maya-maya lang ay may sumilay na ngiti sa kanyang mukha.

"Alam ko na!"

Tumayo siya saka lumapit sa isang maliit na mesa. Parang study table niya ata 'to. Nagtataka ako kung bakit binuksan niya ang laptop niya.

"Anong gagawin mo?" takang tanong ko.

"Hahanapin ko iyong news dito. Baka sakaling iyon ang magiging paraan para makapag-umpisa na tayo," sabi niya habang nagpipindut-pindot sa laptop niya. "Halika ka rito." Lumapit naman ako sa kanya at nakikitingin sa laptop pero ilang sandali lang ang lumipas ay may lumabas nga.

Kunot-noo kong tinitigan ang maliit na larawan at agad naman niyang pinalaki ang larawang iyon para mas klaro. Natigilan ako nang masilayan ko ang mukha ko na puno ng dugo at pawang wala ng buhay. Humakbang ako paatras kasabay ang paglunok pero ando'n parin sa screen ang paningin ko.

"Ikaw to. Ikaw talaga to e!" Tinuro-turo pa niya ang screen.


"Ako nga iyan," malungkot na sabi ko saka naglabas ng isang malalim na hininga.

"Teka, tingnan natin kung saan 'to naganap," sabi niya at pumindot-pindot ulit. Lumapit na naman ulit ako sa kanya at nakiusisa. Binasa niya yung article pero  napatakip siya ng bibig at bahagyang nanlaki ang mata kaya nagtataka naman ako. "Dito sa Tagaytay naganap ito. So ibig sabihin posibleng taga dito ka," sabi niya at binasa pang muli ang article.

"Tagaytay din ba dito?" takang tanong ko at humarap naman siya sa gawi ko.

"Oo, nasa Tagaytay tayo. Kaya feeling ko madali ko lang itong hanapin,"

Unexpected SoulmateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz