✔US Chapter 01

Magsimula sa umpisa
                                    

"Paano ko po magagawa iyon lahat kung pati nga sarili ko hindi ko na kilala? Mas lalong wala akong alam kung saang lugar nga ba ako sa lupa nagmumula."

"Huwag kang mag-alala, may tutulong sa iyo. Lahat ng alaala mo ay unti-unting babalik 'pag dating mo sa lupa. Huwag mo lang pipilitin ang sarili mong makaalala dahil kusa itong babalik." Ngumiti ulit siya na tila'y binibigyan ako ng lakas at paniniwala.

"Paano po ako babalik sa lupa, eh hindi ko nga alam ang daan palabas dito?" tanong ko ulit habang panay ang linga.

"Pumikit ka at makinig sa aking mabuti," utos niya kaya sinunod ko
na lang ito. "Pagkamulat mo ay makikita mo kaagad ang taong nakalaan para tumulong sayo. Magpakabait ka lang sa lupa at nakakasiguro akong magagawa mo ang misyon mo."

PRECIOUS' POV

Summer vacation ngayon at naisipan ng family ko na magbakasyon at sa Tagaytay ang napili naming lugar. Paalis na kami papunta doon at sobrang excited na ako kasi nga first time kong pumunta sa lugar na iyon. Papasok pa nga lang sa sasakyan ay todo na ang ngiti ko.

Nililibang ko nalang ang sarili ko sa mga magagandang tanawin na nadadaanan namin. May mga madaming puno, kapatagan at iba pa pero kahit pa anong ganda ng lugar ang nakikita ko ay hindi ko talaga mapipigilang makaramdam ng antok.

"We're here!" wika ni mommy nang makarating na kami.

Agad naman kaming bumaba ng sasakyan at sobrang napamangha talaga ako, siguro dahil ngayon lang ako nakarating dito pero hindi talaga matatawaran ang kagandahan ng lugar na ito.

"Resthouse ito ng lolo't lola ninyo dito sa Tagaytay," maya-mayang wika ni daddy nang makapasok na kami ng bahay.

Mas napunan pa ang pagkamangha ko dahil sa ganda. Medyo malaki rin siya at pakiramdam ko ay magiging komportable ako dito. Sa paglilibot ko ay narating ko ang isang kwarto na nagugustohan ko talaga ang estilo. May malambot na kama, may malaking banyo pati closet. Lumapit ako sa may balkonahe at napakasarap sa pakiramdam na langhapin ang sariwang hangin. Maya-maya ay napagpasyahan kong lumabas nitong kwarto at magtungo sa kusina kung saan nandoon sila mommy at daddy.

"Mom, dad? Pwede po bang akin nalang yung kwarto sa may gawing kanan?" nakangiting tanong ko.

"Oo naman," agad na sagot ni mommy.


"Thank you po!" masayang sambit ko tsaka pa lang ako nagtungo sa salas para kunin ang mga gamit ko. Napailing ako nang makita si kuya na naglalaro pa rin ng mobile games. "Kuya, may napili ka na bang magiging kwarto mo?" tanong ko habang inisa-isang kinuha ang mga gamit.

"Mamaya na ko mamili, naglalaro pa ako."

"Okay," lang ang naisagot ko.

Umakyat na lang ako habang hinila-hila ang mabigat na maleta. Umagang-umaga pinagpawisan na ako pero isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko nang pagkabukas ng pinto nitong kwarto. Temporary lang kasi isang buwan lang kami dito tapos babalik na kaming Maynila.

"Magandang kwarto para sa magandang dalaga hehe," sabi ko pa saka sumampa sa malambot na kama.

Maya-maya pa ay bumangon ako at inayos ang mga gamit ko. Nilagay ko iyong mga picture frames sa side table. Tatlong frames ang dinala ko, iyong isa ay kami nila mommy at daddy, iyong pangalawa naman ay kaming dalawa ni kuya at ang pangatlo na nilagay ko pa sa gitna ay kaming dalawa ng childhood bestfriend ko na si Zion.

Kinder hanggang grade three kaming magkaibigan. Pero umalis sila noong nag-grade four na kami. Lumipat kasi sila sa Laguna at doon na din siya nag-aaral. Mula noon, ay hindi ko na siya nakikita pa, ni kahit communication lang wala na.

Matapos kong ayosin ang lahat ay bumaba na ako para maghapunan. Dumeritso na ako sa kusina at ngiting-ngiti naman ako habang papalapit sa mesa. Naaamoy ko na kasi yung nakakagutom na ulam.

"Umupo kana anak, kumain kayo ng marami dahil alam kong napapagod kayo sa byahe natin," nakangiting ani ni mommy saka pinaglagyan pa ako ng kanin at ulam sa plato.


"Yeah, mom," sagot ko sabay subo ng pagkain.

"Percei, pwedeng tigilan mo muna yang kaka-mobile games mo? Enjoyin mo itong lugar anak. Pwede kang mag-nature tripping dito o di kaya gumala kahit saan. Ang daming pasyalan dito sa Tagaytay. Iwasan mo muna yang mobile games na yan, okay?" seryosong sabi ni daddy kay kuya.

"Yes dad."

Hindi siya makatingin kay daddy dahil alam niya kung gaano ito ka seryoso. Daddy is a slight strict, palagi niya kaming pinagsasabihan kapag hindi na tama ang mga ginagawa namin. Knowing kuya, takot siya kay daddy at masasabi kong ganoon din ako.

"Ikaw, Precious? Alam kong hilig mo talaga ang mag-nature tripping. Kaya may isa-suggest akong lugar para sayo."

"Ano po iyon, dad? Saan po 'yon?" tanong ko kaagad. Basta kasi ganoon ang pag-uusapan ay gigising bigla ang pagkainteresado ko.

"May japanese garden na tinatayo malapit dito at sabi nila maganda at maaliwalas daw. Kung gusto niyong pumunta doon, sige I allow you to go there, kayong dalawa ng kuya mo."

"Oh sige po," masayang sagot ko. Pangalan pa lang kasi ng lugar, alam kong magugustuhan ko na.

Pagkatapos naming kumain at ligpitin ang mga pinagkainan ay kanya-kanya na kaming pumanhik sa itaas para magpahinga.

Unexpected SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon