Mariin siyang napapikit. "Ako na ang bahala" sabi pa niya kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

"Sige na, sumama ka na lang. Tawagan mo kami kaagad pag inaway ka..." paalala ko kay Abby.

"Hindi ko aawayin, Sera. Hindi ko sasaktan" pagsuko niya. Mukhang alam niya ang mga tumatakbo sa isip ko. Tamad ko na lang siyang tinanguan. Dapat lang!



Ayaw pa sanang umuwi ni Gust pero hindi ko siya tinantanan hangga't hindi siya sumasakay sa sarili niyang sasakyan. Aba! Sabay sabay kaming pumunta dito kaya naman sabay sabay kaming aalis!



Nakahinga lang ako ng maluwag ng makapasok na ako sa front seat ng sasakyan ng mustang ni Kenzo. Tahimik lang din siya ng pinagbuksan ako ng pintuan. Alam kong medyo inis at galit pa siya sa akin kanina dahil sa nakita niyang pakikipagusap ko kay Frank. Pero kailangan ko iyon. Hindi ko tuloy maiwasang magisip kung paano ulit kami magkakaroon ng interaksyon.



Tumikhim si Kenzo habang nasa gitna kami ng byhae. Duon ko lang napansin na huminto ang sasakyan dahil sa traffic sa unahan. Nilingon ko siya, nanatili ang seryoso niyang tingin sa may kalsada.


"Galit ka?" medyo pagalit na tanong ko sa kanya. Aba kung sabihin niyang galit siya, galit din ako. Hindi ako nagpapatalo, alam niya iyan.


Nagigting ang kanyang panga. "Hindi" tipid na sagot niya sa akin. Hindi pa din siya tumitingin. Napanguso ako at napahalukipkip.



"Akala ko galit ka eh, ako kasi galit" sabi ko pa na may halong pangaasar.


Muli siyang tumikhim. Kita ko ang paglingon niya sa akin. "At anong nagawa ko para magalit ka?" seryosong tanong niya.


Pinanlakihan ko ng mata ang kalsada. "Aba, may nakita akong matang ang sarap pitikin kanina eh. Kung makatingin eh..." pagpaparinig ko. Kahit ang totoo ay wala naman siyang ginagawa. Kahit hindi naman talaga nagtagal ang tingin niya kay Mandee kanina.



"What do you mean?" tanong niya sa akin. Medyo galit na din.


Napanguso ako para itago ang ngisi. Medyo nainis talaga ako at umepal siya sa usapan namin ni Frank kanina. Pero naiintindihan ko naman ang lalaking ito na ubod naman talaga ng seloso.



"Sus. Kunwari ka pa..." pagpapatuloy ko.



Marahan niyang hinampas ang manibela. Aba't! May padabog dabog pa!



"Oh. Galit ka eh!" pangaasar ko sa kanya. Kita ko ang pagkakakunot ng kanyang noo. Siraulo, mas lalong gumagwapo pag nagagalit.


"Hindi. Ikaw lang naman ang tinitingnan ko kanina duon..." sabi pa niya. Uminit ang pisngi ko. Sus!



"Tiningnan mo lang ako nung nalaman mong nanduon ako. Pero kung wala ako sa iba ka tumitingin" laban ko.



"Oh really. Sino sa atin ang may kausap na iba?" balik niya sa akin. Gustong gusto kong sabihin kay Kenzo kung ano ang plano ko pero ayokong makadagdag ng stress sa kanya. Lalo at nalaman kong masyadong busy sa hospital ngayon para sa mga improvements.



"Nanlibre lang naman..." pagsuko ko.



"Hindi mo kailangan ng libre ng kahit na sino. You are a Herrer, you can buy everything you want" matigas na sabi niya sa akin. Napanguso ako.



"Mas masarap kaya paglibre!" laban ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Eh totoo naman kaya!



Mas lalong nairita si Kenzo kaya naman tumahimik na lamang ako hanggang sa makauwi na kami. Dumiretso sa aming kwarto para makaligo at makapagbihis. Nang matapos ako ay mabilis kong nilagpasan si Kenzo, nanatili itong nakaupo sa harapan ng tv, wala ng suot na pangitaas at naghihintay na lamang sa akin para makaligo na din siya.



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now