Kita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko kaya naman medyo nailang akong tingnan siya ulit. "Nice name" puri niya.

"Thanks" tipid na sabi ko pa. Bago pa ako makabawi ay nagulat na ako ng may mainit at matigas na brasong pumulupot sa aking bewang. Hindi ko na sana kailangan pang lingonin iyon dahil alam ko na kung sino pero nilingon ko pa din. Wrong timming Kenzo! Shit.

"Baby..." malanding tawag niya sa akin. Kita ko ang pagangat ng tingin ni Frank kay Kenzo. Nagulat ako ng nagigting ang panga niya dahil dito. So, mukhang alam ni Frank ang pagkabasted ng kapatid niya kay Kenzo kaya galit siya dito? At dahil malalaman niya ngayong ako ang asawa ni Kenzo ay magagalit din siya sa akin para sa kapatid niyang hindi pinili?

Hindi ko nilingon si Kenzo, nanatili ang tingin ko kay Frank na galit pa din ang tingin sa kanya. "Let's go. I want to bring you home, Now" madiing bulong niya sa akin sa huling salita.

Marahang napailing si Frank bago ng iwas ng tingin sa amin. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako ng makita ko ang disappointment sa kanyang mukha. Ano kaya ang naging problema? Anong ayaw niya? At bakit ako naaapektuhan ng ganito?

"Excuse us" matigas na sabi ni Kenzo bago niya ako sinubukang hinila palayo duon sa bar counter. Parang magnet na hindi maalis ang tingin ko kay Frank, nahalata ata niya iyon kaya naman nagangat ulit siya ng tingin sa akin. Hindi kagaya sa galit niyang tingin kay Kenzo ay nagawa pa niya akong tipid na ngitian.

"Nice to meet you, Sera"

Bago pa ako makasagot ay hinila na ako ni Kenzo palayp duon. Shit na malagkit talaga. Wala sa sarili akong nagpahila sa kanya pabalik sa inuupuan namin kanina. Gusto ko pa siyang makausap, marami akong gustong itanong sa kanya. Kagaya na lamang ng bakit nagawa niyang tawagin si Kianna si Frances. Is he my brother too? Magkapatid kami at ni Mandee? Oh fuck! Para akong masusuka. Wag na lang sana!

Nabalik ako sa wisyo ng magangat ako ng tingin sa table namin. Anduon na din si Apollo. Mariing kausap ang umiiyak na si Abby. Muling bumalik ang pagkainis ko dito at naalala kung bakit nga pala kami nandito.

"What are you doing here?" mariing tanong ni Kenzo sa akin, halatang galit pero pinagtaasan ko siya ng daliri. Manahimik ka at kanina ka pa umeepal.

"Mamaya ka na magaward. Ibang awarding ang pinunta ko dito" pigil ko sa kanya. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo, mukhang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko. Iniwan ko siyang nakanganga duon at tsaka umupo sa tabi ni Gust, sa harapan namin ay sina Apollo at Abby na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nakapagusap na ba.

"Ang gwapo naman pala magalit nitong si Apollo" bulong ni Gust sa akin kaya naman kaagad kong inabot ang tagiliran niya para sana kurutin. Napatawa na lamang siya kaya naman inirapan ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa dalawa.

"Abby. Gusto mo ng umuwi?" tanong ko sa kaibigan ko. Nagaalala na ako sa kanya lalo't kanina pa ito iyak ng iyak.

Napasulyap din ang pagod na mukha ni Apollo sa akin pero inirapan ko lang siya. Tumango tango si Abby bilang sagot. Bago pa ulit ako makapagsalita ay tumabi na si Kenzo sa akin. Humilig siya kaagad sa akin.

"Anong award?" nagtatakang bulong niya. Napairap ako sa ere kahit gustong gusto kong matawa. Siraulo din talaga ang isang ito.

Hindi ko siya pinansin. Ang buong atensyon ko ay nasa aking kaibigan. "Gusto mo bang sumabay kay Apollo o sa amin ni Gu..." hindi ko na natapos ang tanong ko sa kanya ng marinig ko ang pagprotesta ni Apollo. Sinulyapan ko siya at pinagtaasan ng kilay. Anong inaarte arte mo diyan eh kasalana mong lahat ito!?

"Ako na, Sera..." medyo paos na sabi nito. Halatang pagod na din.

Napahalukipkip ako. "Eh paano kung ayaw ni Abby?" laban ko sa kanya.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now