Ikalabinlimang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Napaka-plastic ng pinsan ko. She just called Cadence 'kuya'. Hindi man lang niya ako matawag na ate! Tinuktukan ko siya sa noo bago ako pumasok ng kwarto. Hindi naman siya nakapalag. Malamang pinalampas na rin niya dahil busy siya sa kanyang tsokolate.

I shook my head.

Ibinagsak ko ang aking bag sa kwarto. Nagpalit ako ng pambahay bago ako muling bumaba para magluto ng pagkain para sa hapunan. Wala na sa kusina si Nena, wala na rin doon ang mga alaga niya.

She's probably just outside playing with them. Napakagaling talaga ng pinsan ko, hindi man lang marunong magkusa na tumulong. Mapapagalitan na naman iyon dahil hindi na siya nagpalit ng uniform. Baka marumihan pa ng sobra.

Nagmano ako kay tatay pati kay nanay nang sabay silang dumating. Handa na ang hapunan. Kinuha ko ang bitbit ni nanay na mga gulay.

"Kumusta ang school, Sai?"

She looked really tired. Inabutan ko siya ng tubig. Ngumiti ako. "May exam results na po kami. Nakuha ko na po ang test papers." sagot ko kay nanay. Napalingon si tatay sa sinabi ko.

I took the examination last week. Maayos naman ang grades ko. "Kukuhanin ko po." Hindi ko na hinintay ang sagot nila, patakbo akong pumasok ng kwarto. Madali kong nakuha sa bag ang exam papers, mahipid pa iyong nakatupi.

Mabilis akong bumaba dala ang test papers. I gave the results to tatay. Sinuri niya iyong mabuti. I looked at him expectantly.

"Bakit may mali? Saan ka nagkamali?"

He was referring on the Math result. Namali ako sa isang number sa pagkalito ko sa computation. I gulped. "Isang number lang naman po, 'tay." I tried to say.

Matagal niya akong tiningnan. "Hindi 'lang', Sai. Ang isang pagkakamali pwedeng makapagpabago sa buhay ng tao. Sa isang pagkakamali, pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan ng isang tao. Ganoon kabigat ang isang pagkakamali. Naiintindihan mo ba?" Bumuntong - hininga siya at ibinalik sa akin ang test papers. "Kumain na tayo. Tawagin mo na si Nena." anyaya ni tatay pero wala roon ang atensyon ko.

I looked at the test papers again. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakatingin sa isang maling number. Kinagat ko ang aking labi habang naglalakad pabalik ng kwarto. It felt like I disappointed him. Mataas naman ang scores ko, pero iba pa rin iyong gusto niyang makita.

Hindi ko gusto ang pakiramdam. I commit mistakes, it is the nature of being a human. And I am a human.

Sumabay ako sa pagkain nang masama ang pakiramdam. Iyong naramdaman kong excitement para kanina biglang naglahong parang bula. I was there, but my mind was flying elsewhere. It was the first time I heard that from my father. Kulang nga yata ang effort ko.

And I felt bad.

***

"Sai, daanan mo sa green house ang mga gulay mamaya. Ipinapadala iyon sa mansyon. Isama mo si Nena, manghihiram yata 'yan ng notebook sa kapatid ni Jutay." bilin ni nanay habang naghahanda papuntang green houses. Kanina pa nakaalis si tatay. Maaga akong nagising para ipagluto sila ng agahan. "Ewan ko ba r'yan sa pinsan mo, pati pagsusulat, kinatatamaran."

"Bata pa po si Nena." I told her.

Ngumiti siya sa akin. "Kaya dapat mas maaga, matuto na siyang maging responsable. Hindi sa lahat ng oras, and'yan ako, ang tatay o ikaw para sa kanya. May mga bagay na kailangan niyang matutunan mag-isa." Napatigil siya nang makita ang ekspresyon ng mukha ko. Huminga siya nang malalim. "Alam ko ang iniisip mo, anak. Kailangan pa ring matuto ni Nena."

Tumango ako kay nanay at kumaway nang makaalis na siya. Naiwan ako sa labas ng bahay. Iniisip ko pa rin iyong reaksyon ni tatay kagabi. Ganoon pa rin ang pakiramdam ko. It's getting into my system. Maybe, this is going to be my high school life. This is high school life.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon