Chapter 1: Suicide turned to MURDER

Magsimula sa umpisa
                                    

Eto na ba 'yon? Eto na ba?! Isang sign naman jan, Lord, oh.

I looked at the guy. Gosh, bakit ang gwapo, bhiE?!!!

"Sorryㅡ"

"Ano ba 'yan, teh, sa susunod kasi tumingin ka naman sa dinadaanan mo," padabog niyang ibinigay sa akin ang chips and biscuits ko na pinulot niya. At umirap muna bago umalis.

Hala, barbie?!

Err, bakit ba lahat ng gwapo, may boyfriend?!?

Nakasimangot akong pumunta sa cafeteria. Naupo ako sa usual spot namin dito. I ordered heavy meals since it's almost lunch time. Halos wala pang tao sa cafeteria. Sa bagay, 15 minutes pa before lunch break. Napaaga lang ako dahil napalayas. Bakit ang wrong timing naman kasi ni Ma'am?

After a few minutes, the bell rang. Kasabay nito ang pag ingay ng buong cafeteria. I looked at the entrance and saw Avry and Jace walking towards our table.

"Oh, ano!" hinatak ni Avry ang ilang hibla ng buhok ko, pagkaupo na pagkaupo palang niya. "Sabi ko naman kasi sayo, e, BAWAL KUMAIN! Ano ka ngayon?" panenermon niya.

Tinapik ko ang kamay niya na sumabunot sa akin saka siya inirapan.

"Kasalanan ko bang nagutom ako?" inirapan niya lang din ako.

"Mapanakit ka talaga!" Jace said to Avry.

"Bakit ang epal mo?" asik naman ni Avry kay Jace.

"Epal agad? Sinabihan ka lang ng mapanakit!" Jace argued.

"Nyenye." Avry made face.

"Ang pangit mo." pabulong na sabi ni Jace pero sinadya parin niya atang ilakas para marinig ni Avry.

"How dare you to say that I'm ugly?! Look at my face! Many guys are attracted to this face! Maybe you're not a guy that's why you find me not pretty!"

Parang kanina lang sinesermonan ako ni Avry, ngayon naman nag-aaway na sila ni Jace. Look how the table turned easily.

It's true. Marami talagang nanliligaw kay Avry because she's really pretty. Bagay nga sa kaniyang mag model. With a beauty queen height, a long hair, white skin, almost perfect face (because there's no perfect). Boys will kneel to her beauty.

While me? I'm not as tall as she is (but not as small as you thought). Not as white as she is. I prefer short hair than long. As you can see I'm totally her opposite, but I'm not insecure.

Sabi nga ng bakla sa kanto namin, "Pangit man ako sa inyong paningin, maganda naman ako sabi ng nanay ko sa akin."

Kung si Avry point of view nito syempre ico-complement niya rin ako. That's what our friends are for.

"What are you trying to say?" He looked straight to Avry.

"Na bakla ka! Bakla! Bakla! Bakla!" Avry fired.

"Pangit ka naman! Pangit! Pangit! Pangit!" Jace backfired.

"BAKLA!"

"PANGIT!"

"STOOOOOP!" I exclaimed as I close my eyes out of frustration. Nang dumilat ako nakita ko silang nakatingin na sa akin.

"Can you two stop? Kahit ngayon lang? Nasa harap tayo ng pagkain oh?" panenermon ko.

Nagduruan silang dalawa.

"Ikaw kasi!" paninisi ni Avry kay Jace.

"Bakit ako? Ikaw kaya!" paninisi rin ni Jace.

"Ikaw kaya!"

Hidden Files (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon