Kabanata 34: Ray

149 11 14
                                    

Ray

Nag-aral ako sa ibang bansa dahil iyon ang gusto ni mama dahil taga ibang bansa ang kaniyang sunod na naging asawa. Nangako ako kay Maria na hindi ko siya kakalimutan at siya ang aking papakasalan kaso mukhang gumuho na ata lahat ng magagandang imahinasyon ko kasama si Maria.

"Sana masaya ka d'yan sa langit, Tito. Kasama mo na d'yan si mama" nasa harap ako ng puntod ni Tito. Hindi ito gano'ng kaayos dahil wala akong pera para ipagawa siya ng maayos na puntod.

"Kuya, nagugutom na ako" malungkot na sabi ni Sera sa akin.

Agad naman akong tumayo at hinawakan sila parehas sa kanilang kamay. Naglakad na kami pauwi papunta sa aming maliit na bahay.

"Kain na" agad naman silang nagkuhaan ng pagkain na aking inihain. Pinagmasdan ko lamang sila habang nakain.

"Ayaw mong kumain, kuya?" umiling ako kay Tera at ngumiti.

"Busog ako" pagsisinungaling ko sa kaniya.

Sanay na akong isang beses kumakain sa isang araw. May mga araw din na hindi na ako kumakain dahil ibinibigay ko na lamang lahat para sa aking mga kapatid.

Napagawi ang aking tingin sa mga barya na aking iniipon. Nilapitan ko ito at pinagmasdan.

Nag-iipon ako para makabili ng sarili kong bangka. Medyo nahihirapan na akong kumita sa inuupahan kong bangka dahil sa dami ng pangangailangan.

Akala ko ay ito na lamang ang magiging problema ko pero mas malala pa pala ang mangyayari.

"Teka, sobrang biglaan naman niyan" napakunot ang aking noo habang kinakausap si Mang Tres.

"Pasensya na, Ray. Mas magaling itong nakuha naming bata at mas may pambayad pa ito. Alam mo naman, pare-parehas nating kailangan ng pera" sunod-sunod na katwiran ni Mang Tres.

"Teka naman, Mang Tres. Matagal niyo na akong kasama lagi papuntang Berde. Para namang hindi niyo alam ang sitwasyon ko ngayon" napahinga ng malalim si Mang Tres.

"Naiintindihan kita, Ray. Kaso kapag awa ang kinampihan ko ngayon ay wala talaga akong kikitain" pagpapaliwanag naman niya.

Masama ito. Mababawasan ang aking ipon at kapag naubos na 'yon ay wala na kaming kakainin nina Tera at Sera.

"Mang Tres—"

"Tara na. Umalis na tayo!" hindi na pinansin ni Mang Tres ang aking sasabihan at diretso siyang sumakay sa bangka.

"Teka, Mang Tres!" pilit ko siyang hinabol kahit tumatakbo na ako ngayon sa dagat.

"Kapag may naghanap sa akin na babae na Maria ang pangalan ay sabihin niyo na ayos lamang ako!" malakas kong sigaw pero hindi ko alam kung narinig nila. Mukhang hindi na rin nila pinansin ang aking sinabi.

Ilang araw din ang lumipas nang bumalik ako sa dalampasigan para tanungin ang naging pagpunta nila sa Berde.

"Mang Tres, hinanap ba ako ni Maria?" agad kong tanong sa kaniya.

The Farmer (Feminism Duology#1)Where stories live. Discover now