Chapter 8

61 4 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



It's a peaceful morning, walang Troy na humahabol sa akin at nangungulit, nakakapanibago pero sanay naman ako kaya okay lang, parang bumalik lang din sa dati ang buhay ko tahimik at walang nang-gugulo. 


Nilayuan nya ako-- no nilalayuan nya ako hindi ko alam kung bakit pero hindi nya ako pinapansin. Not that I care. Hindi ko lang alam kung anong dahilan nya para layuan ako bigla again I don't care. Hindi sya naki-share sa akin ng libro gaya ngayon na nakatingin lang ng diretso sa prof namin. 


"Hmmp." At kanina pa sya gumaganyan sa akin. Nilalayuan nya ako pero nagpapansin. 


"Hmmp." Nilingon ko sya pero nang magtama ang tingin namin agad syang umiwas ng tingin. Okaay mas lalo syang nagiging weird. 


Nagsimula 'to kahapon 'noong magkasabay kaming kumain bigla na lang sya nag-sungit ng ganyan sa akin. 



"Seatmate?" Ulit nya sa sagot ko sa tanong ni Mike. 


"Friends? Are we friends?" Tinatago ko ang pagkagulat ko sa sagot nya. Hindi ko inaasahan na 'yun ang sasabihin nya. 


"Oops." Rinig kong komento ni Mike habang nakikinig sa amin. 


"Seatmate mo lang ako?" May kung ano sa boses nya hindi ko alam kung ano. 


"Ahh yeah?" After 'nun nanahimik sya at kumain ng mabilis habang naka-nguso. 



Hindi ko alam kung bakit sya nag-iinarte ngayon sa akin sinagot ko lang naman ang tanong ni Mike. This is good for me, pabor sa akin ang paglayo nya sabi ko nga he's not good for me at ayaw kong ma-attach sya sa akin o ako ang ma-attach sa kanya. 


"Hmmp." Kaya lang nakakirita ang sakit sa tenga ng ginagawa nya. 


"Can you stop doing that." Iritang sabi ko sa kanya. Lumingon sya sa akin habang naka-nguso. 


"O' bakit mo ako kinakausap seatmate mo lang ako 'di ba? Hmmp." Did he just rolled his eyes on me? 


"I don't care if your in a bad mood or what but the sound that you're making is irritating the hell out of me." Lalo syang ngumuso sa sinabi ko. 


The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon