Chapter 5

2.2K 93 10
                                    

"Shit! Crush?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







"Shit! Crush?!"


Tinaasan ko ng kilay 'yung lalaking katabi ko. Ano daw? Crush?


"What?"


"W-wala! J-joke lang 'yun!" Bigla syang umiwas ng tingin at pinasok ang ulo nya sa bag pack nya.


Ilang beses akong kumurap habang nakatingin sa kanya. He's s weird. Mga isang minuto na nakalagay ang ulo nya sa bag. Nakakahinga pa ba 'to? Nagkibit balikat na lang ako. Ano bang pake ko baka nag-aadik lang 'to.


Tumingin ako ulit sa harap ko at nag-kunwaring nakinig sa prof. Now that I remember he looks familiar parang nakita ko na sya pero hindi ko matandaan.


"A-ano pwede p-pa rin ba makishare?" Sinulyapan ko sya saglit nakalabas na ulo nya sa bag at namumulang nakatingin sa akin.


"Yes." Maikli kong sagot sa kanya. Lumapit na ulit sya at tumingin sa libro. Hindi ko na sana papansinin pero mayamayang konti narinig ko na sumisinghot sya.


"Buti na lang mabango ako." Narinig kong bulong nya habang inaamoy ang sarili. Akala ko tapos na sya pero bigla nyang din inamoy ang hininga nya. "Thanks colgate fresh pa rin breath ko."


It's hard to ignore him lalo na sa pinag-gagawa nya bigla naman syang nag-labas ng salamin at tinitigan ang sarili nya, nag-ayos pa sya ng mukha, after that pulbos naman. Pasimple ko syang tinitignan habang nag-aayos ng sarili.


Is he gay?


Hindi sya mapakali sa itsura at sa upuan nya hindi tuloy ako makapag-focus. Nagsisisi na ako na nakipag-share pa ako sa kanya.


"Do you need this book o mag-papapogi ka lang dyan?" Natigilan sya sa sinabi ko. Tinaasan ko sya ng kilay. Dahan dahan naman nyang binalik sa bag nya 'yung salamin at pulbos nya.


"S-sorry na-coconcious kasi ako baka mabaho ako." Nahihiya nyang sabi.


"You smell good." Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko ako naman napakagat sa labi.


Damn. Where did that come from?!


"Talaga?!" Masaya nyang sabi. Hindi ko sya sinagot at umiwas ng tingin sa kanya. "Arbor ko na 'tong pabango mo Leo bwahahaha." Bulong nya sa sarili nya.


After that umayos na sya at nakinig na lang kami sa prof pa minsan minsan nahuhuli ko syang nakatitig sa akin pero mabilis syang umiiwas ng tingin kapag nahuhuli ko sya.


"Ano nga pala ulit pangalan mo?" Tanong nya sa akin sa kalagitnaan ng discussion.


"Kersly." Matipid kong sagot sa kanya.


"A-ako nga pala si Troy."


"I know sinabi mo na kanina."


"A-ahh inuulit ko lang pala hindi mo makalimutan hehe." Nanahimik na ulit ako.


The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon