Chapter 7

1K 30 17
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"KERSLY!" 


Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Nilingon ko 'yun at nakita ko si Troy na tumatakbo palapit sa akin, tinuloy ko ang lakad ko akala ko kung sino siya lang pala. 


"Kersly!" Tawag nya ulit pagkalapit nya sa akin. "Good morning!" Nakangiti nyang bati sa akin. 


Hindi ko sya binati pabalik at nagpatuloy lang maglakad. Ang aga aga naman nyang nangungulit.


"Ay snob?" 


"What do you want?" Tanong ko nang hindi sya tinitignan. 


"Wala lang gusto lang kitang batiin ng 'good morning'. 


Nagkibit balikat lang ako at hindi na nagsalita ulit. Nakasunod pa rin sya sa akin, pinagtitinginanan na naman kaming dalawa, hindi ba sila napapagod tignan ako? Walang magawa sa buhay. 


"Punta ka ng classroom?" Tumango lang ako sa kanya. "Sabay tayo?" Wala akong reaksyon kahit naman sabihin ko hindi sasabay at sasabay sya sa akin. 


"Magpapalit lang akong damit, okay lang?" Nilingon ko sya. 


Ngayon ko lang napansin naka-jersey pala sya. Jersey ng basketball team na may Phoenix na nakalagay sa harap. Nag-papractice siguro sila. Nagsisimula na pala syang maging captain ng bagong team namin kaya pala 'yung ibang babae kinikilig na nakatingin kay Troy. 


"Do what you want." Sagot ko sa kanya. 


"Hintayin mo ko?" Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit ko pa sya hihintayin? "Sige na pagbigyan mo na ako ngayon lang tayo magkakasabay pumasok sa klase eh." Nakanguso nyang sabi. 


Naglakad ako papunta sa bench na nakalagay sa gilid ng hallway at umupo 'dun. Nagtaka naman si Troy sa ginawa ko. 


"What? I'll wait for you here, make it fast." Walang emosyon kong sabi bigla naman syang ngumiti ng pagkalaki laki. 


"Sige! Wait lang ah!" At mabilis tumakbo paalis. 


I want to punch myself. Bakit ba hindi ako maka-hindi sa kanya dapat dumiretso na lang ako sa klase pero eto ako ngayon nakaupo sa bendh at hinihintay si Troy ano bang nangyayare sa akin? Nahahawa na yata ako sa pagiging weird ni Troy. Naka-suot ako ng headset habang hinihintay si Troy hindi pa tapos ang pangalawang kantang pinapakinggan ko dumating na si Troy na hinihingal at pinag-papawisan. 

The Devil in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon