Kabanata 33: Talunan

Comenzar desde el principio
                                    

Hindi naman ako umaasa. Gusto kong siguraduhin at marinig mismo sa kaniya na ayaw na niya talaga akong makita. Kahit alam kong masakit ay tatanggapin ko.

Pero kaya ko nga ba talagang tanggapin kung iyon nga ang katotohanan?

Umiling ako sa aking sarili at nagpokus sa aking dinadaanan. Tsaka ka na umiyak Maria kapag nalaman mo na ang totoo. Depende parin pala kung iiyak ako o ngingiti.

✧✧✧✧

Frior

"Are you sure she'll be fine?" pinagmamasdan ko parin ang daang tinahak ni Maria kani-kanina lang.

"I don't know" mahina kong sagot. Napahinga ako ng malalim at napahilamos sa aking mukha.

I am expecting something that's why I didn't go after Maria. If it does go right then it's all over for me.

"Bakit ang bilis mo atang hinayaan si Maria na hanapin si Ray?" nagtataka akong tinignan ni Sally.

"I'm just going with the flow. I'm not here to fight, I'm here to protect" seryoso kong sabi sa kaniya.

"Anong gagawin mo kapag nakuha ni Ray si Maria?" that's an odd question coming from Sally. I thought she's against me awhile ago.

"There's nothing I can do. That's life" I put both of my hands on my pocket then start walking away. I should head to the ship now or I will sink myself.

Naramdaman kong agad namang sumunod si Sally sa akin. Tahimik lamang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa barko.

I don't want seeing Maria unhappy but I want Ray to just disappear and stop existing.

✧✧✧✧

Maria

Kanina pa ako patakbo-takbo at palakad-lakad sa buong bayan ngunit hindi ko parin makita si Ray.

Baka tama si Frior na ilusyon ko lamang ang nakita ko pero ayaw kong maniwala. Pakiramdam ko talaga ay si Ray ang nakita ko.

Nakarating na ako sa tabing-dagat at pinagmasdan ang mga nagtatrabaho sa may gilid. Hinihingal na ako at hindi ko na kaya pang tumakbo. Naalala ko na taga-import at export pala si Ray ng mga isda kaya baka kilala siya ng mga tao rito. Agad akong naglakad papalapit sa mga nagtatrabaho.

"Mawalang-galang na po pero kilala niyo po ba si Ray?" agad naman silang nagtinginan sa akin at ibinaba ang kanilang mga binubuhat.

"Ikaw ba si Maria?" nagliwanag ang aking mukha dahil binanggit niya ang aking pangalan. Siguro ay naikukwento ako ni Ray sa kanila.

"Opo. Ako nga po" masaya kong sabi sa kanila.

"Aba. Bakit ngayon mo lang siya hinanap?" napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

"Po?" naguguluhan kong tanong.

"Puntahan mo na lamang siya ngayon" tumabi sa akin ang lalaking kausap ko at may itinuro.

"Nakikita mo ba ang malaking kalatura na 'yan? Pumasok ka sa may eskinita d'yan at bilangin mo ang bahay. Sa palimang bahay nakatira si Ray" dire-diretsong sabi ng lalaki.

"Maraming salamat po!" masaya kong sabi sa kanila at agad akong naglakad papunta sa direksyong itinuro ng lalaki.

Nakangiti ako habang naglalakad. Kumakabog ng mabilis ang aking puso dahil sa wakas ay makikita ko na ulit si Ray. Medyo kinakabahan ako pero mas nangingibaw ang saya sa aking puso. Nasasabik na akong sabihin sa kaniya na naaalala ko na ang lahat.

Masaya kong binibilang ang mga bahay hanggang sa mabilang ko na ang ika-limang bahay. Pinakalma ko muna ang aking sarili bago dahan-dahang lumapit sa bahay.

Napatigil ako sa paglalakad ng may babae na lumabas sa loob ng ika-limang bahay. Nawala ang kislap sa aking mata pati ang ngiti sa aking labi.

Sunod na lumabas sa pinto ay si Ray at masayang nakangiti ang babae sa kaniya. Mayamaya pa ay nagsimula na silang maghalikan sa aking harapan.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi ko alam ang aking gagawin. Bumitaw na sila sa kanilang paghahalikan at nagpaalam na sila sa isa't isa. Bahagya akong napaatras ng magtama ang paningin namin ni Ray.

"May kailangan ka?" nagsimulang manginig ang aking mga kamay dahil sa malamig na boses ni Ray.

"A-Ano..." nauutal ako at hindi makapagsalita. Konti na lang at mapapaiyak na ako sa sakit. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Sabihin mo agad. May gagawin pa ako" kinakausap niya ako na para bang wala lang ako sa kaniya. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking luha na malapit ng bumuhos.

"N-Naaalala ko na l-lahat..." mabilis ang tibok ng aking puso habang nakahawak sa aking siko.

"Tapos?" walang emosyon niyang tanong sa akin. Bakit parang nagsisisi na ako na hindi ako nakinig kay Frior?

"B-Baka lang gusto mong malaman..." napayuko ako habang pilit paring pinipigilan ang aking mga luha.

"Meron ka pa bang sasabihin?" bakit ganito? Bakit parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko? Hindi niya ba alam na sobrang saya ko na makita siya pero nawasak lang iyon dahil mayroon na pala siyang iba?

"Papakasalan kita balang araw"

"N-Nangako ka sa akin na ako ang papakasalan—"

"Hindi kita mahal, Maria" ang tuluyan na ngang nawasak ang lahat ng pag-asa ko at nagsimulang magunahan sa pagtulo ang aking mga luha.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak mo ngayon pero huwag mo na akong isipin pa. Siguro naman ay naiintindihan mo ang sinasabi ko" dahan-dahan akong tumango sa kaniya habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Umalis ka na. Ayoko nang makita ka"

Para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa mga salitang binibitawan ngayon ni Ray. Dapat nakinig na lamang ako kay Frior. Tama siya.

Pumasok na sa loob ng kaniyang bahay si Ray at sinarado ang kaniyang pinto.

Nanginginig ang aking mga paa at nagsimula na akong maglakad papalayo. Patuloy parin ang pagbagsak ng aking mga luha dahil hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.

Mukhang hindi naman ako nanalo. Pakiramdam ko ay natalo ako. Hindi, mas malala pa ito sa pagkatalo. Pakiramdam ko ay patay na ako.

The Farmer (Feminism Duology#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora