Hinampas ko ang lamesa kaya naman medyo nagulat siya. "Gaga! Wala pang Soco at imbestigador that time!" asik ko sa kanga kaya naman napa-O ang bibig ng gaga. Napairap tuloy ako. "Tsaka puro patayan naman yan! Namatay ba ako? Di ba kidnap!" pagpapatuloy ko pa kaya naman napahawak na lamang siya sa batok niya.


Napabuntong hininga siya bago niya sinarado ang laptop. "Hintayin na lang natin ang binayaran ko para dito. Wala akong detective blood...hanggang stalking lang ako" pagbibida pa niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin bago tumaas ang isang sulok ng aking labi. Sabagay! Magaling talagang mag stalk ang loko lalo na pagtype na type niya yung lalaki. Lahat nalalaman, in just a minute kilala na ata niya ang buong pamilya. Kulang na lang ay makasuhan dahil sa masyadong pagiging baliw at hayok sa impormasyon.


Sandali siyang tumayo para muling magsalin ng wine sa kanyang wine glass. Napatingin din ako sa suot kong orasan. Hinihintay ko lang mag alas tres at aalis na ako para sunduin si Kianna sa school. Matapos naming maglunch ni Kenzo ay dito ako sa condo ni Augustine dumiretso. Ayaw pa sana ni Kenzo, pero ng ilang beses kong ulitin sa kanyang never magkakainterest si Gust sa akin dahil isa din itong binabae ay wala na siyang nagawa pa. At hindi din naman niya ako mapipigilan.



"Anong problema mo?" tanong niya sa akin ng makabalik siya. Mukhang naabutan niya akong nakatitig sa aking wine glass.


Marahan akong umiling. "May iniisip lang" sabi ko at napabuntong hininga pa.



Maarte siyang nagtaas ng kilay bago siya muling umupo sa aking harapan. "Tulad ng?" tanong niya bago sumimsim sa kanyang wine glass.


"Kung paano ka umiihi, nakatayo o nakaupo?" nakangising sabi ko kaya naman halos mapahalakhak ako ng masamid ang gaga.



"Tangina ka, Seraphine" inis na sabi niya sa akin habang pinupunasan ang basa niyang labi.


Muli akong natawa. Kaya naman mas lalo siyang nainis. "Papunta na tayo sa drama eh! Lumiko ka pa, Gago!" bulyaw niya sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.



Nang muli siyang makaayos ay sinamaan niya ako ng tingin. "Sagutin mo ako ng seryoso" duro at pagbabanta niya sa akin kaya naman napanguso ako.



Nagbuga ako ng malalim na paghinga. Kahit ilang beses kong subukang takasan ay hindi pa din talaga maaalis sa akin ang madaming katanungan. Pakiramdam ko hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikilala ang totoo kong pamilya. Hangga't hindi ko nalalaman kung bakit ako nawala sa kanila at kung bakit hindi nila ako nahanap.



"Ano kayang itsura ng totoo kong Daddy? Ang Mommy ko? May kapatid kaya ako?" tuloy tuloy na tanong ko kay Augustine.


Napanguso din siya. Mukhang nahirapan ding sagutin ang mga tanong ko sa kanya. "Kaunting tiis na lang. Masasagot din ang lahat ng iyan...sabihin mo na kay Kenzo. Para naman aware siya, at mas mapapabilis ang paghahanap natin kung  tutulong siya" sabi niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.


Plano ko naman talagang sabihin sa kanya. Ang kaso ay alam kong busy pa siya ngayon para sa annual PHA ball. At mukhang mas lalo niyang kailangang mageffort dahil nauna na akong naawardan ng PHA president dahil sa pagsampal ko sa anak niya.



"Ay bawas points yun!" deklara ni Gust ng ikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Fidez at ang ama nito bilang presidente ng Philippine Hospital Association.


Napanguso ako. "Eh malay ko ba. Tsaka dapat hindi na siya makisali, away bata ito...I mean, bawal kasali magulang" giit ko.


Napailing si Gust at napangisi. "Gaga, syempre tanda ka na nun. Inaway mo ba naman anak niya eh" pananakot pa niya sa akin imbes na panatagin ang loob ko. Ang gago talaga!



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon