Ibinaba ko ang gym bag sa sofa.
"Sige na, matulog ka na. I'll just call someone," ani ko kay Nathan.
Saglit nanatili sa akin ang tingin niya bago tumango. Binuksan ko naman ang glass door papuntang veranda ng kwarto. Agad ko tinawagan si Timo pero hanggang ngayon ay out of coverage pa rin.
Nakakapikon naman 'to si Timo! Nairita ako kaya si Aina nalang ang tinawagan ko.
"Girl! Dapat tatawagan na kita e!" bungad niya. "Bakit andito pa rin sasakyan mo?"
Bumuntong hininga ako.
"Sumama si Nathan, sasakyan niya gamit namin," paliwanag ko.
"What? OMG!" tili niya. Agad ko nilayo ang cellphone sa tenga ko.
Antok at pagod na nga ako dahil kahit tili niya ay naiirita na ako.
"May balita na ba kay Timo?" tanong ko.
"Ah, wala pa girl. Pero tumawag ako sa company nila and it turns out di din daw pumasok e, pero binigay naman address niya. Weird nga e, binigay agad. Siguro kasi akala nung kasamahan niya girlfriend ako ni Timo kay-"
Hindi ko na pinatapos si Aina. Bumabagsak na kasi ang mata ko.
"Ai, I need to go. Tawag nalang ako ulit ha. Bye na!" narinig ko pa ang apila niya pero pinatay ko na ang tawag.
Sinalubong ako ng lamig ng aircon pag pasok ko muli sa aming room. Nakadapa na si Nathan sa queen size bed sa gitna ng kwarto. Lumapit ako at narinig ko ang mahinang hilik niya.
Napangisi tuloy ako at napailing. Tignan mo 'to, iniinis ako pero siya naman pala ang naghihilik. Wala sa sarili kong kinuha ang phone at sinimulan siyang kuhanan ng pictures at video.
Napahinto lang ako nang biglang namatay ang phone ko kasi lowbat na. Nakita ko tuloy ang nakangiting repleksyon ko sa namatay na cellphone.
Agad napawi ang ngiti ko at agad akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Napabuntong hininga nalang ako habang umiiling.
Ngayon ko napatunayan na mas madaling sabihin na hindi mo na mahal ang isang tao kapag malayo ito sa'yo. Dahil ngayong ang lapit lapit niya, parang gusto ko nalang pagbigyan ang sarili ko na mahalin siya. Kahit na noon pa naman, Nathan has always been off limits to me.
Since malaki naman ang kama, humiga na ako sa tabi niya.
It was already three in the afternoon nang magising ako. Nakapaligo na si Nathan at nakapag order na rin ng pagkain namin. Mabilis akong kumilos dahil baka hindi namin maabutan ang forensic pathologist na nag autopsy kay Mama.
"Kumain ka pa. Huwag ka mag madali kasi malapit lang naman 'yung ospital dito," paalala niya nang makitang prutas lang ang ginalaw ko.
"Busog pa naman ako," depensa ko.
Feeling ko kung araw - araw kami magkasama ay tataba talaga ako.
Hindi nanalo si Nathan sa akin nang sabihin ko na ako na ang magda-drive papuntang ospital.
"Hindi ko ibabangga 'tong sasakyan mo kaya chill!"
Napailing siya.
"Hindi sa ganon. Nakapag pahinga na naman ako," paglaban niya pa.
Whatever.
"Paano nga pala na- autopsy Mama mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang saglit.
Kinagat ko ang labi ko. I made a U turn bago ko siya sinagot.
YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...
Kabanata 16
Start from the beginning
![Exception [ Quintero Series #2 ]](https://img.wattpad.com/cover/211932718-64-k435083.jpg)