I DON'T BELONG

22 2 0
                                    

TITLE: I DON'T BELONG

Deretso akong pumasok sa loob ng bahay nya. Hindi alintana sakin ang mga katulong sa paligid maging ang guard na nagbabantay sa gate.

Ng makapasok ay agad hinanap ng mga mata ko ang isang pigura.

There.

I saw him.

He's almost laying on the sofa. Nagkalat din sa buong paligid ang mga bote ng alak. Wala ng laman tanda na inubos nya iyong lahat.

"Liam" bulong ko.

Tila ko nanghihina sa nadatnan kong kalagayan nya. He's drunk and totally wasted.

Tears started falling from my eyes as I walked closer.

"I don't want to see you like this" bulong kong muli. I want to touch him pero di ko magawa. Pinanghihinaan ako ng loob.

Hindi ko sya gustong iwan pero wala akong choice. Mahal ko sya pero hindi pwede.

O mas tamang sabihing hindi na pwede.

----FLASHBACK------

"Miss watch out!" iyan ang huli kong narinig bago ko maramdaman ang pagtama sakin ng bola.

Nagising nalang ako sa loob ng clinic. May benda na ang ulo ko na bahagya pang kumikirot.

"There, gising na sya Mr. Navarro" dinig kong saad ng nurse ng clinic. "Don't worry. Minor lang naman ang natamo nya. There's nothing serious except sa sugat nya sa ulo dahilan ng pagtama nya sa bato"

May sugat ako? Tumama sa bato?

Pilit akong umupo kahit bahagyang sumakit ang aking braso. Napasama nga siguro ang bagsak ko dahil pati katawan ko ay ganoon nalamang ang sakit.

"Miss are you okay?"

Napakurap ako sa lalaking nasa harapan ko. Kulang nalang ay itulak ko sya palayo. He's too close.

"Ikaw ba may gawa nito?" mataray kong tanong.

Nilingon ko ang nurse na nakangiting tumalikod na.

"Hey Miss hindi ko kasalanan kung hindi ka tumitingin sa paligid"

Abat!

"Hoy, kasalanan mo yun dahil tinamaan ako ng bola na nilalaro nyo!" inis kong saad.

Tsk.

Sinong hindi maiinis? I was just passing there para sa ipasa kay Mr. Agustin ang project ko--

Nanlaki ang mga mata ko. "Nasan ang bag ko?" taranta kong tanong. He pointed it on the table.

Madali akong bumaba ng higaan at tumakbo na palabas ng clinic.

This can't be happening!

Ngayon ang deadline ng project na to sa subject ni Mr. Agustin!!

--

"You're late Miss Asuncion. I am strict with the deadline. Ilang beses kong pinaalala sa klase nyo yan"

"Pero sir, I have my reason. Kung hindi po ako tinamaan ng bola--

"I don't like to hear any exuces Miss Asuncion. You will get no grade for this project"

Waah!

Gusto kong umiyak. Pinagpaguran ko ng ilang linggo tong project na to. I spent money for this research tapos mababalewala lang?

One shot StoriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang