With my Childhood Friend

23 2 0
                                    

TITLE: With my childhood friend

"Witwiw"

Inis kong nilingon ang impakto naming kapitbahay. He's sitting on a bench inside their lawn tapos nakangising nakatingin sakin.

"Nice legs" dugtong pa nito sabay kindat.

"Hoy impakto ka! Pumasok ka nga sa bahay nyo. Ang aga-aga sinisira mo araw ko" inis kong bulyaw sa kanya then pinagpatuloy ko nalang pagwawalis ng bakuran namin.

"Ayoko nga. Ganda ng view dito" anito na nakatingin parin sa legs ko. Hinayupak talaga.

"Susumbong kita kay Tita Brena" asik ko ulit sa kanya. Dinuro ko sya ng walis tingting. Saktong labas naman ng mommy nya. "Tita, yang si Zi minamanyak na naman ako" sumbong ko.

"Ikaw talagang bata ka"

"Aray aray" di ito magkandatuto kung paano aalisin yung kamay ni Tita sa tenga nito. Binelatan ko sya. Buti nga sayo. Bleee.

"Aray naman Mom! Tinitingnan ko lang naman yung mabalahibo nyang binti. Aray! Parang  lalaki kaya! Anong masama dun!?"

Abat! Walanghiya talaga!

Napatingin tuloy ako sa legs ko. Anong parang lalaki? Siraulo!

"Pumasok ka sa loob!" bulyaw dito ng mommy nya sabay lingon sakin. "Hija nasa trabaho na ba ang Mom and Dad mo?"

Tumango naman ako.

"O sige. We'll go to work. Mag ingat kayong dalawa ni Zi. Mamayang gabi pa ang balik namin pati ng parents mo" anito at kumaway na sa asawa nito na kalalabas lang ng bahay.

"Bye Tito Franco, Tita Brena. Ingat po kayo" magalang kong saad.

Ewan ko ba. Mabait naman sina Tito at Tita, kaya paanong nagkaroon sila ng anak na kalahating tao, kalahating impakto?

"Take care"

Bago tuluyang paandarin ang kotse ay sumigaw pa ulit si Tita Bren. "Zi bantayan mo itong si Tasha. No more night outs"

"Tsk. Bat ko babantayan yan? Bata ba sya?"

Hayts. Kahit kailan talaga.

"Sige po Tita. Ingat po kayo. Ako nalang po magbabantay sa sira ulo nyong anak" saad ko ng nakangiti kahit kating kati akong sapakin si Zi.

"Talaga? Babantayan mo ko? Sweet mo naman Tashing"

Inirapan ko nalang sya at pumasok na ko ng bahay.

If you're wondering who's that manyak over there, that's Zion Alejo. Simula pagkabata, kabitbahay ko na sya dito sa village. Best of friends din ang mga magulang namin, kami lang yung hindi.

Pano ba naman, walang araw na hindi nya ko iinisin. Ewan ko ba, dagdag energy nya ata tuwing nakikita nya kong namumula sa inis.

Katulad ngayon.

"Halimaw ka talaga! Akin na yang sandwich ko" pilit kong kinukuha yun sa kanya pero itinaas nya lang yung kamay nya. Ayun, dahil matangkad sya, di ko maabot. Asar!

"Sandwich lang pagdadamot mo pa?"

"Edi gumawa ka ng sayo!"

"Mas gusto ko to" sabay kindat. "Gawa mo to e. So siguradong masarap"

Ayts.

"Ibigay mo nga sakin yan! Saka, anong bang ginagawa mo dito?" inis kong saad sa kanya pero nakatingin parin ako sa ginawa kong sandwich.

Peste tong lalaking to. Wala bang sandwich sa bahay nila?

"Sabi ni Mommy bantayan kita kaya dito muna ko sa bahay nyo" anito sabay ngisi. "I'm a guest so treat me nicely okay?" kakagat na sana ito sa sandwich pero madali ko iyong inagaw.

One shot StoriesWhere stories live. Discover now