Ten Years

27 2 0
                                    

TITLE: TEN YEARS

Tara's POV

*Phone ringing*

Mula sa pinapanuod mula saking laptop ay nilingon ko ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa.

Madali akong tumayo at binunot iyon mula sa pagkakacharge.

[Aunty Ren calling]

"Hello Tita?" saad ko matapos pindutin ang answer botton. Inipit ko saking balikat ang aking cellphone upang mashutdown ko ang aking laptop. Matapos iyon ay naupo na ko sa sofa.

"May ipapakilala nga pala ako sayo Tara"

Lihim akong napatirik ng mata.

Eto na naman sila. Noong nakaraan lang isang tita ko ang may ipinakilala saking lalaki, ngayon naman eto.

Ganun ba nila kagustong magkaboyfriend na ko? Gad! I'm only 21 for godsake.

"Tita naman e. Bakit sakin?" saad ko. Nilingon ko ang tv at binuksan iyon. "Pwede naman kay Ate Jenny tutal malapit na syang mawala sa kalendaryo"

"Wala akong mapapala kung ipapakilala ko sya sa pinsan mo. Isa pa, mas bagay kayo" anito at humagikhik pa sa kabilang linya.

"Tita baka mapahiya lang kayo sakin"

Totoo naman.

Baka mapahiya lang siya sa ipakikilala nya. Sa edad ko ay wala pa kong balak pumasok sa isang relasyon. I think I'm not matured enough to handle a relationaship.

Isa pa'y baka hindi ako magustuhan nun. Marami akong doubt sa sarili ko.

"I already told him about you. Sinabi ko rin na hindi ikaw yung babaeng dapat lokohin lang"

Aba dapat lang. Nako talaga! Kapag ako niloko nya--hayts.

Hindi ko sinasabi na gusto ko yung ipapakilala nya.

"Sinabi ko rin sa kanya na friend lang muna kayo. He created a facebook account para ma-add ka nya"

Talaga?

Wala ba syang fb account para gumawa pa sya? Ano yun taong bundok?

"Sige na Tara. Friend lang naman kayo. Mag-usap kayo. I-entertain mo lang. Wala naman mawawala sayo"

Lihim akong napabuntong hininga.

Ilan na ba ang ipinakilala nilang lalaki sakin na hanggang chat lang ang kinahantungan namin?

Na matapos magpalitan ng information about sa isa't isa ay wala na?

Magchat man sila e ako naman yung seen lang.

Magyaya man e ako yung laging busy ang palusot.

Tsk.

Alam ko na kung anong kahahantungan ng isang to.

"Anong pangalan nya Tita?"

I open my facebook account to see if he already sent me a request.

Don't get me wrong. Hindi naman sa interesado ako. I just want to see his face.

"Matt Mantall"

Yun nga. May 'Matt Mantall' sa friend request list ko.

"Ibinigay ko na facebook account mo sa kanya. Accept mo huh"

Tumango tango ako.

"Sige po tita"

I scrolled down. I stalk him. Halatang kagagawa lang ng account nya. I clicked his profile picture.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon