Chapter VII

10 3 0
                                    

-Ayesha-

Time flew faster than expected.

Parang kailan lang ay nag seset pa lamang ako ng proposal sa board para sa isang project tapos ngayon heto na ako sa mismong ground breaking event.

"Isang libong palakpak para sa walang kupas na Ayesha Sandoval!" nakangiting saad ni Stacy habang pumapalakpak.

Napatawa naman ako sa inasal niya.

"Sus naman! Alam naman natin pareho na marami ka ding ginawa para sa project na ito." saad ko bago kumuha ng isang bottled water mula sa lamesa at binuksan ito.

"Yieee~ Kilig naman ako sa sinabi mo!" tawa niya.

Saglit akong uminom mula sa bottled water bago ito isinara. Napabuntong hininga naman ako bago pinahid ang kaunting pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko.

"Gosh ang init talaga..." saad ko.

"Huwaw! Medyo tunog maarte ka sa part na iyon." sabat naman ni Stacy.

Natawa na lamang ako. "Mas maarte ka no! Tangi tangi ka pa kay Mr. Nozomi eh gusto mo naman." panunukso ko sakanya.

Agad naman niya akong sinimangutan. "Alam mo Ayesha! Ang ganda ng araw tapos sisirain mo dahil sa kakasingit mo diyan sa hapon na yan!" saad naman niya.

"Well you can't blame me tho. Ang denial mo lang kasi talaga!" wika ko pa sabay kibit balikat.

Napairap na lamang siya.

-Tracy-

Minsan talaga nakakasira ng araw tong si Ayesha! Pero kahit na ganun ay best friend ko pa din siya.

I wish her the best, and I plan to support her every plan because I believe that's what friends are for.

Hindi ko din bet yung makita siyang umiyak because of some jerk out there kaya naman I always have my eyes around her to make sure that no bastard is going near my friend.

Christian Legazpi for example. He is very renowned in the business world and is often caught by the press socializing with women. I doubt that he only wants business with Ayesha, so I will do my very best to stop him from executing his evil plans.

"Huy Stacy! Bakit ka ganyan makatingin?" tanong ni Ayesha.

"Siguro iniisip mo si Mr. Nozomi no?" nakangisi niyang tanong.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo Ayesha sarap lagyan ng duct tape yang bunganga mo!" saad ko naman na ikinatawa niya.

"Ms. Secretary, what's my schedule for today?" nakangiting tanong ni Ayesha sa kanyang assistant bago siya tuluyang pumasok sa kanyang office.

Halatang masaya ang aura ng dalaga dahil mahimbing ang naging tulog niya, and everything was going according to her plans.

Pagkapasok niya ng kanyang office ay pasimple niyang nilapag ang kanyang Channel purse sa kanyang table bago siya naupo sa kanyang swivel chair at naghintay ng magiging schedule niya para sa araw na ito.

"May meeting po ulit kayo with Mr. Nozomi at 10:30 am, then a lunch meeting with the investors para sa branch opening in the province, and after that you will be meeting the CEO of cleaning fairies Ma'am." sagot naman ng secretarya habang nakatuon ang pansin sa kanyang planner kung saan niya isinulat ang schedule ng amo.

"Kindly call Stacy and tell her to meet me at the place for my meeting with Mr. Nozomi." saad naman ni Ayesha.

"And don't tell her it's a meeting. Ok?" nakangising saad pa ni Ayesha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Therapeutic CureWhere stories live. Discover now