Chapter VI

13 2 0
                                    



Spell P-A-G-O-D. Yan yung nararamdaman ni Ayesha pagkauwi niya ng bahay at hindi na nga siya nakapag bihis ng pantulog.

Kinabukasan ay wala namang siyang nakaschedule na morning meeting kaya naman ay late nang gumising si Ayesha. Pagkagising ay gumawa muna siya ng morning exercise routine bago naligo at kumain ng breakfast.

Pagkatapos kumain ay sinimulan niya nang ayusin ang kanyang sarili.

She chose to wear a Baby Pink-colored and floral designed Jumpsuit paired with black peep toe and her blush tote bag. She also wore light make up and styled her hair into a hostess bun.

"Voila! Your CEO is ready to go!" saad ni Ayesha sa sariling repleksiyon sa salamin.

Pagkarating niya sa building ay pinaulanan na naman siya ng samo't saring bati ng kanyang mga empleyado.

"Good Morning Miss Ayesha!" saad ng isa.

"Ang ganda niyo po ngayon Ma'am." saad naman ng iba.

Nang makarating siya sa kanyang opisina ay agad na sumunod dito ang kanyang sekretarya upang ipaalam sa kanya ang schedule niya buong mag hapon.

"Ms. Secretary, kindly call Ms. Tracy tell her I need her in my office. ASAP" pakiusap ni Ayesha sa kanyang sekretarya through intercom

"Yes Ma'am" sagot naman ng kanyang sekretarya at ilang minuto lang ay pumasok ang naka ngising Tracy sa loob.

Sa bilis nitong makarating sa kanyang opisina ay aakalain mong hindi malayo ang distansiya sa pagitan nila.

"Ano inlablabo kana ba kay Mr. Green Eyes?" mapanuksong bungad ng kaibigan sa kanya

"Tigilan mo nga ako." irap naman ni Ayesha.

"Gusto ko lang sanang itanong kung napuntahan mo na yung proposed business sa Tagaytay." saad naman ni Ayesha.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga iyon ang gusto niyang itanong sa kaibigan.

"Naku naku, Ayesha lokohin mo nalang lahat wag lang ako. Ano ba yang bumabagabag sa damdamin mo?" nakangising tanong ni Tracy sa kanya.

Komportable na itong nakaupo sa sofa at halatang nag-aabang na sa sasabihin nito.

Sandali namang tumayo si Ayesha at lumakaad sa direksiyon ng kaibigan. Pinili niyang umupo sa harap nito at napabuntong hininga.

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ito sa kaibigan o kung ililihim niya na lang ito, pero kasi alam naman niyang mapapagkatiwalaan ang kaibigan kaso nga lang napaka mapang-asar nito.

"Well, diba nga sabi ko sayo na nagkasabay kami ni Mr. Green Eyes sa elevator tapos nun pag---" hindi pa nga siya matatapos sa sabihin ay nagsalita na ang kaibigan

"Yes!!!! Omyghad! Yesh, your inlove!!!!!"kinikilig nitong sabi habang nagtatalon na parang bata. 

Agad namang pumasok ang secretary niya dahil narinig siguro nito ang sigaw ng kaibigan noong napansing wala namang kakaiba ay lumabas na ito

"What? Ako in love? Nakakatawa ka. Hindi ako maiinlove dun sa Green Eyes na yun noh. Iba yung sasabihin ko pero wag na nga lang mas alam mo pa yata eh" akmang tatayo na siya ng pigilan siya ng kaibigan

"Sus kunwari ka pa. Sige na nga. Ano ba yang sasabihin mo?"

Huminga muna ng malalim si Ayesha bago itinuloy ang sasabihin

"Hindi naman siya masyadong big deal pero talagang na curious lang ako. Yung ano niya kasi yung perfume niyang gamit parang mamahalin."Paliwanag ni Ayesha sa kaibigang halatang nagpipigil ng tawa.

Therapeutic CureWhere stories live. Discover now