Three

1 0 0
                                    

Estrella

Panibagong araw nanaman, kahapon lang ay dumalaw sina lola, ngayon ay nakauwi na sila. Pagkabangon ko sa kama ko ay, s'yang kasabay ng pagkatok ni mom na nagsasabing mag-ayos daw ako dahil pupunta kami sa SHIS para makapag-take raw ako ng Entrance exam. Tsh, daming alam.

Kaya ito ako ngayon naka-upo sa backseat ng kotse habang nagdri-drive si Dad at nakaupo sa tabi n'ya si Mom. Nakasuot lang ako ng plain yellow dress na two inches ang taas sa tuhod ko at binagayan ko ng isang white Stilettoes.

Sa Main gate kami dumaan pero bago pa man makapasok ay hinarang kami ng Guard at tinatanong kung may permiso ba ang pagpunta namin. At agad namang may pinakita si Dad na isang Papel. Kaya naman nakapasok na kami.

Pagkadating pa lang ng kotse sa loob ay sumisigaw na agad ng yaman ang bawat gusaling makikita. Madaming puno sa paligid, at nasa tamang pwesto ang mga sementadong daan.

Nakakamangha.

Nang makababa na akong tuluyan ay napansin kong eto pala ang parking, at mula rito ay tanaw na ang mga gusali. Sinundan ko sina Dad habang lumilinga-linga pa sa paligid, nang bigla akong mapatingin sa punong may nakalagay na arrow na nagsasabing Highschool Department. Ah so, Nasa Highschool department na pala kami.

Tumungo na sina Dad sa isang pasilyo at sa dulong kwarto ay huminto sina Dad. Pumasok kami doon at naabutan namin ang isang babae na i think, nasa mid20s? maybe this is the secretary pero bakit s'ya nakaupo sa upuan ng Head Master? Tinignan ko ang kulay gintong name plate, at nakita ko ang pangalan ng Head master, Mrs. Greiginia Alicia Sollen X. Monteneo.

Monteneo? sounds so damn familiar. Oh! Monteneo, ang business partner ng company namin.

"Good Morning, Mr. and Mrs. Reinastre and also sayo Miss?" shems s'ya pala si Mrs. Monteneo.

"Estrella, I'm Estrella Henessy Reinastre. Didn't you see my form, Mrs. Monteneo?" seryoso kong sabi.

"I'm sorry, iha. I just forgot. And oh, you studied abroad?" manghang tanong n'ya. Psh, yung info's naaalala pero yung pangalan ko hindi.

"Yes, Greiginia. She studied abroad." sagot naman ni Dad, as if s'ya naman tinatanong.

"Magku-kuwentuhan nalang 'ho ba tyo dito? I thought I'm just going take an entrance exam?" naiinip kong tanong.

"Haha, Okay so, Miss Estrella tumungo ka na sa Main Hall. Andun na yung ibang kasama n'yong magexam." nakangiting sabi n'ya kaya naman tumayo na ko.

Ewan ko ba, nabwi-bwisit ako ngayon. Pagkalabas ko ay luminga-linga na ako sa paligid para tignan kung nasaan ang Main Hall. And nang biglang maidapo ang tingin ko sa isang babaeng patakbong papunta saken.

"Estreeeeella! My god! Kanina pa kita hinahanap." hinihingal n'yang sabi.

"Sino ba kasing nagsabi na hanapin mo 'ko?" mataray kong sabi.

"Taray mo ah, halika na nga sa main hall. Malapit na raw dumating ang Selected Staffs ng School na 'to na magpapa-exam saten." kapit braso n'yang sabi saken.

"S'an mo naman nalaman 'yan?" tanong ko bago maglakad.

"Narinig ko sa babaeng katabi ko kanina." ibang klase.

Nang nasa Main hall na kami ay s'ya ding pagdating ng limang babaeng na i think nasa mid30s. Nakasuot sila ng kulay pulang damit. Liningon ko ang mga kasama namin ni Ariela at sa tingin ko nasa mga singkwenta lamang kaming mage-exam?

"Good Morning, Everyone. So, Eto ha, Each of us will calls some surnames, definitely surnames n'yo. And kapag natawag na kayo pipila kayo sa harap ng staff na tumawag ng apelyido n'yo. Understood?" sabi nung matabang staff.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling in Love with Miss EstrellaWhere stories live. Discover now