Two

1 0 0
                                    

Estrella

Tellion is Calling. Tap to answer.

*tap*

"[Hello! Ate.]"

"Oh, problema mo?" walang gana kong tanong.

Istorbo, amp.

"[Sina Lola kase ate.]"

"Ano meron kina Lola?"

"[Kasi ano eh]"

"Ano?" nawawalan ng pasensyang tanong ko. Parang tanga kase 'di pa ituloy.

"[Andito na sina Lola sa bahay, ang kaso biglang hinika nagmadali ba naman nung marinig na nakauwi ka na.]"

"Oh, Eh ano na ginagawa nila lola ngayon?" nagaalala kong tanong, habang nakita ko naman ang pasulyap-pasulyap ni Ariela saakin.

"[Malamang, nagi-inhaler s'ya. 'To naman si ate common sense nalang 'yon eh.]"

"Ah, alam mo ikaw Tellion tatamaan ka na saakin. Nagi-inhaler na pala si Lola eh, bakit tinawagan mo pa ako nasa akin ba inhaler n'ya? bwiset na 'to." inis kong sabi. napaka pilosopo netong batang 'to, leche.

"[Just so you know, hinahanap ka kaya ni lola. Hay nako, buhay nga naman. Kung sino pang nagaral sa ibang bansa s'ya pang shushunga-shunga.]"

Bastos kang bata ka!

"Leche ka, Tellion. 'Wag na 'wag mong kukunin yung pasalubong ko sayo ah!" nangigigil kong sabi tsaka ibinaba na ang tawag. Ang kapal naman ng pakening face n'on.

"Oh bakit?" mataray kong tanong kay Ariela ng mahuli kong nakatingin s'ya.

"Chill, ano ba meron?" natatawang sabi n'ya.

"Wala, Nawawalan lang naman ng tamang pag-iisip yung kapatid ko." medyo kalmado ko ng sabi at binigyan naman ako ni Ariela ng mapangasar na tingin.

"Harsh."

After an hour, napagpasyahan na namin ni Ariela na umuwi. Alas tres na din kasi ng matapos kami. Nang nasa parking lot na kami sumakay na kami sa kanya-kanyang kotse, malamang, alangan namang naglakad kami pauwi.

Nagmaneho na ako at nang makarating sa bahay ay ipinark ko na yung kotse tsaka dumiretso sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko tanaw ko na agad sina Lola kasama sila Tita.

Hawak ang mga pinamili ko, naglakad ako patungo sa kanila. At nang makita nga ko ni Lola, ay agad n'ya kong niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"Apo! I'm glad that you're here na. Anlaki na ng pinagbago mo! Lalo ka yatang sumexy at lalong kuminas ang balat mo. Aba'y kung hindi mo naitatanong ganyan na ganyan din ang kutis ko nung araw. Aba'y ewan ko bakit hindi man lang nakuha nitong ama mo ang kutis ko. Mabuti na lamang at 'me apo akong tulad mo! Kegandang bata!"

" I miss you too, Lola." tipid kong sabi, masyado s'yang tuwang tuwa saakin. Na pati pagkabata n'ya ikinukwento.

"Alam mo ba, Nang marinig kong nakauwi ka na dali dali akong umalis ng bahay at nagpasama rito sa Tita mo! Aba'y pagkadating ko dito wala ka! Si Tellion tuloy ang sumalubong saakin, aba eh sawang sawa na kaya ko sa pagmumukha ng batang 'yan. Tuwing 'me kalokohan sa eskuwela ako ang tinatawag--"

"A-Ah eh lola, pa-upoin mo muna si Ate hehe" singit bigla netong si Tellion, halatang may tinatago.

"Hala sige maupo ka na, Estrella apo."

"Ma, Ano nanaman yung sinasabi mong kalokohan ni Tellion?" naniningkit matang tanong ni Dad.

"Aba'y hindi ba n'ya nasabi sainyo? Tuwing may nakakaaway iyan, ako ang tinatawagan."

"We'll talk later." madiin na sabi ni Dad kay Tellion.

"Hay nako! Leon huwag mo ng pagalitan ang anak mo. Baka naman nakakalimutan mo na ganyan ka rin nung kabataan. Parehas lang kayong sakit sa ulo! Mabuti na lamang at hindi nagmana sa'yo itong si Estrella!"

"Mama, Hayaan n'yo na nga 'yang si Leon. Akala ko ba si Estrella ang ipinunta naten dito?" singit ni Tita Leina.

"Oh s'ya s'ya, tama na 'yan halina muna kayo sa dining room at nang makapag-meryenda na." aya ni Mom.

Tumungo kami sa dining room, inalalayan ni tita na makaupo si lola, habang si Dad naman ay pabulong na sinesermonan si Tellion.

Pathetic

Nagpaalam muna akong aakyat sa kwarto ko, umangal pa nga si Lola pero sa dulo'y pumayag din. Pagka-panhik na pagka-panhik ko ay pabato kong hinagis ang bag ko sa couch tsaka dumiretso sa banyo para magshower.

Alas kwatro ako ng makauwi, ngayo'y maga-alas singko na.

Oh btw, Si Lola, Lola Clarita is the mother of my dad. She's a retired judge. Nakatira s'ya ngayon sa Hacienda namin there in Nueva Ecija. Nakakagulat nga na narating n'ya agad ang bahay namin. Well, ang kasama n'ya naman kanina ay si Tita Leina, ang kapatid ni dad. Kasama ni Lola si Tita there in Hacienda. Unfortunately, Dala ng pagtratrabaho hindi na nakapag-asawa si Tita. Business woman si Tita, Making and Selling Beauty Products ang line na pinasok n'ya. And hindi sa pagmamayabang, I once endorsed her products.

And okay back to the topic, matapos kong magshower ay nagbihis na ako. Habang sinusuklay ang buhok ko ay naalala ko si Symon, ang ex ko.

Kung tignan n'ya ko kanina ay para bang hindi n'ya ako nakikilala. Posible naman, dahil nga anlaki din ng pinagbago ko. From long-haired to short-haired, My skin became more toned than before, and aside from that mas tumangkad din ako.

Well, Malaki den naman ang pinagbago n'ya. Tumangkad s'ya at mas lalong kuminis ang mukha n'ya, tumangos den ang adam's apple n'ya. And-- wait what? bakit ko pa ba s'ya iniisip?!

Aish! Stupida Estrella!

•••

Falling in love with Miss Estrella
Written by: daddadananandan

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Songs, Places, Events, and Incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead is purely coincidental.

<< Author's note

Tenenenentenen! Isang masayang pagbati, okay gusto ko lang sabihin na ang mga magiging updates ko ay maikli, mga 1000-1500 words. Sorna, tamad ako okay? HAHAHHA. Orayt, Goodbye.



Falling in Love with Miss EstrellaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin