One

3 0 0
                                    

Estrella

"Hey! Ate kakain na daw sabi ni Mommy." sabi ng kapatid ko, si Tellion.

"Alright"

Matapos sabihin 'yon ay bumaba na ko at nagtungo papunta sa Dining room. Naabutan ko do'n sina Mom and Dad kasama si Tellion at naghihintay sa'ken. Binati ko sila ng 'good morning' bago umupo.

Kumuha na ako ng pagkain at sinimulang sumubo.

"So, Estrella, Sa'n mo balak ituloy ang pag-aaral mo?" my mom asked.

"Maybe here? Ayos na ata 'ho yung three years na pag-aaral ko in US." sagot ko at pinagpatuloy ang pag-nguya.

"That's good to hear. So, Ie-enroll ka na namin sa pinapasukan ng kapatid mo." sabi naman ni dad.

"Kayo bahala." walang gana ko na sabi bago ipagpatuloy ulit ang pagkain.

"Ikaw naman Tellion, Nai-enroll ka na namin. So, Sana naman ngayon pag butihin mo na ang pag-aaral mo. 'Di mo gayahin 'tong ate mo, napaka-galing at sineseryoso ang pag-aaral. Hindi tulad mo na halos lahat nalang ata ng bagay ginagawang laro." sabi ni Dad, na s'yang nagpairap sa'kin.

"Will you just stop comparing? Magkaiba kami and may sariling kakayanan." pigil inis kong sabi kay Dad. Hindi man lang n'ya kase naisip ang madudulot ng pinagsasabi nya kay Tellion.

"Hey, Tama na yan. Baka sa'n pa mapunta ang usapan." sabat ni Mom.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko tsaka nagpaalam ng aakyat na ulit sa kwarto. Napaka-toxic haha.

Dumapa ako sa kama, at inabot ang phone ko.

New message from Ariela. Tap to open.

Si Ariela, ang bestfriend ko.

*Tap*

Ariela
8:30 am

Hoy! Tara gala sa mall.
Seen

•••

Estrella
8:30 am

G.
Seen

Bumangon ako sa kama at dumiretso sa Comfort Room para maligo. Nang matapos maligo ay sinuot ko na ang aking roba tsaka dumiretso sa sink para magsepilyo.

Pagkatapos magsepilyo ay pumunta na ako sa Walk-in closet para mamili ng susuotin. I just pick the simplest yet elegant to wear. Then, paired it with my white nike shoes.

Umupo ako sa'king vanity chair para makapagsuklay na ng buhok. Matapos magsuklay inabot ko ang aking pink pouch na may lamang phone, wallet then keys.

I locked my room's door then go downstairs. Nakita kong nasa sala sila mom kaya nagpaalam na din ako. Dumiretso ako sa Garage and  nakita ko do'n ang pink sports car na niregalo sa'kin ni Dad. I opened the door and sumakay na.

Minaneho ko ang kotse papunta sa Mall. And when finally i reached there, i parked my car then go to the entrance. The guard check me before they let me in. Papunta pa lang ako sa pinakamalapit na bench ng makita ko si Ariela na patakbong tumutungo papunta sa'ken.

Madapa ka sana.

Nawala ang atensyon ko kay Ariela, Nang makita ko ang lalaking tumatakbo den sa likuran nya. At laking gulat ko ng makitang tinulak nya si Ariela na s'yang naging dahilan ng pagkasubsob nito. Eh?

Nagtuloy lang sa pagtakbo yung lalaki kaya 'di ko na nakompronta. Dali-dali naman akong lumapit kay Ariela na ngayo'y hinihimas ang noo'ng tumama sa sahig.

Falling in Love with Miss EstrellaWhere stories live. Discover now