"Magtext na lang po ulit ako" sabi ko sa driver. Nang magkita kami para ipakusa sa kanya ang mga pinamili namin. Maglulunch na kami ni Kianna, at duon ko naisipang kitain si Stella.

Sa Pizza hut kami kumain dahil gusto daw nito ng pasta at pizza. Duon ko na din pinapunta si Stella. "That's all your order ma'm?" tanong ng waiter ng ulitin niya sa akin ang mga inorder namin. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat.

"We'll go to the grocery after this, Mommy?" tanong ni Kianna sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hinalikan ko siya sa pisngi.

May mga time na sweet din siya sa akin. Nagbabago lang talaga pagnakikita niya si Mandee na para bang makita niya lang ito ay sinasapian na siya ng masamang espiritu. Dapat talaga hindi na niya makita ito.

"Sorry. I'm late" medyo hinihingal pang sabi ni Stella. Nagulat pa ako nung una pagkadating niya. Hindi ko naiwasang maikuyom ang kamao ko. Nagbalik ang nararamdaman kong inis at galit sa kanya.

"Upo ka" tamad na sabi ko sa kanya at binalingan ang anak kong nakatingin din sa bisita.

Sandali kong hinaplos ang buhok niya kaya naman napatingin siya sa akin. "Your friend, Mommy?" bulong niya sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti ng humilig pa siya sa akin para bumulong.

Gusto ko sanang itanggi si Stella. Hindi ko siya friend! Gustong gusto ko nga siyang sampalin ngayon pero hindi ko magawa dahil nandito ang anak ko. At may kailangan din ako sa kanya kaya naman kailangan kong tiisin ang presencya niya.

"My sister..." sabi ko. Ayokong magsinungaling sa kanya. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

"I want a sister too!" excited na sabi niya. Napangisi ako. "I thought you want a baby brother?"

Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Inilahad niya sa akin ang dalawa niyang kamay. "I want uhm...sisters and brothers" sabi niya sa akin with S! Halos hindi nga siya makapagdecide kung ilang daliri ang itataas niya kaya naman napatawa ako. Muntik ko ng makalimutang kasama nga pala namin si Stella dito.

Tamad ko siyang tiningnan. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya habang nakatingin kay Kianna. Nang dumating ang pagkain ay kumain na muna kami, hindi naman ako ganuon kabastos na hindi siya pakainin.

"Anong gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng aming pagkain. Busy ang anak ko sa kanyang pagkain kaya naman mas mabuti na ang oras ba iyon para makapagusap kami.

"May nalaman ako kay Mommy tungkol sayo. Gusto niya ding sabihin ko ito sayo. Para naman makabawi man lang..."

"Kung gagawin mo ito para mabawi ang manufacturing. Sinasabi ko sayo Stella...hindi ko na ibabalik iyon sa inyo" matigas na sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Si Daddy na lang ang umaasa duon. Kami ni Mommy, hindi kami naghahabol sa manuf..." sabi pa niya sa akin kaya naman bahagya akong tumango sa kanya.

Sandali kong pinaglaruan ang pagkain sa plato ko bago ako humugot ng malalim na paghinga para magtanong sa kanya. "Anong tungkol sa totoo kong pamilya?"

Umamba siyang magsasalita, bago siya sumulyap sa anak kong wala namang pakialam sa paguusa namin. "Nakuha ka nina Mommy at Daddy sa magasawang naging trabahador nila sa manufacturing. Buong akala nila Mommy ay tunay ka nilang anak. Pinaampon lang dahil hindi ka kayang buhayin..." pagsisimula niya. Unti unti ding kumikirot ang dibdib ko habang pinapakinggan ko ang sarili kong kwento.

"Namatay yung lalaki sa isang aksidente. Nagkasakit yung babae at bago siya mamatay...sinabi niya kay Mommy ang totoo"

Kumunot ang noo ko. "Anong totoo?"

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now