"Yaya Annie. Where's my chocolates po?" rinig kong tanong ni Kianna. Umagang umaga at iyon ang hinahanap niya. Mabilis akong bumaba ng hagdanan at pinuntahan siya sa may sala. Nakakalat nanaman duon ang mga drawing books, at mga pencils at pangkulay niya.

"Kianna" tawag ko sa kanya ng hindi ko siya nakita duon. Maya maya ay tumatakbo siyang lumabas ng kitchen. Dala dala ang dalawang plastick bag na may nakalagay na duty free sa labas. Puno iyon ng iba't ibang klase ng chocolates, may imported din.

Hindi pa ako nakakapagreact ay kaagad na siyang ngumiti sa akin. Napayuko ako ng aamba siyang hahalik sa akin. "Good morning, Mommy" bati niya.

"Naku, Kianna. Mapapagalitan ako ng Daddy mo eh" reklamo ni Yaya Annie, kalalabas lamang din niya ng kitchen at halatang problemado.

"Good morning po" bati ko sa kanya. Binagi din niya ako pabalik. Napabuntong hininga siya ng tumigil sa aking harapan.

"Pinagbawalan na iyan ng Daddy niya. Ang tigas ng ulo" reklamo sa akin ni Yaya Annie. Napabaling ako sa anak ko, ikinalat na nito sa malapad na center table namin ang laman na chocolates ng dalawang plastick bag. Ok lang naman sana sa akin, hanggang sa sinabi sa akin ni Yaya Annie kung kanino galing iyon.

"Galing iyan kay Mandee" bulong bulong pa niya para hindi kami marinig ni Kianna. Nagtiim bagang ako.

Lumapit ako sa anak ko at nagawa ko pang umupo sa carpet kaharap niya. "Kianna. Papagalitan tayo ni Daddy, mabuti pa at iligpit na natin ito" malambing na suway ko sa kanya. Inisa isa kong ipasok pabalik sa plastick bag iyon.

Napanguso siya. "Mommy please..." paglalambing niya sa akin. Marahan akong umiling. Hay naku, kung hindi lang ito galing kay Mandee ay hahayaan kita. Pero wag na at baka may gayuma pa ito.

"Ibibili na lang kita, mag grogrocery ako ngayon. Samahan mo ako" sabi ko pa sa kanya kaya naman unti unti ding nagliwanag ang kanyang mukha.

Buong akala ko ay mahihirapan akong yayain siya. Pero pagkatapos kong sabihin iyon ay siya pa mismo ang nagyaya kay Yaya Annie na maligo at magbihis na siya. Ibinigay ko sa mga kasambahay ang chocolates na galing kay Mandee. Mahirap na at baka duon pa manggaling ang mga masamang ugaling pilit niyang itinuturo sa anak ko.

Umakyat na din ako at nagbihis. Habang nagaayos ay muli akong nakatanggap ng message mula kay Stella.

Stella:

Babalik ako ng guam. Baka magtagal ako duon. Wala ka bang time, today?

Napabuntong hininga ako. Kinakabahan pa din ako sa kung anong pwede kong malaman, pero at the same time iniisip kong wala din namang magbabago kung malalaman ko ngayon ay sa ibang araw pa. Pareho lang iyon.

Ako:

Sige, today. I'll text you where.

Nagpahatid kami sa driver sa pinakamalapit na mall. Sakay kami ng suburban kaya naman hindi naging mahirap ang byahe para sa amin. Excited si Kianna, mahilig talaga itong pumasyal. Masyado kasi atang ikinulong ni Kenzo sa bahay. Kung magiging close kami sa ganitong paraan, ay aba! Araw araw kaming mamamasyal.

"May gusto ka bang bilhin?" malambing na tanong ko sa kanya. Inayos ko ang itim na ribbon sa kanyang buhok. Nagtext na din ako kay Kenzo na aalis kami, hindi naman siya kaagad nakapagreply. Baka busy.

Sa huli ay nagshopping kaming dalawa. Binili ko lahat ng gusto niya. Dress, shoes at mga laruan na din. Bumili din siya ng mga bagong libro at pang drawing. Pera ko ang ginamit ko sa lahat ng iyon, galing sa ilang taon kong ipon. Para naman talaga iyon sa kanya. Kahit inakala kong wala na siya nuon.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now