"Ipapaliwanag ko na lang po sa mga kagrupo ko. M-Maiintindihan naman po siguro nila..."

"Pastilan! Hindi bale na, ito ang dalhin mo. Gamit ko ito sa kuwarto. Antigo na ito kaya iingatan mong bata ka."

She showed me an old pocket watch. Halos kuminang ang mga mata ko sa pagkamangha.

Ilang beses na akong nakapasok sa silid nito ngunit kahit kailan, hindi ko alam na may tinatago pa lang gamit si Nana na tulad nito.

"T-Totoo po?" hindi ko makapaniwalang tanong sabay sulyap ulit sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro? Kunin mo na. Siguraduhin mo lang na maiuuwi mo iyan nang buo!" eksaherada niyang bilin.

"Opo. Salamat po," sagot ko bago iyon kuhanin nang may buong pag-iingat.

"Iyan na ang dadalhin mo, ha? Iyan na lang ang ipresinta mo," pahabol pa ni Nana.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang tignan siya habang pababa na kami ngayon.

Iyon naman talaga ang gagawin ko. Pero sa paraan ng kanyang pagbanggit, tila ba may iba pa akong pwedeng gawin.

Hindi na ako nakasagot pa. Naalala ko na naman kasi ang nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayon, nilalamon pa rin ako ng takot. Narito pa kaya ang ginoong iyon?

"Nana, may... m-may bisita po ba rito kaninang umaga?" sa wakas ay satinig ko pagkababa namin.

"Anong pinagsasabi mo?" lito niyang tanong.

Pansamantala kong tinikom ang bibig upang buoin ang sunod na sasabihin.

"N-Narinig ko lang po kaninang may dumating kaya po... naalipungatan."

Naningkit ang mga mata ni Nana sa pag-iisip. "Si Danilo?"

Si Senyor Danilo? I almost forgot! Lunes nga pala ngayon. Pero sigurado akong hindi siya iyon kaya umiling ako.

Bahagyang kumunot ang noo ni Nana, akmang magsasalita na sana nang biglang bumukas ang pinto ng study. Lumabas mula roon sina Senyorita Victoria at Senyor Danilo. Nanlaki ang mga mata ko at napayuko.

"It must be Engr. Lopena, my dear Lumi," Senyor Danilo declared in a serious note but with a welcoming smile on his face.

Lopena... was it just me or it was really familiar. Where did I hear about it?

Nanginig ang aking pang-ibabang labi ngunit nagawa ko pa ring suklian ang ngiti ni Senyor. Lumapit na rin si Senyorita at bumaling kay Nana.

"Paalis na po ba kayo?" she politely asked.

"Aba'y oo. Ito nga't may tinatanong ang batang ito. Iyon ba 'yung bagong engineer na pumalit sa irrigation?"

Tumango si Senyor Danilo sabay baling muli sa akin.

"Bakit mo natanong, hija? May problema ba?"

"W-Wala po! Na-curious lang po ako. May bagong tauhan po pala," agap ko.

His eyes on me remained for a while before nodding slowly.

That's What They Told MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon