Chapter 23

17.7K 659 768
                                    

Chapter 23

Hiyas

Listless, I left my room appearing as someone with a heavy baggage. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang isipin kung paano ako papasok nang ganito ang kalagayan.

Hindi pa nakatulong ang samu't saring katanungan sa akin. Sino ang lalaking iyon? Nakita niya ba nang malinaw ang aking mga mata? At... ano ang ibig niyang sabihin?

He told me I should be careful. Those words felt familiar but it appealed me differently. Ang paraan niya ng pagtitig, paghawak, at pagpapaalala sa akin, lahat ng iyon ay nakakapangilabot pa rin.

"Lumi," si Nana na nasa landing pala ng ikalawang palapag.

Napatuwid ako ng postura dahil hindi agad ito napansin. Ngayong nasa harap ko na si Nana, muli na namang umusbong ang takot sa akin. I was sure if she found out, she would get mad at me.

Ngunit may parte sa akin na nais ibahagi sa kanya ang nangyari. I needed someone to talk to. But would it be okay if I chose Nana to be that someone? Kahit pa umayos na ulit ang relasyon namin, pakiramdam ko, hindi na talaga ito kagaya ng dati.

I bit my lower lip and gasped for my breath.

"P-Papasok na po ako, Nana," tanging nasabi ko na lang, magulo pa rin ang pasya.

"Alam ko dahil sasama ako sa paghahatid sa iyo," aniya.

Saka ko lang napansin na nakaayos nga siya. Tumango ako at sinubukang ngumiti.

"Sige po..."

Ngunit imbes na ayain na akong umalis, lumapit sa akin si Nana. Halos manigas ako sa kinatatayuan nang inabot niya ang aking balikat at marahang inayos ang aking buhok. Tulad lang ng dati. Pero nakakapanibago sa akin dahil ngayon na lang ulit.

"Pasensiya ka na kahapon, Lumi, kung nasungitan na naman kita. Marami lang perwisyo nang umalis kami kaya hindi maganda ang lagay ng altapresyon ng matanda."

Nagulat ako roon. I wasn't expecting Nana to be this thoughtful. Naging mas madali na ang aking pagngiti pagkarinig doon.

"Naiintindihan ko naman po. Wala po sa akin iyon at medyo sanay na." I chuckled softly.

"At tungkol doon, naalala ko ang pinapaalam mo sa akin. May maidadala ka na ba sa eskuwela? Iyong sinaunang gamit ba kamo?"

"I-Iyon nga po." My voice croaked because I was surprised and nervous at the same time.

"Anong dadalhin mo?" mataman niyang tanong.

Kinuyom ko ang kamay sa aking likod, iniisip ang sagot doon.

I remembered the wooden bracelet. It might not be antique but I was hoping it would be enough since I had no choice.

Pero ngayong tinatanong na ito ni Nana, para bang... para bang nag-aalangan akong ipaalam sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya sa huli, hirap akong umiling at umiwas na lang ng tingin dito.

"Wala pa po..."

Sorry for lying...

"Papasok ka na walang dala kung ganoon?" paninigurado niya kaya dahan-dahan akong tumango.

That's What They Told Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن