CHAPTER 17: stranger

6 2 0
                                        

MADIE POV

Nakakailang palit na sila ng damit at patuloy na rumamrampa, pero ang isip ko ay lumilipad parin and isip ko. Ang daming tanong na bumuo sa utak ko katulad  nlanag ng 'anong rekasyon nilang dalawa?' 'pano sila nagkakilala?'. Marami pa akong tanong pero isa iyan sa mga tanong na kanina pa umiikot sa utak ko, mga tanong na alam kong hindi kayang sagutin ng utak ko.

Gusto kong magtanong sakanya kung sino ang babaeng iyon pero ano ang karapatan ko? hindi na nga kami nagkikita at wala na siyang pakialam saakin kaya bakit pa? at para saan pa? wala din naman kaming naging relasyon noon simpleng magkaibigan lang kami, pero ngayon matatawag pa nga bang magkaibigan kami kung hindi na kami naguusap?

Sa mundong ginagalawan natin hindi lahat ng tao ay nakakahanap ng taong maaasahan hindi tayo iiwan, maswerte ka nalang kung meron kang kaibigang nadiyan palagi sa tabi mo. At sa kasamaang palad hindi ako isa sa kanila, wala akong makakapitan kundi ang sarili ko. 

Simula ng araw na iyon wala narin akong naging balita sa mga magulang ko. dahil narin siguro marami silang ginagawa at sobrang busy nila sa ibang bansa na pati ako ay nakalimutan na nilang kamustahin o tawagan man lang.

Natapos ang fashion show ng hindi ko namamalayan siguro ay dahil sa pagkalutang ko o dahil marami lang akong iniisip. Papalabas na sana ako ng venue ng may matanawan akong lalaking nakatayo sa harap ng sasakyan ko, kumaway siya saakin ng unti-unti na akong lumapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong, ang pagkakaalala ko kanina ay iniwan ko siya kanina sa office ko, paano niya nalamang dito ako papunta? at bakit ba siya sunod ng sunod saakin?

"Kotse mo?" tanong niya sabay turo sa kotseng kong nasa likod lang niya. Tinitigan ko muna siya bago ako tumingin sa likod niya.

"So what if that is mine?" tanong ko, binalingan ko siya tsaka ko siya tinaasan ng kilay, nagtataray.

Hindi naman ako masungit pero kapag napuno na ako sa isang tao ay asang niyang hindi ko maiiapapakita sakanya kung gaano ako kabait.

Umiling siya habang nakatungo pero hindi nawala sa mukha niya ang kanyang ngiit, mas lpalo pa ngang lumawak ang ngiti niya.

"As expected you would say that," napatingin ako sakanya ng may pagtataka, kanina ko pa pansin sakanya ang kinikilos niya na para bang kilala niya ako at parang matagal na kami magkakilala.

imbis na ipakita ko sakanya na nagtataka ako ay tinaasan ko siya ng isang kilay, tumitig siya saakin at nginisian ako.

"Pwede pasabay?" tanong niya hindi man lang nawala ang ngisi niya sa mukha.

Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya, pupunta siya rito para lang makisabay saakin?

"You're really are something," iling ko tsaka pumunta sa kotse ko papasok sa driver's side para makaalis na ng humarang siya sa pintuan ko at sumandal doon. Napapikit ako at malalim na bumuntong hininga.

"Pwede ba 'wag mo akong idamay sa katangahan mo? alis diyan," tsaka ko siya malakas tinulak palayo sa kotse ko, dahil sa sobrang lakas ng pagtataboy ko sakanya ay bahagya siyang lumayo sa kotse ko.

Papasok na sana ako ng kotse ng may matanawan akong lalaki at babae na naglalakad papalabas ng venue, natulala ako ng makilala kung sino ang dalawang iyon.

Talaga ngang kaya siya nandito ay dahil sa modelo niyang jowa, ang jowa niyang matagal na niyang hinahanap na nakita niya na ngayon. Kaya wala na akong silbi sakanya, kumbaga naging rebound niya lang ako habang hinahanap niya ang kanyang jowa.

"Get in the car," malamig kong utos sakanya ng hindi ko siya tinitignan, malayo ang tingin ko. Hindi ko siyang hinintay na sumagiot at basta nalang akong pumasok, ramadam kong nagulat siya sa naging reaksyon ko at kung bakit ko siya biglang pinasakay pero hindi nalang sia nagtanong at sumakay nalang siya.

UNTIL NEXT TIME (TS #1)Where stories live. Discover now