Chapter 4- Smile

5 2 0
                                    

Tahimik naman siyang nakahiga at maya-maya lang biglang tumunog yung tiyan ko.

"Ayan tuloy..nagrerevolution na yung tiyan ko! Ayaw mo kasing magrecess ehh!" maktol ko dito

"Kunin mo yung bag ko!" utos nito sakin

"Ehh..gutom na nga ako, uutusan pa!" bulong ko dito at binigay ko sa kanya. Umupo siya at merong kinalkal sa bag niya.

"Ohh..!!" sabi niya sabay bato sakin nang chocolate

Natamaan naman ako sa noo. Tiningnan ko yung binato niya and take note.. Isang box nang Ferero yun mga pips. Aba..yamanin din tong isang to ahh! As in napa wow talaga ako.

"Itikom mo yang baba mo, baka pasukan nang langaw..tskk..childish!"

Napatikom naman ako nang bibig at tiningnan siya.

"Para sakin ba to? Lahat nang to? Abah! Ang gara mo naman!" manghang sabi ko

"Tskk..nakita ko lang yan sa locker ko. Balak ko ngang itapon baka may lason kaso mukhang kailangan mo naman kaya sayo nalang!" sabi nito at nahiga ulit

"Wala naman siguro tong lason noh! Ang big time nang admirer mo hah. Uyy..dapat kumain ka rin. Kung may lason man to, ehh.. sabay tayong matigok! Abah damay damay na to!" sundot ko sa tagiliran niya at napapitlag naman ito

Ahah! May kiliti pala itong isang to.
Kiniliti ko siya sa tagiliran at napahagikhik naman siya.

"Stop that!" sabi nito at napaupo siya bigla

"Hahaha..may kiliti ka pala sa tagiliran ehh!" tawa ko dito

"Tskk..bakit ba ang kulit mo!"

"Sabi nang sabay tayong kumain nang chocolate ehh. O baka naman gusto mo pang kilitiin kita!" nakangiti kong sabi

"Tsskk..akin na nga!" agaw nito sakin sabay kain nito

"Ohh..anong lasa? Wala ka bang nararamdaman? Hindi ka ba nahihilo?" curious na tanong ko dito

Bigla nalang siyang nasusuka at humawak sa ulo niya.

"Uyy..okay ka lang ba?"

Maya-maya bigla siyang napahiga kaya nagpanic na ako.

"Drake..gumising ka! Uyy wala namang ganyanan. St. Calungsod, St Ruiz lahat na nang mga santo tulungan niyo naman ako! Ayaw kong mamatay siya nang hindi ngumingiti baka di siya tanggapin sa langit"nagpapanic na sabi ko habang niyuyugyug ko siya

"Pfttt....hahaha!!!" tawa nito habang nakaupo at nakahawak sa tiyan

"Stupid.. I'm just playing a prank!hahaha" sabi pa nito

"Aiishhh!! Kainis ka talaga! Akala ko kung ano nang nangyari sayo, nagpapanic na ako dito tapos ikaw tatawa-tawa pah!" sabi ko dito at hinampas nang bag ko

Waitt......

Loading............

Tumawa siya.....

Napatigil naman ako sa paghampas at tiningnan siya. Totoo nga hindi na ako namamalikmata.

"What's with that face? Bakit ganyan ka makatingin sa akin"

"Halahh!! Ngumiti kana!" manghang sabi ko

"Tsskk..!"

Naging poker-face na naman siya at nahiga ulit siya sa damuhan.

"Alam mo usong ngumiti. Wala namang masama dun ehh. Bakit ba lagi kana lang nakapoker-face hah?" tanong ko

"That's none of your business!" sabi nito at tumayo na

That Poker-faced Guy (ONGOING STORY)Where stories live. Discover now