CAPTURE FIFTEEN

En başından başla
                                    

I smirk when I think of something. Bilang isa akong pilyang babae, why not make Tanya mad? Uminom ako ng tubig at pinunasan ang aking bibig pagkatapos.

“Manang Soleng?” pagtawag ko sa matanda na mabilis namang nakalapit. “Pakihanda po ng pagkain para kay Tray, dadalhan ko na lang po siya.” magalang na sabi ko, at hindi ko man lingunin ang aking magaling na pamilya, I know they all have their smile of victory on their faces.

Halata naman na pinagtutulakan nila ako kay Tray, but I'm doing this because I want to irritate someone. Hindi ko ito ginagawa dahil sa gusto ko. Ano? Gano'n nalang iyon? I'm not marupok.

Plus, wala naman na kaming feelings sa isa't isa. Let's just say, I'm doing this because I want us to be normal with each other.

Iyong parang sa una lang. We're not friends, and we are not enemies too. Just strangers...with memories.

Nang mailagay na iyon ni Manang sa may basket, kaagad ko iyong kinuha upang madala sa kaniya. Lumabas ako sa may gate, ond of the guards approach and offer a hand, but I refused. Ang gusto nga ay payungan pa ako dahil tirik ang araw pero tinanggihan ko nalang rin.

Ang ginawa ko nalang ay nagtanong kung nakita niya ba si Trayvon. Tinuro niya ang dalampasigan sa harap ng mansion, tiningnan ko iyon at kita ko ang ilang mga bangka na naghahanda nang lumayag.

Nagpasalamat ako kay manong guard bago tumungo ro'n. Mukhang busy talaga sila sa paghahanda kaya kahit nakalapit na ako ay hindi pa rin nila ako napapansin.

I have to cleared my throat pa, para lang mapansin nila. Unang nag angat ng tingin sa akin si Trayvon, kanina ay naka pantalo siya ngayon naka short nalang.

Kumunot ang noo niya at kaagad na binitawan ang hawak na lambat upang makalapit sa akin. Napansin ko rin na halos kasing tanda lang rin pala niya iyong mga kasama niya, puro sila lalake.

“Hindi ba si Star 'yan? Iyong model sa ibang bansa?” I smiled when I heard one of the men said that. So, kilala pala nila ako.

Ngumiti ako sa kanila kaya gano'n nalang rin ang nakita kong gulat sa kanilang mga mata, pero nag iwas sila ng tingin nang makalapit na sa akin si Trayvon.

“What are you doing here?” mariing tanong niya, he even block my view from them. Kumunot ang noo ko at bahagyang itinaas ang basket na may lamang pagkain.

“Pagkain. Hindi ka raw nag umagahan.” sabi ko, I felt him stiffened dahil ro'n ang kaninang pilit kong sinisilip at pilit rin niyang tinatakpan ay nahinto.

I glared at him. Parang gusto ko tuloy sumama na mangisda. “Let's go.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ako? Saan? Sasama ako sa inyo?” medyo natutuwang sabi ko, pero nang makita kong mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay...natigilan ako.

“No. Hindi kita isasama sa puro lalake. We'll going on our own.” sabi niya at kinuha mula sa akin ang basket ng pagkain. Naikot ko ang aking mata, pero sumunod rin naman sa kaniya.

Napuno ng pagtataka ang mukha ng ibang mangingisda, pero nang lapitan at kausapin sila ni Trayvon ay tumango na lamang ang mga ito.

Ngumiti rin ako sa kanila bago kami tuluyang umalis ro'n. Sa laki ng mga hakbang niya, medyo malayo na ang pagitan naming dalawa. Inis akong humabol sa kaniya.

“Saan tayo sasakay?” tanong ko. Tiningnan niya ako pero mabilis rin namang nag iwas. “Sa yate.” sabi niya kaya napanguso ako, gusto ko rin sa bangka, walang thrill kapag sa yatae kami sasakay.

Mukhang napansin niya yata ang naging reaksiyon ko kaya nagtanong muli siya. “Saan mo ba gustong sumakay?” tanong niya. “Sa bangka, hindi pa ako nakakasakay ro'n.” sabi ko.

Capturing the Model's Heart Rivera Series #3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin