Epilogue

3 1 0
                                    

hailey's pov

"ate! hoy tawag ka ni mama! bilis!" nagmadali akong bumaba dahil sa napakalakas na boses ni freli. nilapag ko lang ang ballpen ko tsaka ako bumaba.

"bakit?" tanong ko.

"anjan na sila ate alice." tumango ako tsaka ko sinalubong sila alice sa gate.

"freli, anak! pakikuha nga yung mga paper plates sa kwarto ni ate mo!"

"uy gaga! blooming na talaga!" niyakap ako ni breana.

"ganyan talaga pag chill sa US. chos, hirap ng trabaho." tumawa ako.

"may pogi ba dito?" tanong ni yannie.

"ano yun ma? di kita narinig." lumingon ako kay freli tsaka ko binalik ang atensyon sa mga kaibigan ko.

"yung driver ko nga! nasa US!"

"nasa kwarto ni ate mo, yung paper plates."

"tanga ka, kay nikki na yon."

"kahit isaksak mo pa sa baga mo yun."

"sus wag na kayo mag away jan! oo hahanapan din kita yannie wag ka mag alala." pinaghahahampas ako ni yannie.

"bakit kasi nasa kwarto ni ate!"

"tara na, kain na kayo!" tinawag ni mama sila alice kaya pumasok na sila sa loob ng bahay.

"uy picture muna!" sambit ni breana.

"camera." nilahad ko ang kamay ko sa kanila.

"yung iphone 11 mo na!" napairap nalang ako. no choice, maaarte talaga ang mga kaibigan ko.

"teka, nasa kwarto ko."

umakyat ako para kunin ang cellphone ko. pero laking gulat ko nang andon si freli.

"freli?" hawak niya ang diary ko.

"ate, bakit?" umiiyak siya. "bakit wala kang tinira sa sarili mo nung mga panahon na walang wala tayo. bakit binigay mo sa akin lahat?"

"shh. matagal na 'yon freli, okay na tayo ngayon. magaling ka na, ayos na kami nila mama." nginitian ko siya para kumalma siya sa pag iyak.

"kahit na ate! hindi ba sabi ko, kunin mo si bry? pero anong ginawa mo? tinakwil mo siya, sabi mo hindi mo siya mahal, sabi mo matagal ka ng naka move on!" binato niya sa akin ang diary ko.

niyakap ko siya. "okay lang, okay na lahat."

"hindi yun okay! hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin dahil sa amin ni bry! gusto mo lang tumulong pero heto, sakit ang naisukli ko sayo."

"mahal na mahal kasi kita, freli. kaya ko nagawa yun. sorry." nag umpisa ng tumulo ang mga luha ko. "makaka move on din ako, kaya ni ate to."

"hindi lang naman dahil kay bry kaya ako lumaban eh. para sa inyo nila mama. ate, para mong sinabi ni si bry lang ang lunas ko! ganon ba kababa ang tingin mo sa akin para hindi maniwala na kaya kong lumaban? kung alam ko lang, sana sinukuan ko ang buhay ko matagal na!"

"freli!" biglang pumasok si bry kasama sila mama.

"anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni mama at papa.

"wala po." sinamaan ako ng tingin ni freli. "bry, mag usap tayo." hinila ni freli si bry papalabas sa kwarto ko kaya sumunod ako sa kanilang dalawa.

"mahal ka pa ni ate." deretchong sambit ni freli kay bry. gulat na gulat si bry sa mga sinabi niya. hindi naman ako nakatanggi dahil totoo naman.

"p-pero.. ikaw na ang mahal ko.." nadurog ang puso ko dahil sa sinabi ni bry. alam kong wala na pero bakit kahit konti umaasa pa rin ako.

"hindi pwede bry!"

"at alam kong mahal mo din siya. kaya hindi mo pwedeng ipilit ang hindi pwede." sambit ko kay freli.

niyakap niya ako ng mahigpit at iniyak lahat sa balikat ko. "ate sorry.."

"shh, wala kang kasalanan."

"thank you sa lahat, thank you.." tumulo ulit ang luha ko. "mahal na mahal kita ate. promise, babawi ako sayo." ngumiti lang ako tsaka ako kumawala sa yakap niya.

hinawakan ko ang kamay niya at ang kamay ni bry tsaka ko pinaghawak kamay 'yon.

"im so proud for the both of you. magkakamatayan kami ng taong sisira sa inyo, dahil hindi nila alam kung paano ako nasira para lang sa inyo." pinunasan ko ang luha ko tsaka ko sila iniwan.

"hails." pagtawag sa akin ni bry.

"hindi man maganda ang nangyari sa ating dalawa, promise hindi ko kayo papabayaan ni freli."

nginitian ko siya. "you did that since day one. thank you, i owe you a lot."

The End.

Chased (Gotpink Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon