"Kasama din ang parents nila."

Lumapit ako sa table nila Mommy at una akong humalik sa parents niya para makita agad ako ni Ricci. Sunod ay kila Mommy.

"Good afternoon, Tita, Tito.." bati ko saka naupo sa tabi ni Mommy, sa harapan ni Ricci na nakatitig sakin.

Hindi ako nagsalita at tumingin lang sakaniya saglit saka nagbaba ng tingin sa mga pagkain. Dumating ako dito na may pagkain na kaya baka kanina pa sila naghihintay.

"Mom." tawag ni Ricci sa Mom niya saka binalingan.

"Wait lang, Sahia. Please?"

Nagbuntong hininga si Ricci saka tumango, "Fine." kalmadong sagot niya pero kita ko sa mukha niya na gusto na niyang umalis.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang salubungin niya ang mga mata ko.

There are so many what if's running in my mind right now.

Nagbuntong hininga nalang ako para alisin ang mga 'yon sa isip ko.

Tahimik kaming kumakain nang tumikhim si Tita at salitan kaming tiningnan ni Ricci.

"Mom. Seriously. Why are we here?" tanong ni Ricci, nagpapasensya.

Hindi ko alam kung masasaktan ba ako dahil sa inaasta niya ngayon. Dahil parang hindi niya ako kilala. Siguro nga tama yung sinabi ni Rasheed na iiwasan na niya talaga ako. Hindi ko alam kung pang-ilang beses na 'to pero isa lang ang sigurado ako, hindi na naman ako ang pinili. Naiwan na naman ako.

Naguguluhan ako dahil may oras na sweet siya sakin. May oras na nararamdaman kong gusto niya rin ako pero kapag nasali na sa usapan si Grace, bigla akong nawawala sa eksena at sa huli maiiwang mag-isa at umaasa.

"Because we need their help.." sagot ni Tita.

"Don't tell me..." sabi ni Ricci saka ako sandaling tiningnan, "Zoey's-"

"Yes." pagpuputol ko sa itatanong niya. "Kung ano man ang iniisip mo, tama 'yan." kaswal na sabi ko.

Bakas ang gulat sa mukha niya.

"N-No.. Hindi pwede.."

Agad na kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paghawak at pagpisil ni Mommy sa kamay ko. Pigil ang luha akong tumingin sakaniya at marahang tumango nang tipid siyang ngumiti sakin.

"Your company needs help and this is the only way para maisalba ang konpanya niyo at wala ka nang magagawa pa bukod don." malamig na sabi ko saka tumayo at mabilis na naglakad palabas.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse driver's seat at nahigit ko ang hininga ko nang bigla ulit 'yong sumara saka may humila sakin paharap.

"What the fuck?" inis na sabi ni Ricci.

Gustong gustong tumulo ng mga luha ko pero pilit ko 'yong pinipigilan dahil ayaw kong ipakita sakaniya na naaapektuhan ako.

Pigil ang emosyon akong sumandal sa pinto ng kotse ko saka sinalubong ang naiinis niyang mga mata.

"What? Your family needs help. Anong gusto mong gawin namin?" seryoso kong tanong.

"You can help our company without forcing me to marry you, Zoey." kunot noo niyang sabi, halatang naiinis.

So lahat pala ng nagawa namin, lahat ng nangyari, yung mga araw na sweet siya sakin at naiisip kong gusto niya rin ako, wala lang 'yon sakaniya? Ako lang talaga ang nag-isip ng iba?

"I can't marry you because I don't love you.." walang emosyong sabi niya.

Kusang umangat ang kamay ko at malakas siyang sinampal.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now