This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Prologue
Silence.
Libo-libong mga tao ang humihiling na makakuha ng katahimikan sa kabila ng magulo at maingay na mundo. Sa akin? Libre lang 'yan.
"Nanang Emma, pupunta lang po ako sa gubat." paalam ko sa aking nanay-nanayan.
"Huh? Anong gagawin mo doon?" tanong niya habang dala-dala ang isang basket ng madudumi kong damit galing sa aking kwarto.
Iwinagayway ko sa ere ang gitara na aking hawak, ipinapakita kung ano ang aking nais gawin sa gubat.
"O siya, siya! Bumalik ka bago ang hapunan, ha!" anya.
Nang marinig ang pag-sangayon niya ay mabilis akong nagtatakbo patungo sa kanya. Hinalikan siya sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Magiingat ka, ha!" anito.
Lakad takbo akong lumabas ng mansyon, talagang sabik na sabik ako na tumugtog ng gitara sa lugar na iyon. Tanging tunog ng gitara lamang at ang boses ko lang kasi ang maririnig, walang sagabal sa aking pag-kanta.
Sa tagal ko na yatang narito sa Batangas ay wala pa naman yatang naghamak na pumasok sa tahimik at nakakatakot na gubat na ito. Tama lang iyon at mas masosolo ko ang gubat, mas tahimik mas mapayapa.
Sa pag-pitik ng aking daliri sa gitara, kasabay nito ang malakas na ihip ng hangin na direktang hinahagip ang aking malambot at mahabang buhok. Ang huni ng mga ibon ang siyang nagiging gabay ko sa pag-banggit ng bawat liriko, ang patak ng tubig mula sa puno pabagsak sa kalmadong lawa ay siyang nagpapakalma sa mapayapang kapaligiran. Sa pag-pikit ng aking mata, mas lalo ko pang nadama ang bawat liriko ng kanta.
Hindi ba't ito ang hinahanap niyong katahimikan?
Nang tuluyang nawala ang malamig na simoy ng hangin, nawala ako bigla sa tamang tono ng kanta.
I tried to remember the right tone while snapping my fingers.
In just some clap,
CLAP! CLAP! CLAP!
My eyes opened like a wild fire, my eyes bore on a guy who's standing beside the big rooted huge tree, watching me and he didn't stop clapping.
Halos kasabay nang pagtama ko sa kanyang mata ay ang muling pag-babalik ng ihip ng hangin, ang patak ng tubig mula sa puno ay aking narinig muli, ang mga ibon naman ay ipinagpatuloy ang pag-kanta.
Pakiramdam ko ay sandaling nahinto ang oras nang dumating ang lalaking ito.
"Wow!" he looks so amazed.
"Huwag ka basta-basta makikipag-usap sa mga makakasalubong mo doon, ha! Baka mamaya ay mga dayo ang mga iyon at masasama ang loob!"
Nag-echo sa aking utak ang sinabi ni Nanang Emma kaya nang makitang papalapit ang lalaki ay dali-dali akong kumaripas ng takbo.
"Miss, sandali!" pigil niya.
Wala na yatang makakapag pigil pa sa katulad ko na takot na takot at baka isa siyang masamang nilalang.
"Miss, your guitar case!"
Nang marinig ang sinabi niya, walang pagaalinlangan akong huminto sa pagtakbo at humarap sa kanya na habol-habol pa ang hininga.
"I'm not a bad guy, miss!"
Huminga ako ng malalim, napilitan na lumapit saka hinablot ang guitar case sa kanyang kamay.
"Your voice is amazing, perfect in this kind of place..." puri niya pa.
"Salamat." at inilagay ang gitara sa case, nang matapos ay kaagad ko din siyang tinalikuran pero kaagad din humarap muli. "Salamat sa pagpalakpak mo, pakiramdam ko ay may fan ako."
He chuckled, "I'll be your fan if you'll sing me a song."
"Bakit, babayaran mo 'ko?"
"If that's what you want to."
"Mas maraming fans, mas maraming kita. Isa ka lang, e. Tingin mo mas kikita ako sa'yo?"
"I can give you whatever you want." pag-mamayabang nito.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, hindi siya mukhang mayaman. Mukha lang siyang may kaya, sa mga suot niya ay kayang-kaya kong bilhin ng doble ang mga iyon. Baka ako pa ang magpasweldo sa kanya, mukhang siya ang nangangailangan.
"Whatever!" I made a face.
Matapos 'yon ay tinalikuran ko na siya ulit at naglakad na ako pauwi sa amin.
Hope you enjoy this story!
YOU ARE READING
I Wish It Was Real
Teen Fiction"If you will ask me what my wish is, I wish I could see you one more time, and I wish your love for me was real. I wish it was real." Allyson Gale Olavario found out that she has a cancer, so her dad decided to bring her home to their province in Ba...
