CHAPTER NINETEEN

481 10 1
                                    

AGNES' POV

Sobrang saya ko ngayon. Ganito pala pakiramdam pag girlfriend mo na yung taong mahal mo. Kinabahan pa ako nung umuwi ako sa Baguio para sabihin sa family ko na tatanungin ko na si Pat para maging girlfriend ko. Akala ko hindi papayag si dad. Pero sabi niya pinagsisihan na daw niya yung nagawa niya dati. Gusto lang daw niya na maging masaya ako, at kung si Pat daw talaga makakapagpasaya sakin, susuportahan niya. Gusto nga niya na isama ko sa susunod na pag uwi ko sa Baguio si Pat. Si mama naman matagal na niya ko tanggap, pati mga kapatid ko kaya wala din ako naging problema sa kanila.

Pagkagaling ko sa Baguio ay dumiretso naman ako sa Laguna para kausapin ang family ni Pat. Gusto ko kasi okay na lahat bago ko siya tanungin para hindi kami magkaproblema. Nagdala lang din ako ng foods para hindi nakakahiya na pupunta lang ako dun. Nung pagkahinto ko ng sasakyan sa harap ng bahay nila ay sobrang kaba ang naramdaman ko. Pero walang atasan to. Huminga ako ng malalim bago nag doorbell. Pinapasok naman nila ako. Nagmeryenda kami at saka kami nag-usap pagkatapos. Sinabi ko sa kanila yung sinadya ko dito. Buti na lang pumayag din sila. At kinausap ko din si RJ. Tinanong ko siya kung gusto niya ng isa pang mommy, sabi niya oo daw basta ako. Ang saya ko nung mga oras na yun. Sagot na lang ni Pat ang kulang.

Pagkatapos ko sila makausap ay sumunod na ko kila Pat. Alam din ng banda ang balak ko at suportado naman nila. Gusto lang din daw nila kaming maging masaya. Mahabang panahon na din daw kasi yung nasayang namin. Laking pasasalamat ko talaga na meron akong mga kaibigan na katulad nila. Naging maayos yung surprise ko at pagtatanong kay Pat, syempre with the help of the band.

Ngayon ay nakahiga pa kaming dalawa. Medyo maaga ako nagising at hindi na ko makatulog kaya pinagmasdan ko na lang siya. Last day na namin dito ngayon. Eenjoyin na din namin yung araw na to bago maging busy sa mga susunod na week. Napansin ko naman na padilat na si Pat, mukhang nagising na siya.

"Good morning, love." Nakangiti kong bati sa kanya at saka siya kiniss sa pisngi.

"Good morning too, love. Aga mo ata nagising?" Pat

"Oo e, di na ko nakatulog ulit. Mas masarap ka pala titigan kesa matulog ulit."

"Sira. Hahaha." Mahina niyang hampas sa braso ko.

"Tara bangon na tayo? Coffee?"

"Wait lang love, 5 minutes. Pahug muna ko" Pat

"Aysus ang mahal ko naglalambing. Lika nga dito." Niyakap ko siya hanggang sa nagdecide na din kami lumabas para makapagkape. Baka gising na din yung iba e.

"Good morning lovebirds" Miguel

"Good morning sa inyo" nagkasabay pa kami ng bati ni Pat.

Nagprepare ako ng kape namin habang ang iba ay nagpeprepare ng breakfast. After namin magbreakfast ay nagpahinga lang kami sandali at kung anu-anong activities na din ang ginawa namin. Mamayang hapon na din kasi kami babalik ng Manila kaya inenjoy na namin.

--

Pagbalik namin sa condo ay nagpahinga na din kami. Sa unit ni Pat kami matutulog ngayon. Nakahiga na kami nung bigla siya nagsalita at nagtanong.

"Love ano balak mo next week? Sa birthday mo?" Pat

"Pinapauwi ako nila dad nun e. Itatanong ko nga sana sayo kung pwede ka ba sumama sakin?"

"Ayy ayun kasi love, kaya kita tinanong, aalis kasi kami nila papa nun. Nakaplano na kasi na pupunta kami Japan, may pupuntahan daw na kamag-anak niya e. Gusto sana kita makasama bago kami umalis kaya lang uuwi ka pala ng Baguio." Pat

"Kelan ba ang alis niyo love?"

"Saturday evening po. Ikaw ba kelan ka babalik Baguio?" Pat

Medyo napasimangot naman ako nung nalaman kong hindi ko pala siya makakasama sa mismong birthday ko. Sunday kasi yung birthday ko. Sayang naman, gusto ko pa naman siya makasama sa birthday ko.

"Saturday morning love"

"Hmm dinner tayo ng Friday? Sorry love, wala ako sa birthday mo" sabi ni Pat habang medyo nakasimangot na din.

Ayoko din naman siyang nakitang malungkot.

"Sayang nga e. Pero may next time pa naman. Celebrate na lang tayo pagbalik mo, okay lang? Gaano ba kayo katagal dun? And yes, dinner tayo ng Friday. Wag ka na sumimangot dyan"

"2 weeks love" Pat

Ang tagal pala.

"Okay, okay. Celebrate tayo pagbalik niyo ha?"

"Yes love. Tara tulog na tayo. Good night my love. I love you." Sabi ni Pat ang kiniss ako sa pisngi saka siya sumiksik sakin.

"Good night mahal ko. Mahal na mahal kita." Pagkasabi ko nun ay kiniss ko siya sa noo at niyakap siya at pareho na kaming nakatulog.

--

Mabilis lumipas ang mga araw. Lagi ko pa din hatid sundo si Pat sa coffee shop. Salitan din kami ng pagtulog sa mga unit namin. Madalas bato bato pick lang at kung sino manalo, sa unit niya kami matutulog.

Nakauwi na ako ngayon sa Baguio. Natuloy kami sa dinner namin kagabi. Sa unit niya kami natulog dahil nag empake din siya para sa pag alis nila. Kanina bago ako umalis ay hinintay ko muna siya masundo ng papa niya saka ako umalis.

Sobrang mamimiss kita love.

Nang makarating ako sa bahay ay nag message ako kay Pat na nandun na ko. Siya din daw ay nasa bahay na at nag eempake ng gamit ni RJ. Pinagpahinga niya muna ako dahil alam daw niyang pagod ako sa byahe dahil ako ang nagdrive.

--

*Sunday morning*

Nagising ako at tiningnan ko agad ang phone ko. Ang daming bati pero walang kahit anong message si Pat. Parang ang tagal naman ata kung di pa sila nakakarating?

Ahh baka nagpahinga pagdating nila sa Japan.

Kaya nagdecide na lang din ako lumabas ng kwarto para magbreakfast. Pero bago ako ako umupo sa harap ng lamesa ay may pinakuha sakin si mom sa kotse ko. Aantok antok pa ko pero sinunod ko na lang. Pagbukas ko sa may passenger seat ay may cake na may nakalagay na "happy birthday love/mama, we love you" tapos puro lobo sa loob ng sasakyan, may mga pictures din namin. Pictures namin ni Pat, solo pictures ko, pictures naming tatlo nila RJ.

Naluluha na ko nang may biglang sabay nagsalita galing sa likod ng kotse.

Hindi naman ako nananaginip diba? Inaantok lang ako pero gising naman ako diba?

"Happy birthday love!"

"Happy birthday mama!"

__________________________________________________

Helloooo. Di ko na binasa ulit. Sorry sa errors. Enjoooy!! 😁

I'm Coming Home To You : PatNes AUWhere stories live. Discover now