CHAPTER SIXTEEN

522 11 1
                                    

PAT'S POV

Pagkatapos kong marinig yung side ni Agnes, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Natutuwa akong malaman na minahal niya din pala ako. Pero nanghihinayang ako na bakit ngayon lang? Bakit ngayon niya lang sinabi sakin?

Pinutol ko nga pala yung connection ko sa kanilang lahat nung umalis ako. Para makalimot sa sakit, para makalimutan siya. Pero eto ako ngayon, hindi ko naman siya nakalimutan. Ang lakas lakas pa din ng epekto niya sakin.

Tiningnan ko siya habang tahimik siyang umiiyak. Naiiyak na din ako dahil sa narinig kong kwento.

"Halika nga dito" niyakap ko siya.

Ang tagal kong namiss yung mga yakap mong ganito.

Yumakap din siya sakin ng mahigpit. Yung yakap na parang ang tagal niya din hinintay.

"I'm sorry Pat. Hindi ko gustong saktan ka nun. Ayoko lang talaga na mapahamak ka. I'm sorry, I'm sorry." Iyak pa din ng iyak si Agnes.

Wag kang ganyan. Ayokong nakikita kang ganyan. Parang nadudurog yung puso ko.

"Hindi mo naman kasalanan Agnes. Sorry din, dahil sakin hindi kayo okay ng daddy mo"

"Okay na kami. After 1 year nagsorry siya sakin. Siguro dahil na din sa tulong ni mom, natanggap na niya ko. Nagkaayos na kami." Agnes

"Ayun pala, mabuti naman ayos na kayo. Alam ko din naman na mahal na mahal mo pamilya mo."

Medyo kalmado na siya ngayon. Tumahan na siya.

"Gusto kitang puntahan nun, gusto kitang makausap. Kaya lang hindi ko alam kung saan kita makikita. Naka deactivate din lahat ng accounts mo sa social media. Kaya hinintay na lang kita bumalik. Umasa talaga ako na makikita ulit kita, para masabi ko sayo yung matagal ko nang gustong sabihin." Agnes

Oo nga pala nagdeactivate ako ng accounts. Binalik ko lang yung dati kong accounts nung bumalik ako dito sa Pinas.

"Yun ba yung dapat sasabihin mo nung unang bumalik ka sa cafè?"

Marahan naman siyang tumango bilang sagot.

"I'm sorry, hindi kita hinayaan mag explain nun. Natatakot kasi akong bumalik yung sakit. Okay na ko ngayon Agnes. Sana naiintindihan mo."

"Oo naman, naiintindihan kita Pat. Gusto ko lang din naman masabi yun sayo. Ang tagal ko hinintay yung pagkakataon na to. Akalain mo yun, yung paglalasing mo lang pala kagabi yung makakapagbigay ng pagkakataon para masabi ko yun." Agnes

Inirapan ko siya pero natawa din ako.

"Pat" Agnes

"Yes?"

"Tutal nandito naman na, may sasabihin ako." Agnes

Omaygad. Shit. Wala pa naman siyang sinasabi pero bakit kinakabahan ako? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ano yun Agnes?"

"Mahal kita. Ikaw yung mahal ko bago ka umalis, ikaw pa din yung mahal ko ngayon. Mahal kita hindi bilang kaibigan, hindi bilang bestfriend. Mahal kita bilang ikaw, Patricia." Agnes

Huminto siya sa pagsasalita at tiningnan ako. Pinunasan niya yung tumutulong luha ko.

Ang sarap naman pakinggan nun. Ang sarap naman malaman at pakinggan na yung taong mahal mo, ikaw din pala yung mahal. Ang tagal kong hinintay to, akala ko hindi mangyayari yung ganito.

"Hindi mo kailangan sumagot ha? Sinasabi ko lang. Gusto ko lang malaman mo. Alam kong ang tanga ko para saktan ka, wala ka naman ibang ginawa nun kundi mahalin ako. Na iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa, na lagi kang nakasuporta sakin, na lagi mong pinaparamdam na special ako. At sobrang thankful ko dun. At ngayon ay nagpapasalamat pa din ako na bumalik ka. Na binigyan ako ng pagkakataon na masabi sayo yung mga gusto kong sabihin. Pero promise Pat, hindi ako manggugulo. Alam kong masaya ka na sa asawa at anak mo, hahayaan kita dun. Gusto ko lang maging masaya ka. I love you, Pat." Agnes

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon