CHAPTER EIGHT

479 6 0
                                    

PAT'S POV

Napansin ko na lang na palapit na pala ako sa kanya.

"May I take your order ma'am?"

Tumingin siya sakin at ngumiti. Napangiti na din ako.

Ang ganda ganda mo talaga.

"Isang pancake with chocolate syrup at hot coffee and....." Agnes

"And what?" Tanong ko habang nakangiti.

"And your time, pwede ba?" Agnes

"Miss na miss mo ko no?" Natatawa kong tanong sa kanya

"Pano pag sinabi kong oo? Agnes

Natigilan naman ako sandali sa sinabi niya. Pero agad din akong nakabawi at ngumiti.

"Ikaw talaga... sige na, ipeprepare ko lang yung order mo. I'll be back"

"Sure, willing to wait miss" Sabi niya habang nakangiti.

Habang hinahanda ko yung order niya ay nakangiti lang pala ako. Napansin naman iyon ni Bianca, ang head barista namin.

"Ma'am ang ganda po ng umaga natin ah?" Bianca

"Mas maganda kasi simulan yung umaga nang nakangiti, para tuloy tuloy ang good vibes buong araw"

"Ngayon lang po kasi kita nakita na ganyan kasaya ng ganito kaaga" Bianca

"Hahaha siguro nga maganda yung umaga ko ngayon. By the way, Nicole kaya mo naman dito kahit wala ako diba?"

"Yes ma'am, bakit po?" Bianca

"Ihahatid ko yung order na to dun sa bestfriend ko, mag catch up lang kami. Tawagin mo na lang ako pag may problema o pag kailangan niyo ko"

"Noted ma'am. Kami na po ang bahala dito" Bianca

Natapos ako magprepare at dinala ko na kay Agnes yung order niya. Palapit pa lang ako ay nakita ko na siyang nakatingin sakin at nakangiti.

"Here's your order ma'am" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Thank you. How about yung isa kong order?" Agnes

"Eto na nga uupo na ko diba?"

"Thank you. Akala ko di mo ko pagbibigyan e" Agnes

"Alam kong namiss ako ng bestfriend ko syempre pagbibigyan ko no"

"Ang lakas ko naman pala sayo. So... hmmm kamusta? Ang tagal mo nawala ah" Agnes

"Yeah, kailangan ko lang ayusin sarili ko. Nung alam kong okay na ko at ready na bumalik, saka ako nagdesisyon bumalik dito"

"Ohh about that, Pat gusto ko magsorry. Gusto ko mag explain. Siguro kaya din ako nandito kasi gusto kita makausap at gusto ko mag explain" Agnes

"Agnes, kalimutan na natin yon. Okay na yun. Okay naman na ko. Don't worry" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Okay na ko Agnes. Baka rumupok na naman ako pag narinig ko explanation mo.

"Okay, if that's what you want. Basta okay tayo ah?" Agnes

"Oo naman, okay tayo. So ikaw kamusta ka naman? Kamusta lovelife mo?"

"Ayun wala pa din. Hahaha. Natatandaan mo yung sinabi ko sayo nun bago ka umalis na mahal ko? Siya pa din" Agnes

Ang swerte naman niya. Sana ako na lang yun.

"Ohh nasabi mo na sa kanya?"

"Hindi. Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya. Bigla din siyang nawala e" Agnes

"Nawala din? Naku sorry wala ako sa tabi mo nung nangyari yun. Hindi ka naman siguro umiyak ulit sa Jollibee?"

"Grabe ka naalala mo pa yun? Nakakahiya" Agnes

"Oo naman pano ko makakalimutan yun? Bigla ka umiyak nung kakain tayo sa Jollibee kasi nakita mong may jowa na yung unang minahal mo"

"Grabe yun, nakalimutan ko na nga yun e. Naalala ko na naman tuloy dahil sayo" Sabi ni Agnes at pareho kaming natawa.

*Flashback*

Nagkaayaan kaming magkakaibigan na kumain sa Jollibee pagkatapos ng klase namin. Nakaorder na kami at hinihintay na lang namin na dumating sa table namin yung order namin. Nagkukwentuhan kami nang bigla na lang namin napansin na biglang tumahimik si Agnes at nangingilid luha habang nakatingin sa phone niya.

"Agnes anong nangyari?"

"Bakit ka umiiyak?" Toni

"May masakit ba sayo?" Miguel

Pinakita naman niya samin yung phone niya. At nakita namin yung post nung taong mahal niya na may kasamang babae at may caption na "And she said yes"

Sabi ko na e. Hindi talaga mapagkakatiwalaan yung lalaki na yon. Playboy talaga.

Hindi pa namin nakikita yung lalaki na yon pero lagi siyang kausap ni Agnes. Ayaw niya kasing magpakita pag kasama kami. Sweet din sa kanya yun, or should I say na sweet sa lahat? May pagka pafall yung lalaki.

Nilapitan namin si Agnes at isa-isang niyakap. Maya-maya ay dumating na yung order namin. Kumain kami at pagkatapos ay inaya namin sila sa arcade para malibang si Agnes dahil alam naming magmumukmok lang siya sa kanila pag umuwi na kami.

Lumipas ang mga araw at ganun pa din si Agnes, tahimik pa din pero unti-unti na din siyang nakikisama ulit sa amin. Nakikisali na siya sa jamming namin. Bumabalik na din yung ngiti at sigla niya.

Simula nun parang gusto ko siyang alagaan, gusto ko siyang protektahan. Simula nun unti-unti akong nagkakagusto sa kanya. Nagkakagusto ako sa bestfriend ko.

_______________________________________________

Sorry sa errors. 😅 Last 5 chapters na lang siguro to. Hehehe.

I'm Coming Home To You : PatNes AUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu