CHAPTER FOURTEEN

565 8 0
                                    

PAT'S POV

Nagising ako na ang sakit ng ulo ko. Di ko maidilat yung mata ko. Pero naramdaman kong ang lambot nung unan na yakap ko kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap. Pero nagulat ako nung gumalaw yung unan ko.

Pagdilat ko ay nagulat ako sa nakita ko, hindi pala unan yung yakap ko kundi tao. Sa gulat ko ay napabalikwas ako ng bangon sabay tulak sa kanya na naging dahilan ng pagkahulog niya sa sahig.

"Araaayyy! Ano ba yan bat mo ko tinulak? Nahulog tuloy ako. Ang sakit sa ulo ha" Sabi ni Agnes habang hawak niya yung ulo niya.

"Ano ba kasi ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa kwarto ko? Bakit nandito ka sa unit ko?"

"Lasing ka pa ba? Try mo kayang tingnan kung nasan ka talaga" Pagkasabi nun ni Agnes ay inikot ko yung paningin ko. Hindi ko nga to kwarto, kwarto niya to.

Bigla naman akong nahiya. Ano bang nangyari kagabi at dito ako napunta?

"Bakit ako nandito? Anong ginawa mo sakin? Pano ako napunta dito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Bakit ka nandito? Hindi mo ba natatandaan na naglasing ka kagabi? Di mo matandaan kung pano ka nakauwi dito? Ayan kasi, iinom inom di naman pala kaya" Agnes

Sasagot na sana ako pero bigla pa siyang nagsalita.

"At for your information, wala akong ginawa sayo. Ikaw ang may ginawa dyan sakin kaya nga ako di nakaalis dito sa KWARTO KO" Diniinan niya talaga yung pagkakasabi niya ng "kwarto ko". Pagkasabi niya nun ay ngumiti siya ng nang-aasar.

"Huy anong sinasabi mo? Wala akong ginawa sayo ah" Pagkasabi ko nun ay feeling ko pulang pula ako dahil sa hiya. Wala talaga akong matandaan.

"Wag mo na muna isipin yun, ayos lang naman. Pero ikaw haaa di mo sinasabi sakin....." Nakakainis tong si Agnes, pabitin.

"Ano? Alin ang di ko sinasabi sayo?"

"Mamaya na natin pag-usapan, magluto lang ako breakfast. Ayusin mo muna sarili mo. Sunod ka na lang after" Agnes

Hinayaan ko na lang muna siya. Sa dami ng iniisip ko, di ko namalayan na ang tagal ko na pala bago sumunod.

Nung lumabas ako at nagpunta sa kitchen, patapos na siya magluto. May nakatimpla na din na kape.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagluluto.

Ang ganda mo pa din kahit bagong gising ka. Ang ganda mo kahit pawis ka dahil sa pagluluto. Ang ganda mo, Agnes.

"Huy matunaw ako nyan, kumain na tayo. Mamaya mo na ko titigan" Agnes

"Ang kapal mo ha, sino nagsabing nakatitig ako sayo aber?"

"Ah hindi ba? Sige kunwari hindi. Pero sige na, kumain na muna tayo, nagtimpla na din ako ng kape para mawala hangover mo" Agnes

"Agnes, about last night"

"Mamaya na natin pag-usapan, kain muna tayo. Enjoy your food" nakangiting sabi ni Agnes.

Sinunod ko na lang siya at kumain kami. Tahimik lang kami kumain pero hindi naman awkward. Pagkakain namin ay nagprisinta na akong magligpit ng pinagkainan. Nung una ayaw niyang pumayag pero wala din siyang nagawa. Naghintay na lang siya sa may sala habang nanunuod ng TV.

Pagkatapos ko magligpit ay pumunta na din ako sa sala. Tumabi ako sa kanya. Ang dami kong gusto itanong pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Tahimik lang ako nang bigla siyang magtanong.

"Bakit ka naglasing kagabi?" Agnes

Hindi ko alam kung pano ko sasagutin yung tanong niya. Sasabihin ko ba na dahil sa kanya kaya ako uminom? Pero hindi, hindi ko pa ata kaya.

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon