SA BAHAY NINA AL

11.7K 124 3
                                    

"Dito na ako sa labas," text ni Al sa akin. Sinilip ko siya sa may bintana. Nakita ko siya sabay kaway. Ilang saglit lang bumaba na ako at nilapitan siya na nakasampa pa rin sa motor.

Naka-jacket at khaki shorts ito. Halatang bagong ligo. Amoy gwapo.

"Tara na," yaya ko sa kanya.

Ngumiti siya sabay buhay ng makina ng kanyang motorsiklo.

Pagkalampas sa sentro ng bayan. Madilim na ang daang binabagtas namin.

Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang may umbok na bewang at tiyan.

"Malamig pala ang gabi ngayon," sabi ko.

"Oo, pero 'wag kang mag-alala, papainitin natin 'yan mamaya."

"Naku, palabiro ka din pala," sagot kong nangingiti. Lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa lalaki dahil talaga ngang malamig ang simoy ng hangin.

Pagtingala ko, napansin kong tila walang bituin ang kalangitan.

"Mukhang uulan pa ata..."

Bahagya siyang tumingala. "Uulan 'to, tamang tama lang 'tong lamig sa gagawin natin mamaya," makahulugang sabi nito.

Puta. Excited na ako.

Napansin kong medyo masukal na ang lugar na dinadaanan at hindi na rin sementado ang kalsada.

May natanaw akong mga ilaw na kalat kalat mula sa iilang kabahayan. Jusko mukhang malalayo ang agwat ng mga kapit-bahay ni Al.

Pagkatapos ng kulang kulang tatlumpong minuto, narating namin ang payak na bahay nina Al. Gawa ito sa kahoy at napapalibutan ng iba't ibang puno.

Tahimik ang lugar. Tanging mga huni ng kuliglig ang bumabalot sa gabi. Nakakatuwa ring may pailan-ilang alitaptap ang makikitang lumilipad at nagpapatay-sindi sa dilim.

"Pasok ka, alok nito sa akin." Ngumiti ako at sumunod.

Bumulaga sa akin ang loob ng kanilang bahay. May maliit na salang napapalamutian ng upuang kawayaan at makabagong modelo ng telebisyon.

May maliit na kwartong ang pintuan ay kurtina. Mula sa kinatatayuan ko, kita ko na agad ang kusina. Sa dingding nakasabit ang mga larawan nilang mag-asawa.

Napatingin ako sa kanya. Nahulaan naman nito ang balak ko sanang itanong.

"Siya si Jennifer. Anim na buwan ng nasa Taiwan."

"Ahhhhhh," Di naman kagandahan.

Mayamaya nag-alok ito. "Kain muna tayo para di tayo malasing sa gin.

Tangna, gin? Shiiiit.

"Salamat, pero kumain na ako. Iinom nalang ako." Sa totoo lang ayaw kong kumain dahil naglinis na ako. Gusto ko, walang sabit mamaya para di nakakahiya.

Umupo ako habang hinahanda ng lalaki ang gin, yelo at timpladong mango juice sa hapag.

Iba din. Prepared. "Naku baka malasing tayo niyan. Di mo na ako maihatid sa pension house."

Bago pa siya nakasagot. Bumuhos na ang malakas na ulan. Buti di kami naabutan sa daan.

"Dito ka talaga pinapatulog sir..." tila nangloloko pa ito.

Kunwari, lungkot na lungkot ako pero sa totoo lang gusto kong maglulundag sa tuwa.

"Okay lang basta di mo ako sasaktan..."

"Hindi kita sasaktan sir, papaligayahin lang," sabi nito.

Tila naman gustong pumalakpak ng pekpek ko sa narinig mula sa lalaki. Lam na this.

HABAL-HABAL DRAYBERWhere stories live. Discover now