SABADO NIGHT

15.4K 130 9
                                    

KINAGABIHAN

Nakangiti siya habang papalapit ako."Gwapo natin ngayon ahh," ang bungad kong bati sa kanya bago ako umangkas sa kanyang motor.

Nakita ko lang na mas lumapad pa ang kanyang pagkakangiti, hindi na umimik at agad binuhay ang kanyang sasakyan at binaybay namin ang madilim na kalsada papuntang sentro ng bayan.

Narating namin ang masayang plaza ng Narra. May iilan na ring tao ang nandoon. Sa paligid, may mga mesang nakahanda.

"Dennis, may kasama ba tayo?" ang tanong ko sa kanya, naka-upo na kami sa isang table na medyo sulok.

"Wala, tayong dalawa lang... wala kasing gustong sumama sa mga kaibigan ko eh," sagot naman nito.

Kinalauna'y agad namang napuno ang lahat ng mesa at nagsisimula ng mag-ingay ang lahat. May nagsasayawan na rin habang sinasabayan ang isang tugtugin. Talagang masaya ang Sabado Nights. Lahat gustong malasing.

Samantalang si Dennis sa simula palang naging palakwento na ito. Madami itong jokes na alam at higit sa lahat medyo nagiging aggressive na. Alam kung epekto na iyon ng alak. Kaya niyaya ko na siyang umuwi dahil magdridrive pa siya, total maghahating gabi na rin.

"Uwi na kaya tayo, magdridrive ka pa ng motor..mahirap magbiyahe ng lasing," sabi ko.

"Sandali lang at hindi pa ako lasing," tanggi nito.

Hinayaan ko lang siya, alam ko namang kaya pa niya ang kanyang sarili. Pero mas naloka ako sa kanyang sunod na sinabi.

"Alam mo bang matagal na akong tigang." Nakatingin siya sa akin. Napainom tuloy ako at halos maubos ko ang natitirang laman ng isang bote ng San Mig Light bago ako sumagot.

"Kasi naman nasa Manila ang asawa mo pero hayaan mo, pagbalik noon, solved ang crisis," idinaan ko na lang sa pabirong sagot.

Lihim akong napangisi. Ito na ang simula para maisakatuparan ko ang balak kong matikman siya.

Di ko agad-agad inaakalang siya mismo ang magsisimula para mahulog siya sa bitag ko.

"Pero matagal pa 'yun at mukhang di ko na kaya ang maghintay," seryoso na ang mukha ni Dennis.

Tinawanan ko lang siya. Kunyari, bilang pagmamagandang loob, pinaalalahan ko sa kanya na kung mahal niya ang kanyang asawa ay makapaghihintay ito. Pero sa kalooban ko, gusto ko na siyang sunggaban.

Alam kong pagtataksil iyon pero, nilamon na ako ng kalibugan at wala na akong paki-alam kung tama o mali ang nasa isip ko.

"Oo ang puso ay makapaghihintay, pero hindi ang pagkalalaki ko. Matagal na itong tigas na tigas."

Napatawa ako ng malakas sa sinabi niya. Ito na ang hudyat. Ibibigay ko ang alam kong makakapagpaligaya sa habal-habal drayber ngayon.

"Umuwi na tayo, sa kwarto ko nalang ipagpatuloy natin itong inuman kung gusto mo."

Ilang saglit lang, tumayo si Dennis at lumapit dun sa babaeng nagseserve sa amin. Kinausap niya ito at inabutan ng pera. In fairness, siya ang nagbayad. Napahaba ang hair ko ng sandaling iyon.

Sa biyahe, wala kaming imikan. Tila ba nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Hanggang sa marating namin ang pension house na tinutuluyan ko.

"Diyan mo nalang muna ipark ang motor mo, siguro naman walang gagalaw diyan," sabi ko.

Sabay na kaming pumasok sa loob ng hotel, walang tao sa front desk. Siguro tulog kaya derecho na kami sa kwarto ko.

HABAL-HABAL DRAYBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon