ANG DRAYBER NA SI DENNIS

21.7K 168 3
                                    

PALAWAN

Probinsyang hindi sukat akalain na mararating ko, at magbibigay sa akin ng isang karanasang mahirap kalimutan.

Taong 2013 nang marating ko ang simple at tahimik na bayan ng Narra. Sa unang tingin, halos magkapareho lang ang hitsura ng kanilang komunidad sa probinsya namin. Ang sentro ng munispyo ay nagpapakita na kahit papaano'y hindi nahuhuli sa modernisasyon ang lugar.

Unang Araw

Dahil kinakailangan mag-ikot sa mga barangay sa buong bayan, kinakailangan kong mag-arkila ng isang motorcycle o mas kilalang habal-habal sa lugar. Ito ang pangkaraniwang transportasyon sa mga liblib na lugar lalo na't sa mga makikitid ang kalsada.

Sa tulong ng tinutuluyan kong pension house, nakilala ko ang habal-habal drayber na si Dennis. Unang tingin ko palang kay Dennis, napansin ko na sa kabila ng kanyang maitim na balat, gwapo ang kanyang mukha. May kaunting bigote. May katangkaran at malaki ang pangangatawan. Lalaking lalaki tingnan.

Ipinakilala ako ng may-ari sa kanya.

"Ako pala si Jess..." pagpapakilala ko, sabay kamay sa kanya. Nadama ko naman agad ang gaspang ng kanyang palad. Halatang banat at sanay sa trabaho.

Nginitian ko siya at maging siya ay ngumiti din. Matapos ang aming maikli at pormal na pagkilala, agad na naming sinimulan ang pag-iikot.

Sa araw na 'yun, limang barangay ang napuntahan namin.

Habang nagbibiyahe, una niya akong tinanong kung ano daw ang pakay ko sa kanila. Sinagot ko siyang sa isang NGO ako nagtratrabaho at pumunta ako sa bayan nila para sa validation at monitoring sa isang project namin.

Pagkatapos nun, halos hindi na kami nag-uusap ni Dennis. Walang kibuan. Hanggang sa malapit ng sumapit ang hapon, at pabalik na kami ng sentro ng munisipyo.

Dahil sa pagkabagot, sinimulan ko siyang kausapin. Tinanong ko siya ng kung anu-ano tungkol sa kanilang lugar at pati na rin sa kanyang personal na buhay.

"May-asawa at mga anak ka na ba?" Medyo nilakasan ko ang boses ko at inilapit 'yung mukha ko sa may bandang batok niya.

"Mayroon," tipid na sagot nito. Naging sunod-sunod ang tanong ko sa kanya. Pero ganun pa rin, maikli at tipid ang kanyang mga sagot. Pero nalaman ko rin na ang kanyang asawa ay nasa Manila nagtratrabaho bilang kasambahay.

Malapit ng magdilim nang marating namin ang tinutuluyan kong pension house. Napagkasunduan namin na susunduin niya ulit ako kinabukasan, alas siete ng umaga para sa pagbabaru-barangay ulit.

Pangalawang Araw

Eksaktong alas siete ng umaga, nakita ko sa labas ng tinutuluyan ko ang motorcycle ni Dennis.

Nagtaka ako nang una siyang bumati sa akin ng good morning at nakangiti. Mukhang good mood ata siya ngayon kabaliktaran ng seryosong awra niya kahapon.

Gumanti naman ako ng ngiti at bati sabay angkas sa kanyang motorcycle.

"Anong barangay ang uunahin natin ngayon Sir?" tanong nito.

"Ikaw ang bahala, basta una nating puntahan ang medyo malayo para hindi tayo gabihin sa daan pauwi," sagot ko.

Habang nagbibiyahe kami, amoy na amoy ko ang mabangong panlalaki na perfume ni Dennis. Alam ko naman na mumurahin lang 'yun, pero parang na-eenganyo ako sa halimuyak. Patuloy ko siyang inaamoy-amoy nang bigla siyang lumingon at nahuli niya ako sa aking ginagawa.

"Nakakahiya naman sayo sir, mabaho ba ako?" nakangiting tanong nito na tila nahihiya.

"Hindi naman, ang bango mo kaya.. lalaking lalaki ang amoy mo." Bigla kong sagot kahit medyo napahiya ako sa ginawa ko.

Ngumiti lang siya, at tinutok na ang buong atensyon sa pagdradrayb.

Sa kalaunan muli siyang nagsalita. "Sir Jess, baka gusto niyong humawak sa bewang ko para di kayo mahirapan. Paakyat pa naman itong dinadaanan natin."

Buti naman at napansin niyang nahihirapan ako sa pagkapit. Kaya umusod ako papalapit sa kanya at inilingkis ko ang aking mga kamay sa kanyang bewang.

Nadama kong matigas ang kanyang tiyan kahit may kaunting umbok. Parang nalilibugan ako sa sitwasyon. Kung titingnan, tila nakayapos na ako sa kanya.

Hindi ko lang alam kung napapansin niyang sinasadya ko ang pagkakayapos sa kanya lalo na sa mga parteng may nadadaanan kaming lubak.

"Ang bango niyo po sir, parang babaeng-babae ang amoy niyo," pagkakuwa'y sabi ni Dennis. Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

Habang patuloy ang biyahe namin, sinasadya kong idikit ang katawan ko sa kanya. At 'yung simpleng hawak ko sa kanya. Ngayon, sinimulan ko nang himasin ang tiyan pataas sa kanyang dibdib. Wala naman akong narinig na pagtutol mula sa kanya. Kaya lumakas ang loob ko, bumaba ang mga kamay ko sa kanyang harapan. Dahan dahan kung binubundol ang kanyang maong kung saan nagtatago ang kanyang pagkalalaki.

"Kayo talaga sir, pilyo pala kayo," nangingiting sabi niya.

Di na ako kumibo dahil medyo malapit na kami sa may mga kababayan. Umayos ako ng pagkaka-upo, lumayo sa kanya ng bahagya.

Bagama't nabitin ako, nabuhayan naman ako ng loob dahil may pag-asang matikman ko ang habal-habal drayber.

Limang barangay din ang natapos namin sa araw na iyon.

Hindi na ako nag-alangan kay Dennis at sa tingin ko, ganun din siya sa akin. Hindi ko na rin inulit ang ginawa ko pero niyayapos ko pa rin siya sa tuwing pababa o paakyat ang dinadaan namin pauwi.

Bago siya umalis matapos akong ihatid ulit, "Ahh baka gusto mong sumama mamaya sa amin?" tanong niya.

"Saan?" nakangiti kong balik tanong. "May Saturday night kasi ngayon dito sa bayan, may inuman diyan sa may plaza." sagot nito.

"Sige, sasama ako sa inyo," natutuwa kong sagot.

Agad namang umalis si Dennis matapos mapagkasunduan kung anong oras niya ako susunduin. At narinig ko ang harurot na kanyang papalayong motorcycle.

Sa isip-isip ko, kinakailangang mabango at malinis ako ngayong Saturday night, baka mapalaban tayo. ###

[ITUTULOY]

HABAL-HABAL DRAYBERWhere stories live. Discover now