ANG KUMPARENG SI AL

12K 125 4
                                    

Muling nasilayan ko ang bayan ng Narra, pagkalipas ng dalawang taon. Naipadala ulit ako sa lugar para sa kaparehong dahilan.

Pagdating ko sa dati kong tinuluyan, tila bumalik sa akin ang masasayang ala-ala kapiling ang habal-habal drayber na si Dennis. Kumusta na kaya ito? Nahinto na ang aming komunikasyon ilang buwan na rin ang nakakalipas.

Kinabukasan, kinausap ko ang may-ari ng pension house para sa paghanap ng isang habal-habal drayber para arkilahin sa muling pagbabarubaranggay.

Lihim kong inaasam na si Dennis ang makuha o kung hindi man, makita ko siya.

Makalipas siguro ang kalahating oras na paghihintay, may ipinakilala sa akin ang may-ari, si Alfred na ang palayaw ay Al.

"Good morning po," ang bati ko sa drayber sabay pakilala.

Pinagmasdan ko ang bagong dating na lalaki. Parang naalala ko si Dennis sa kanya. Siguro nasa 35 o 36 na ang edad nito.

Matangkad din ito, may bigote, maitim, semi-kalbo ang istilo ng buhok. Hindi katangusan ang ilong niya pero bagay lang sa kanyang mukha na pinarisan ng kanyang medyo biloging mga mata.

Ngumiti ito at nagpakilala din.

Kapansin-pansin ang kanyang magagandang ngipin na hindi naman kaputian pero malinis. Ang kanyang labi ay nangingitim tanda siguro na malakas ito manigarilyo.

May kalakihan din ang kanyang pangangatawan, may umbok ang tiyan. Isa siyang dad-bod.

Habang patuloy ko siyang pinagmamasadan, hindi ko maiwasang isipin na pwede siya. Masarap din siya gaya ng unang lalaking natikman ko dito sa lugar na ito. 

Pero game kaya siya?

Matapos kaming magkasundo sa presyo ng arkila. Agad naman kaming umalis para puntahan ang unang barangay.

Habang binabagtas namin ang kalsada. Naging palatanong ang lalaki.

"Sir, first time niyo dito sa bayan namin?"

Saglit akong umurong papalapit sa kanya bago sumagot. 

"Hindi, pangalawang beses ko nang punta dito. Unang punta ko dito dalawang taon na ang nakalipas."

"Naku sir, maraming magagandang puntahan dito sa amin, maraming falls ang dinadayo," pagbibida ng drayber.

Pamilyar ako sa falls na binabanggit niya dahil napuntahan ko na iyon.

"Eh sir, may mga nakilala ka na ba dito?" patuloy na tanong nito.

"Meron naman po, 'yung mga kasamahan ko po sa trabaho na dito nadestino. Ang may-ari ng pension house na tinutuluyan ko at 'yung dating drayber din na ilang araw ko inarkila."

Hindi lang arkila, kundi kumantot pa sa akin.

"Sino, baka kakilala ko sir?" dagdag na tanong nito.

"Hindi ko tanda 'yung apelyido eh, pangalan lang alam ko, si Dennis..." sagot ko.

"Yun bang medyo pogi na matangkad din, parang ako?" pabirong tanong nito.

"Siguro..." ang hula ko lang.

Pagkuwa'y sabi nito. "Kumpare ko 'yun si Dennis."

"Ahhhh, nasaan na po si Dennis?"

Pagkakataon nga naman. Kumpare pa ni Dennis ang naarkila kong drayber.

"Nasa Maynila na, sumunod sa asawa. Di nakatiis na wala si missis. Malibog kasi 'yun," ang nakakalokong sabi nito.

Lihim akong napangiti at may naalala. Talagang malibog nga ang lalaki. Confirmed.

"Bakit sir namiss mo ba ang kumpare ko?" makahulugang tanong nito.

Napatigil ako sa tanong ng lalaki. Ano kaya ibig sabihin niya?

"Hindi naman, naalala ko lang kasi medyo mabait siya. Niyaya niya kasi ako noon sa Sabado Night," pagbibigay paliwanag ko.

Hindi ko lang alam kung namalikmata lang ako. Nakita ko sa side mirror ng motor ang nakakalokong ngiti ng drayber.

May alam kaya ito sa namagitan sa amin ni Dennis?

Hindi na ito nagtanong pa at eksaktong narating namin ang pakay na unang barangay.

Kinahapunan, habang binabaktas namin ang daan pauwi galing sa pangatlong barangay. Biglang huminto ang motor sa walang kabahayan na banda.

"Saglit lang sir, ihi lang ako di ko na kaya."

Hindi na ako sumagot.

Buong akala ko sa may likuran ko siya iihi pero hindi na siya nag-abalang lumayo. Tumalikod lang ito sabay dukot sa kanyang harapan at nagsimula na siyang magpalabas.

Bagama't hindi ko nakikita ang kanyang pagkalalaki, nakikita ko naman ang paarkong tubig na nanggagaling sa kanyang tubo.

Ang gago may pakilig-kilig pa sabay pagpag sa kanyang burat. Pero ba't parang matagal ata ang pagpapagpag niya?

Hindi pa niya lubusang naipapasok sa kanyang titi, humarap na ito saktong nakatingin ako sa direksyon niya. Kaya kita ko ng bahagya ang ulo ng kanyang titi at ang kanyang bulbol. 

Isa na ba itong sign?

"Derecho na tayo sir sa bayan," pagkuwa'y sabi nito.

Wala pa rin akong imik. Hindi ko lang alam kung napansin niyang napalunok ako sa aking nakitang laman kanina.

Mamaya lang muli itong nagsalita.

"Sir, kung naboboring kayo sa tinutuluyan niyo pwede tayong inuman sa bahay.."

Wait lang naman. Parang deja vu ito ah.

"Okay lang po ba sa asawa ninyo?"

"Huwag kang mag-alala sir, binata ako ngayon," na sinundan niya ng mahinang halakhak.

Binata eh kitang-kita ko ang wedding ring niya sa kamay.

"Di nga," ang natatawa kong sagot sa kanya.

"Joke lang sir, nasa abroad ang asawa ko..." 

"At ako lang mag-isa sa bahay, wala kasi kaming anak pa eh."

Kaya pala malakas ang loob magyaya.

"Pwede naman, kelan mo balak?" tanong ko.

"Kayo lang sir, pwede mamaya o bukas ng gabi," sagot nito.

"Sige mamaya nalang. Pero sunduin mo ako, dahil di ko alam ang bahay niyo.."

Masigla itong sumagot. "Matic 'yan sir. Talagang susuduin kita, ganun talaga 'pag dalaga sinusundo."

"Naku, joker din pala kayo Alfred..." ang natatawa kong sagot sa lalaki.

Ilang saglit lang narating namin ang tinutuluyan ko.

Pagkababa ko sa kanyang sasakyan at pagkaabot ko ng bayad. Nagulat ako sa sinabi ng habal-habal drayber.

"Huwag kang mag-alala sir, mas malibog ako doon sa kumpare kong si Dennis."

PUNYETA!

Tila nagliwanag ang papadilim ng kalangitan sa narinig ko mula sa lalaki. ###


[ITUTULOY]

HABAL-HABAL DRAYBERWhere stories live. Discover now