Roannies' Confession

11 2 2
                                    


Sa bawat hakbang at pagtahak natin sa landas na ating ninanais, hindi natin namamalayan ang nagiging epekto nito sa ating buhay. Kung minsan, sa sobrang bilis nating maglakad ay mayroon tayong nakakaligtaan. Kung minsan naman, sa sobrang bagal nating humakbang ay mayroon tayong hindi naaabutan. Kaya't sa bawat paglalakad sa pinili nating daan, unti-unting nagtatagpo ang mga taong hindi natin inaasahang darating. Sa bawat hakbang, nagsisimula ang isang kuwento at mga sandaling may kakayahan palang bumago ng ating pananaw sa mundo.

Hindi ko inasahan na sa bawat paghakbang at paglalakad ko sa isang tiyak na daan, may mga bagay palang unti-unting nagbabago. Mula sa iba't-ibang taong nakilala ko, may isang taong dumating na hindi ko inasahan na siyang magpapaunawa sa akin ng kahalagahan ng bawat lakad na gagawin ko sa araw-araw. Dahil sa kanya, natutunan kong tumingin sa bawat daan na aking nilalakaran at natuto akong magpahalaga sa mga taong nakikilala ko sa bawat hakbang na ginagawa ko. Higit sa lahat, siya ang nagbigay ng linaw sa aking isipan na hindi ko dapat palagpasin ang bawat pagkakataon dahil may mga bagay na hindi mo na maaring balikan dahil tuluyan mo na itong nadaanan.


Taong 2016, nasaika-siyam na baytang na ako sa hayskul at aminado akong isa akong kabataan nawala pang tiyak na direksiyon. Kumbaga, madalas akong maging bibo at palatawasa klase kaya naman wala akong nagiging problema sa bawat araw. Ngunit nagbagoang lahat magmula nang makilala ko siya. Nakasama ko siya sa isang grupo na may kaugnayan sa musika kung saan aytumutugtog kami gamit ang drum at lyre. Doon nagsimula ang masayanaming kuwento. Sa bawat pagsasanay, madalas ko siyang kakuwentuhan atkabiruan. Siya iyong tipo ng tao na may dalang positibong katangian kaya't madalingnapalapit ang loob ko sa kanya. Naging magkaibigan rin kami at madalas namagkasama. Hindi ko ikakaila na sa mga araw na kasama ko siya ay tuluyan nangnahulog ang aking loob sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay nalaman kongpareho lang pala kami ng nararamdaman. Alam kong bata pa kami at wala pa satamang edad para pumasok sa isang relasyon. Kaya naman, naging prayoridad parin namin ang aming pag-aaral.

Dahil sa kanya, natutunan kong pahalagahan ang mga bagay na mayroon ako at maging mabuting mag-aaral. Siya ang nagbigay ng inspirasyon sa akin upang maging mabuting ehemplo sa aking kapwa. Subalit, may mga bagay na hindi ko kayang pigilan at may mga pangyayaring bigla na lang darating na tila isang malakas na bugso ng ulan. Kahit ilang beses akong humakbang, hindi ko na siya maaabutan. Kahit na ilang beses man akong tumakbo para habulin siya, huli na ang lahat. 


Halos limang taon na rin ang nakalilipas magmula nang mauna siyang maglakad na hindi ako kasama. Alam kong kahit wala na siya sa aking tabi, siya pa rin ang nagsisilbing inspirasyon sa akin hanggang ngayon. Marami akong natutunan mula sa kanya, hindi man naging maganda ang wakas naming dalawa. Hindi ko rin nga alam kung napatawad na ba niya ako o may sama ba siya ng loob sa akin bago lisanin ang mundong ito. Pero kahit na ganoon, panatag na ang puso ko na kasama siya ng Diyos at masaya na siyang nabubuhay sa kabilang panig ng mundo. Siguro nga, dumating lang siya para turuan akong maglakad patungo sa isang tiyak na destinasyon at para matutunan ko ang kahalagahan ng mga bagay na nasa paligid ko.


Kung sino man ako ngayon, isa siya sa may malaking ambag kung bakit ito ang pinili kong maging bersyon. Nang dahil sa kanya, natutunan kong tumayo sa sariling paa, natuto akong maging palaban sa buhay, maging totoo sa sarili at higit sa lahat, tinuruan niya akong manindigan sa bawat desisyong pipiliin ko. Nawalan rin ako ng isa pang mahal sa buhay ilang taon lang magmula nang lumisan siya.



Alam kong may dahilan kung bakit nangyari lahat ng 'yon. Nang dahil sa mga pinagdaanan ko, natutunan kong huwag magsayang ng panahon dahil maiksi lang ang buhay. Natuto akong magpatawad at humingi ng tawad sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Iyong mga bagay na hindi ko nagawa at nasabi sa kanya, malaya ko nang nagagawa ngayon. Kaya't malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil marami akong natuklasan sa buhay ko mula nang makilala ko siya. Kung uulitin man ang panahon, pipiliin ko pa ring maglakad kasama siya dahil siya ang simula nang paghakbang ko sa landas na matagal ko ring hinahanap.


Marahil ay maiksi lang ang panahon na nakasama ko siya ngunit malaking bagay ang epekto niya sa akin. Tinuruan niya akong maging malaya sa bawat bagay at desisyon na gagawin ko. Dahil sa kanya, masaya kong naipapakita ang tunay na pagkatao ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Dahil sa kanya, malaya na ako ngayong maglakad sa daang nais kong tahakin. Higit sa lahat, siya ang dahilan kung bakit sa bawat hakbang na ginagawa ko, hindi ko nakakalimutang isipin ang mga bagay na maari kong maiwan at hindi ko maaabutan sa aking paglalakbay. Kaya't ito na ako ngayon, mas malaya at tiyak na sa destinasyong nais kong puntahan kahit na mag-isa lang akong humahakbang.

I know that he's no longer here in this world anymore and I can't tell those words right on his face. But I know...he will understand it. I'm thankful for being able to love him despite the short period of time. His memory with me will always have a special place in my heart. Time may pass by...but the lessons he brought in my life will never fade.

Thank you  for the memories, you'll always be buried in my heart...

Your genuine love will always guide me into something right and significant...

Our story may ended up that way but you're one of the amazing persons I ever had in my life.

You'll always be remembered...and this story of us will surely be treasured forever in my heart.


After Three Days (One-Shot Story)Where stories live. Discover now