'Tignan natin kung sino ang mananalo sa ating dalawa.. Natalo mo na ako minsan, pero hindi na ngayon.' Napangisi siya.

“Sophia? Are you alright?” Napatingin si Sophia kay Jacob.

“You keep on asking that question when you know the answer..” At iniwan ni Sophia si Jacob.Napailing na lang si Jacob at saka tumingin sa Heralds at sa mga Royalties. At kitang-kita niya kung paano magtinginan ang mga ito.

 “Ano na naman ba tong gulong sinimulan mo Sophia?”

 (CLARISSA)

“The Heralds?” Tumango-tango ang kausap ko.

 “Lumabas na rin sa wakas ang Heralds ng Knight Academy..” Napangiti ako.

 “Ibang klase talaga siya noh? Kahit yung mga taong ayaw lumantad napapalabas niya. She is really something..” Of course, afterall she is his twin sister and the Montereal blood runs in her veins.

 “But we have to stop her bago pa niya ituloy ang plano niyang paghihiganti. Hindi maganda iyon.” Sabi ng kausap ko. Tapos natahimik ako.Siguro nga.

 

 “I think you're right. Masyado ng maraming nangyayari. It's time to go back. Sooner or later mahahanap din naman niya ako. I still want to keep my promise to Yves that I would take care of her. It’s the least I could do for him.” Tapos napatingin ako sa litrato ni Yves. I really missed him.

 “Just prepare everything. Babalik na tayo..” Nag-bow siya sa akin..

“Yes, Lady Clarissa..”

Chapter 29

 (JUSTINE)

 “Where are you Sophia?” Kanina ko pa kasi hinahanap si Sophia.Pagkatapos kasi nung opening kanina hindi ko na siya nakita. Bigla na namang siyang nawala parang bula.Kaya heto ako hinahanap siya. Hindi ko kasi kayang mawala siya sa paningin ko..

Naramdaman kong parang may nakasunod sa akin..

“Kapag sinuswerte ka nga naman..” Narinig kong may nagsalita. Tumingin ako sa likod pero wala, pag harap ko. May biglang nagtakip ng panyo sa akin...

'Sh*t! Chloroform'

Tapos nun hindi ko na alam ang nangyari.

(LIA)

Sakit ng ulo ko! Napadilat ako. Napatingin ako sa paligid. Hindi pamilyar ang kwarto na 'to. Kanina lang nasa Academy ako.. May mga men in black.. Tapos...

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon