Chapter 17

210K 3.6K 469
                                    

Chapter 17

After 4 years....

 (JUSTINE)

Apat na taon na ang nakalipas simula nung umalis si Sophia. At apat na taon na din ang nakakalipas pero ni isang balita wala kaming nahanap. Pero kahit ganun hinihintay kong dumating yung araw na babalik siya.. At kapag dumating na ang araw na yun, gagawin ko lahat para lang iparamdam sa kanya kung gaano ko pinagsisisihan ang ginawa ko at para ipaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Kaya nandito ako sa favorite spot ni Sophia, walang iba kundi sa Rose Garden. Minsan nga kahit saan ako tumingin, siya lang ang nakikita ko. Namimiss ko na yung pagiging makulit at pagiging inosente niya sa mga bagay-bagay. Miss ko na rin yung pang-aasar ko sa kanya. Ang cute kasi niyang tignan kapag nagbblushed siya. I also missed her care-free nature. Sa totoo lang sa kanya lang ako nakaramdam na para akong isang normal na tao. Hindi isang heir ng Dela Vega at hindi rin isang top 6, kundi si Justine lang.

Anong emote yan, AJ?” Bigla akong napalingon. I missed that voice after 4 years naming hindi pagkikita.

Ate?” Napatayo ako. Si Ate nga!

The one and only..” Tapos nag-pose pa siya akala mo nasa photo shoot. Pero wala ako sa mood na asarin siya. Kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Namiss kita, little brother..” Tapos binatukan ako. Tch. namiss nga niya ako, ramdam ko.

Halata nga e..” Umupo kami sa bench, kaharap yung pond.

So, kamusta ka na AJ?” Tanong ni Ate. I know she knows about everything.

“Heto gwapo pa din..” Tapos binatukan ulit ako.

Aray!! Nakakarami ka na..” Sabay hawak sa batok ko. Tinignan lang niya ako ng masama. Tapos tahimik ulit kami.

So.. Ano ng balita sa paghahanap kay Sophia?” Napahinga ako ng malalim..

Wala pa din..” Tapos yumuko ako.

Hay.. G*go ka kasi.. Yan tuloy emo ang kinalabasan mo. Pero wag ka ng mag-alala, babalik yun.Sa gwapo mong yan, hindi ka matitiis nun..”Tignan mo tong kapatid ko na to, akala mo kung sinong mahinhin pero kung magsalita akala mo lumaki sa kalye. Pero napangiti ako sa sinabi ni Ate. Kahit lagi siyang wala, ginagawa pa din niya ang best niya para maging isang mabuting kapatid sa akin.

Pero hindi pa rin mawala yung huling sinabi ni Sophia bago siya tuluyang umalis.

Pagbabayaran niyong lahat ito..” Tuwing naalala ko yun. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang sa tanang buhay ko, ako natakot ng ganun. Para kasing may pagbabanta talaga.

"Oh, natahimik ka?. Tama kasi ako!"  Napangiti na lang ulit ako. Nagpapasalamat talaga ako, kahit na minsan sakit sa ulo si Ate. Kapag alam niyang malungkot ako nagiging clown siya.

Teka nga, bakit ka nga pala andito?” Tanong ko..

Nakalimutan mo na ba, sa makalawa na yung 50th foundation year ng Royal Academy..” EH? Sa makalawa na? Ang bilis naman.

Ang bilis naman..” Napailing na lang si Ate. Hindi ko na kasi napapansin kung ano na ang nangyayari, sa dami ng iniisip ko. Hindi pala madami, si Sophia lang ang laman ng isip ko.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon