Chapter 47

123K 3.5K 613
                                    

 Chapter 47

(THIRD PERSON) 

“At hindi ko akalain na ikaw pa ang gagawa sa akin nito, Lia..” Walang emosyong sabi ni Sophia. Matagal na nagkatitigan si Sophia at Lia bago basagin ni Lia ang katahimikan.

 “Gumaganti lang ako Sophia.. Nang dahil sa inyo, naghirap kami ng Mama ko! Kinuha niyo ang lahat, wala na kayong itinira para kay Mama!” Galit na galit na sigaw ni Lia at habang hawak-hawak ang baril na nakatutok kay Sophia.

“Gumaganti? Nakakaawa ka at ang nanay mo. Nang dahil sa kalokohan niyong mag-ina, ang daming nadamay. Unang-una na ang pamilya ni Alexa. Siya ang dapat na nasa posisyon mo, siya ang dapat nakakaranas ng pagmamahal na ibinibigay ng mga Estrella. Pero ano? Naghirap siya para sa walang kakwenta-kwentang dahilan ng dahil sa inyo.” Natawa lang si Lia sa sinabi ni Sophia.

 ”Bagay sa kanya yun. Hindi ba’t malaki ang galit mo sa kanya, sa pagsira ng love story niyo ni Justine? Kaya wala ka tuloy happy ending. At kung bakit ka napilitan ipakilala ang sarili mo. Tapos ngayon kinakampihan mo siya? Why the sudden change, Sophia? BFF na kayo ganun?” Nang-aasar na sabi ni Lia, pero wala pa ring epekto kay Sophia dahil hindi pa rin siya nagpapakita ng emosyon.

 ”Lia, wala tayo sa fairy tale para maniwala ako sa happy ending. Kaya ako naging ganito ay dahil sa inyo! At wala rin akong itinuturing na kaibigan. Maski ikaw.” Matalim na tinignan ni Sophia si Lia. At nakita niya ang hinahanap niyang emosyon. Hurt. Pero tinakpan ni Lia yun ng isang ngisi.

 ”Hah. Lumabas din ang tunay na kulay mo Sophia. You’re a b*tch.” Sophia show her famous devilish smirk.

”I know and I’m very much proud of it. Kaya ko nga inutusan si Amber na umarte ng konti. Di ba masakit, Lia?” Sumama ang tingin ni Lia kay Sophia.

“I should’ve know, ikaw ang nag-utos sa kanya. Pero pasalamat na lang siya at hindi ko siya pinatay. Kung hindi pa niya ibinalik sa akin si Daniel.” Napangiti si Sophia. Alam naman niya na sasabihin iyon ni Lia.

”Hindi pa ako tapos, Lia. Pero kung sa tingin mo maiisahan mo ako nagkakamali ka. Nagustuhan mo ba ang palabas ni Julia kanina? Hindi ba’t ang galing niyang umarte? She can awarded as Best Actress.” Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Lia.

 “I-ibig sabihin..” Natawa si Sophia.

 “Oh? Bakit ganyan ang mukha mo Lia Jasmine Ramos. You didn’t expect this aren’t you? Akala mo nasusunod ang lahat sa kagustuhan mo? Well, I’m way smarter than you. Ni hindi mo nga ako nagawang patayin. I escaped death.” Hinawakan ng mahigpit ni Lia ang baril.

”I don’t care. Ang mahalaga mamatay ka! Kung hindi man ako nagtagumpay noong una ngayon sigurado akong magagawa ko na. Gagawin ko sayo ang ginawa ko sa kakambal mo! Akala niya mauutakan niya ako, pero hindi. Bago pa siya makapagsalita sa inyo pinatahimik ko na siya!”At pagkasabi niya nun parang may nagbukas ng switch sa utak ni Sophia.

 ’Nics..’

”Do it.” Malamig na utos ni Sophia kay Lia.

 ”What?” Tanong ni Lia.

 ”Do it! Kill me!” Napangiti lang si Lia.

 ”As you wish my empress.” Pipindutin na sana ni Lia ang gatilyo ng magsalita ulit si Sophia.

 ”Pero sa oras na patayin mo ako, kasama kong mamatay ang nanay mo. Pati na rin ang anak mo.” Hindi makapaniwala si Lia sa narinig niya.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now