Chapter 41

153K 2.5K 258
                                    

Chapter 41

 (JUSTINE)

3 araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nagkakamalay si Sophia. Sobra na kaming nag-aalala. Pero kahit minsan hindi ko iniwan ang tabi niya.

”Doc, ano po ba ang lagay ni Sophia bakit hanggang ngayon hindi pa din siya nagkakamalay?” Tanong ko. Pinatawag kasi ulit namin ang doktor dahil nga ayaw pang magising ni Sophia

”I don’t know either. Dapat ngayon gising na siya. Pero hayaan na muna natin siya magpahinga, she looks so tired. Kaya siguro, bumigay ang katawan niya.”

Napatingin ako sa natutulog na si Sophia. Halata sa mukha niya na pagod na pagod siya para bang ang dami niyang iniisip. Siguro ang hirap ng ginagawa niya, nagpapatakbo siya ng isang business empire tapos inaasikaso pa niya ang Academy. Hindi biro ang responsibilidad na hawak niya. At syempre pinapahirapan pa niya kami.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

”She’ll wake up. She’s a strong person, you know..” Ngumiti ako.

“I know Lia. Kaya sa sobrang pagiging strong person niya, tignan mo ang nangyari sa kanya. Teka, bakit hindi ka pa nagpapahinga?” Umupo siya sa kabilang gilid ng kama.

”Ako ang dapat magtanong sayo niyan. Ilang araw ka ng hindi umaalis sa tabi niya.” Ngumiti ako. At nakatitig lang kay Sophia.

”Gusto ko lang naman masigurado na ayos siya. Sa tagal ng panahon na nawala siya sa akin, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama siya ng ganito. Kahit na wala siyang malay ok na. Kasi paggising niya tatarayan na naman ako niyan.” Natawa naman si Lia sa sinabi ko.

”Kamusta naman kayo ni Daniel?” Tanong ko.

”Hmm. Ewan..” Tumingin ako sa kanya.

”You know, he really loves you..” Ngumiti siya.

 “Alam ko. Pero hayaan mo muna akong maliwanagan. Kailangan ko din mag-emote minsan noh..” Tapos tumayo na siya..

”Sige, magpapahinga na nga ako para hindi na ako makaistorbo sa inyo. Ikaw din pahinga ka na.” Tapos lumabas na siya ng kwarto ni Sophia. Hinaplos ko ang mukha niya.

”Magpahinga ka ng mabuti Sophia, pero wag naman sobra nag-aalala sila pati na rin ako..” At hinalikan ko ang noo niya.

” Je t'aime, mon ange..” (I love you, my angel..)

                                                                        _0_

Halos hindi na ako nakatulog sa kakabantay kay Sophia, buti na lang nakaidlip ako kahit papaano.. Kinapa ko yung kama ni Sophia, pero walang tao? Agad akong napaayos ng upo, tumingin ako sa paligid pero walang Sophia..

 “Sophia?!” Tawag ko. Pero walang sumasagot.Tumayo ako at nilibot ang buong kwarto niya. Inabot na ata ako ng 30 mins. Kakahanap sa kanya sa kwarto niya. Pero wala.Agad akong lumabas. Nakasalubong ko si Julia..

“Justine, may problema ba?” Tanong ni Julia..

 “Si Sophia wala sa kwarto niya. Nakita mo ba siya?” Umiling siya.

”Hindi e. Teka, gising na si Sophia?” Tanong ulit niya..

”Ewan. Paggising ko wala na siya sa higaan niya pati sa kwarto niya.” Tapos dumating naman si Sebastian at Olivia

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Where stories live. Discover now