Mas kumunot ang aking noo.
"I'm sure it was after their engagement news, 'di ba kinuwento ko pa sa'yo 'yung about sa kwintas na regalo niya nung New Year?" paalala ko.
Her mouth formed an O. Tumango tango siya pagkatapos.
"Hindi kaya na-realize ni Mayor na ikaw na 'yung mahal niya kaya nakipaghiwalay siya at ngayong bumalik ka na ay agad agad nanligaw?" her eyes widened.
Mabilis naman akong umiling.
"Or utos 'yon ng mga magulang niya. You know how he's like, he'll do everything for his parents," mapait kong sabi.
Ngumiwi si Aina.
"Bitter, sis! So sinasabi mo na wala kang tiwala sa kanya ganon? So babastedin mo?" sunod sunod niyang tanong.
I inhaled sharply.
"Hindi mo man lang ba titignan kung sincere ba? Malay mo naman 'di ba! Saka ano ba 'yang envelope na dala mo? Mahuhulog na oh!"
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang maalala ang tungkol sa envelope kaya naman agad ko itong binuksan.
Hindi na ako nakausap ng matino ni Aina dahil nakuha na ng envelope ang atensyon ko.
Hanggang sa makarating kami sa condo ay hindi ako makapaniwala sa mga impormasyon na nakikita ko.
Damn it!
It only took Nathan days to find this! Samantalang ilang taon na 'tong hinahanap ni Timo!
"Can you stop?" saway sa akin ni Aina dahil kanina pa ako pabalik balik sa kanyang harapan.
Nakaupo siya sa couch habang nasa pagitan namin ang lamesa kung saan ko nilatag lahat ng mga papel na naglalaman ng impormasyon ng mga taong maaring witness nung gabing 'yon pati na rin ang original copy ng autopsy ni Mama.
"And please, stop biting your nails!" aniya pa.
Tumigil ako at umupo na muna sa katapat na sofa.
"Bakit sa tingin mo binigay ni Nathan 'to?" I asked her.
Because all of these seems soooo legit.
Aina shrugged.
"Obviously, because he's helping you?" tumaas ang kilay niya. "That's what he said, right?"
Pinaglaruan ko ang labi ko habang nag - iisip.
"Do you think it's worth the risk kung tatanggapin ko 'yung tulong niya?"
Mabilis tumango si Aina.
"Of course! Just look at that!" sinensyas niya ang lamesa.
"It's been years pero hindi niyo man lang nahanap 'yan."
Sumang-ayon ako sinabi niya.
"I'll call Timo."
"Mabuti pa nga," aniya.
Wala pang kalahating oras ay dumating na si Timo sa condo. Halatang iritado siya base sa boses niya kanina sa kabilang linya pero wala akong pakialam.
This is the closest we have been in our investigation. Makausap lang namin ang isa sa mga witness na ito ay talagang malaking tulong na sa amin.
"This is legit, right? Naaalala ko pa 'yung karamihan sa kanila. Timo, sila 'yon 'di ba!?" I exclaimed.
Nakita ko ang pag - igting ng panga niya habang tinitignan ang mga papel sa lamesa.
"Tell me, sino 'yung naka - usap mo? Sinong nakakita kila Sarah at Alfonso Quintero nung gabing 'yon?" pangungulit ko.
YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...
Kabanata 14
Start from the beginning
![Exception [ Quintero Series #2 ]](https://img.wattpad.com/cover/211932718-64-k435083.jpg)