Tinignan ko yung kamay ko na hawak niya. Wish granted. 

"what are you looking at?" nagitla ako sa tanong niya. Sht! Nahuli niya kaya akong mukhang timang na nakangiti?

"h-huh? Wala naman."

"the gap in my fingers fits your's perfectly. Ang gandang tignan no." he said looking at our hands.

"yeah youre right. Ang gandang tignan" 

this is not the first time na hawakan ako ni Lance sa kamay. But unlike before, ngayon alam ko na yung nararamdaman niya. And we feel the same.

Nung naramdaman naming malapit na kami,

"saan ka? Harap o likod?" tanung niya sakin.

"kahit saan." yun na lang yung nasagot ko dahil di ko alam yung pinagkaiba nun.

"sige sa likod na lang ako." sagot niya.

Umupo kami dun sa sasakyan na parang kahoy. Apatan talaga yun. Kaso dalawa lang kami kaya parang mas nakakatakot kasi mas maluwag.

Umandar na yun at tinangay yung sinasakyan namin at nagpaagos sa tubig.

"ayan na" sabi niya sa likod ko nung paakyat na yung sasakyan.

"are you ready?"

bago pa ko makasagot ng 'I'm ready' bumulusok na pababa yung sasakyan.

Sa sobrang bilis pakiramdam ko tinangay nun yung buong pagkatao ko.

But the ride don't stop there. May isa pang mas mataas.

"this is lifeee!!" sigaw namin pareho habang nakataas yung mga kamay namin. 

Sa pagbagsak nung sasakyan, tumalsik samin lahat ng tubig which made us soaking wet.

"wala akong dalang damit" sabi niya pagbaba namin.

"patuyo na lang tayo sa flying fiesta"

"ok"

"wait. Picture" lumapit ako sa kanya and capture us the basang basa.

"perfect creation" yun na lang yung nasabi ko nung tinignan ko yung picture.

Our next stop was flying fiesta. Though my seat dun na pandalawang tao, we chose seperate seats. Nasa harap ko siya ngayon, nakatalikod pero nakikita ko pa rin yung mga ngiti niya. Pag nawala ba ko sa buhay niya, makakangiti pa rin sya ng ganyan? Sana..

We tried other rides like anchors away at bump car.

We even tried swan lake.

Habang busy siya sa pagpandyak sa swan, tinanong niya ko. "of all the places bakit dito pa?"

"bakit? Di mo ba nagustuhan?" kinakaBahan kong tanong sa kanya.

"nagustuhan syempre. Pero bakit dito nga? Naisip ko kasi baka eto lang yung lugar na walang bakas ni Lance kaya dito mo ko dinala"

walang bakas ni Lance? Physically wala. Pero sakin meron.

"natuwa lang ako sa lugar na to. No Lance involved"

"ok"

Liar! Sinusunog na ata sa impyerno yung kaluluwa ko sa dami ng kasinungalingan na lumalabas sa bibig ko.

I brought you here Lance because you promised me na pupunta tayo dito.

***

"congratulations Lance Michael Gallano for winning 4th place in Editorial Writing and Kittlyn Ramos for winning 2nd place in Feature Writing during the National Press Conferrence blah blah" yan yung una kong narinig pagpasok ko ng gate ng school namin. Kaya tumakbo na ko papunta sa building namin. Lance is back with the bacon. Nung nakarating ako malapit sa classroom namin,Puro echo ng congratulations kay Lance at Kitty yung naririnig ko.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now