Sa Jollibee Sa Mall 2

Start from the beginning
                                    

Wala lahat sana yun. Naiwasan sana lahat.

Sana.

Eh hindi eh. Yun ang nangyari.

Pero, hindi ko rin naman siya masisisi. Dahil sa sobrang bait nitong si Ken. Nagawa niya yun. Nagawa niya akong iwanan, kahit na kitang kita sa mga mata niya noon na nasasaktan siya sa bawat salita na ibinubuka ng bibig niya.

Naluluha na nga siya nun eh. Mahirap din yun ah. Yung pakawalan yung mahal mo. Minahal ko siya eh, tapos iiwanan niya lang ako.

Masakit mawalan ng mahal sa buhay, oo. Pero bilang tao, we learn how to get by.

At ako, yung ang sinubukan kong gawin. I succeeded in a few days, pero nung nakita ko ulit siya after like 5 days kong pagiging okay, hindi ko mapigilang mag break down.

Oo, as in.

Sa harap pa ng maraming tao. Nasa SM Fairview kami noon, nagkataong kumakain siya dito sa Jollibee, papunta ata akong sinehan para manood ng Harry Potter Deathly Hollows Part 1.

Nasimulan ko kasing panoorin yung Sorcerer's Stone sa sinehan, kaya ayun tuluy tuloy na.

So, nung nakita ko siya. Siyempre nagulat ako. Out of all places, bakit dito pa? At bakit sa labas pa siya kumakaen?

Diba?

Makikita mo yung buhok niya, yung mukha niya, yung itchura niya, maikikita mo siyang masaya, kuntento, mukha siyang okay. Tapos bigla nalang kikirot yung puso mo, tapos mapapaluha ka sa mga hinanakit na pinagdaanan mo na biglang babalik at sasapakin ka sa mukha na tumatakbo ng simbilis ng bullet train sa Japan.

Diba?

Then, oo, naiyak ako, pero buti nalang hindi niya nakita. Nandun lang siya eh, mag-isa, kumakaen. May isa pa ngang babae sa likod niya eh, akala ko nung una ex niya, hindi pala. Bagay sila.

Parehas silang mag-isa na kumakain sa Jollibee. Kaso naka talikod sila sa isa't isa.

Later ko nalang nalaman na si Bea pala yun, nung naging classmate ko siya sa kolehiyo.

Trip niya kasing gawin yun. Hindi ko alam kung bakit. Pero sabi niya, lagi niya daw ginagawa yun kasi gusto niya. Eh di siya na may pang Jollibee araw araw.

Anyway.

So napaluha ako, at napamadaling maglakad papunta sa pinakamalapit na cr. Which is sa loob ng sinehan.

So bumili na ako ng ticket, habang medyo naluluha na ako, tapos pumasok agad sa cr ng babae at nagkulong sa cubicle.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. Pero tingin ko mga minuto lang yun. Piniglan ko talaga yung sarili kong wag umungol. Pero mahirap eh, ang sakit sa dibdib pigilang umungol.

Pero matapos nun, kinailangan ko nang lumabas, kasi nakakahiya na, may mga lumalabas at pumapasok sa cr na nagugulat sila kung bakit may umiiyak.

Yung iba nga natatakot pa eh.

Akala nila multo. Purket umiiyak, multo na agad? Grabe.

Matapos nun, hindi ko na siya nakita ulet. Pati sa phone, binura ko lahat ng pictures namin. Maliban nalang sa contact niya. Just in case lang.

Hindi ko pa totally kaya eh.

At, sa katagalan, nasurvive ko naman. Basta hindi constantly pinapaalala sa akin ang mga paghihirap na dinaanan ko, then okay na ako.

Pero alam mo yung mas masakit? Yung balikan ka niya after more than a year kayong hindi nagkita.

April 24, 2010 yun.

Paano Kung? (Tagalog Love Stories) (Completed)Where stories live. Discover now